XII. Alitaptap

808 19 1
                                    

General POV

"Lola.. Kung gusto niyo po, ako nang magluluto ng pagkain natin?" sabi ni Karylle na sumunod sa matanda sa lutuan.

Walang kasamang iba ang matanda sa kubo kundi ang tatlo niyang apo. Wala ring kuryente ang lugar kaya naman nagtitiis sila sa dilim.

Sa kabilang dako. Nakikipaglaro si Billy at si Coleen sa mga bata. Habang si Vhong naman ay nag aayos ng matutulugan nila mamaya. Muukhang irita naman si Vice kaya tahimik na nagtetext sa tabi.

"Mabuti na lang may signal dito. Kung nagkataon, lalakarin ko talaga pauwi kahit madilim at nakakatakot." bulong niya habang pumipindot pindot.

"Brad! Imbis na dumudutdot ka sa celphone mo.. Ano kaya kung tulungan mo na lang si Karylle at si Lola sa pagluluto." suhestyon ni Vhong.

"Ikaw nakaisip, edi ikaw gumawa." walang emosyong sagot naman niya.

"Brad! Gutom na gutom na tong mga bata for sure.. Sige na!" muling pilit nito.

"Kasalanan kong naligaw si lola?" pambabara ni Vice.

"O sige.. Ikaw dito at ako ang tutulong kila K." Akma nang tatayo si Vhong nang pigilan niya ito.

"Ikaw naman di mabiro.. Eto na. Eto na. Atat na atat!"

Pumunta na nga si Vice sa likod kung saan medyo madilim ang dadaanan. Ibinukas niya ang ilaw ng phone. Napapa"AY" naman siya sa twing makakaapak ng bato at medyo madulas.

"Jusko! Bat ba ganito to. Nakakaloka! Nakakasira ng beauty." pagrereklamo niya.

Papalapit na sana siya sa mga ito ng makita niya ang hitsura ni Karylle.

Nakafit na black na sando ang dalaga. Kanina kasi'y nakajacket pa siya. Ngayon niya lang ito nakitang magsleeveless kaya medyo ikinatulala niya ang ganda ng hubog ng katawan nito na bakat na bakat mula sa suot.

"Nasaan na po yung mga anak ninyo? Bakit naman po naiwan sainyo ang mga apo niyo?" sunud sunod na tanong ni Karylle.

"Iniwan ako ng nag iisa kong anak eh.." maluha luhang sagot ng matanda. "Masyado na raw akong pabigat sa kanya. Kaya hayan at naglulong sa droga, iniwan sa akin ang tatlo niyang anak."

Lumapit naman si Vice sakanila.

"O iho."

"Hay nako lola! Kung ako ang anak ninyo.. Hinding hindi niyo mararanasan yan. Nasan na ba ang anak niyo at sasabunutan ko. Lukaret siya! Ilang taon niyo siyang binuhay at tinaguyod, ayan lang isusukli sainyo? Aba matinde!"

Natawa naman ang matanda pati na rin si Karylle.

"Salamat sa inyo ha? Sana katulad niyo na lang ang anak ko." sinserong sabi ng lola.

"Magsstay pa po kami hanggang bukas ng maghapon. Gabi kami uuwi. At sa mga oras na naririto kami. Kami muna ang anak ninyo. Ayos ba yun?" sabi ni Vice.

Napangiti naman si Karylle na tila humanga sa ipinakitang kabutihan ng kaibigan.

"Naku. Salamat iho. Maraming salamat." Niyakap siya nito at pinupog pa ng halik sa leeg. Natawa naman ang dalawa.

"Laway niyo la.. hahaha"

--

Naghain na sila ng pagkain para sa gabihan.. Pinag ambagan ng magkakaibigan ang pambili ng bigas para isaing samantala niluto naman nila ang gulay na dala ng matanda.

Matapos kumain ay agad na ring natulog ang mga bata.

"Mga anak, hindi pa ba kayo matutulog?" tanong ni lola.

Triple ThrillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon