XIII. Bitin moments!

852 22 4
                                    

"Kasi.. Ako yung.. Babaeng.. Ano eh! Hm.. Yung pumasok sa kotse mo at hinalikan ka." nahihiyang sabi ni Karylle.

Nanlaki naman ang mata ni Vice sa nalaman. Kaya pala nung nagdare kami ng kiss, parang naulit na yung pakiramdam ko. Isip niya.

Awkward silence ang iniwan ng mga katagang inamin ni Karylle. Maya maya pa'y dumating na si Vhong. "Guys eto na yung foods!"

Tumayo si Vice mula sa kinauupuan at nagwalk out. Nagtaka naman si Vhong sa ikinilos nito. Habang hindi naman makatingin ang dalaga.

--

Dumiretso si Vice sa kwarto at saka natulog sa tabi ng mga bata.

"Tulog na tayo?" aya ni Coleen.

"Aga pa eh! Mamaya na.." pag iinarte naman ni Billy. "Ayaw mo na ata ako makasama eh."

"Sus.. ito naman." She cupped his face. "Kahit habang buhay pa. Basta hindi nakakaantok."

Natawa naman si Billy sa sinabi nito. "Sige na nga.. Tabi tayo ah." Siniko siya ng girlfriend sa tiyan.

Tumayo na nga sila at nagpunta na sa kwarto. May papag sa sala  kung saan natutulog si Vice katabi ang mga bata at si lola.

Wala silang choice kaya naman magkatabi na nga silang natulog sa isa pang papag sa luob. Magkatalikuran silang humiga dito.Hindi lang kumikibo si Coleen sa tabi ng kasintahan. Nagsisimula nang lumalim ang tulog niya. Samantala, hindi naman makatulog si Billy. May atraksyon na pilit tumutukso sa katawan niya habang katabi ang nobya. Iginagalang at nirerespeto niya ito, pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng ganito. Lalaki siya at may mga pangangailangan ang katawan niya lalo na mga ganitong sitwasyon.

Napapalunok siya habang nakatitig sa bubong. Nagsimula namang umulan kaya lumamig ang simoy ng hangin. Humarap sa kanya ang kasintahan na ikinabigla niya ng husto. Niyakap siya nito ng mahigpit. Tulog na ito. Marahil ay nilamig siya kaya niya ginawa iyon. Habang lumalamig ang hangin ay lalo namang umiinit ang nararamdaman ni Billy.

Sa kabilang dako.

Naiwan ngang nagkukwentuhan si Vhong at Karylle. Kinain na lamang nila ang mga pagkaing dapat sanay pagsasaluhan nilang tatlo. Muling tumigin sa relo si Karylle. Alas tres na ng madaling araw.

(Dahil kota ang VhongRylle ngayon.. Para senyo to! HAHA)

"K.. Alam mo. Ang saya ko." sabi ni Vhong out of the blue.

Napalingon naman sa kanya si Karylle na ngumunguya pa ng chitchirya. "Bakit naman?"

"Kasi kasama kita ngayon.." Mala Mr. Suaveng sagot nito.

Nagtama ang kanilang mga mata. Napalunok naman si Karylle ng unti unting lumapit ang mukha ni Vhong sa kanya. Pumikit na lamang siya.

"Vhong.." muling bulong ng dalaga.

Pero tinakpan nito ng isang daliri ang labi niya. "Ssh." Mas inilapit niya pa ang mukha dito. Malapit na malapit. Pareho silang nakapikit habang hinihintay ang paglapat ng labi ng isa't isa. Hanggang sa...

"Ay!" Nabigla si Karylle nang may pumatak na tubig sa noo niya.

Napamulat din si Vhong dahil dito.

"Nak ng.. Yun na yun eh." bulong nito habang naghahand gestures pa.

Kumulog naman ng malakas.

"Mukhang uulan.. Tara na!" Hinila ni Karylle sa wrist ang kaibigan at tumakbo sa kubo.

Sakto namang dating nila ng umulan ng malakas.

"Hay! Buti na lang.." hingal na sabi ni Karylle habang pinupunasan ang braso na medyo nabasa ng ambon kanina.

Triple ThrillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon