XX. An Outing Surprises

893 32 10
                                    

"Halika na. Hmm gusto ko na umuwi."

Nagulat si Billy nang bigla na lang hilain ni Coleen sa kamay si Enrique pagkatapos syang makita.

"Sandali." Pinigilan nya ang nobya na umalis. "Mag usap tayo."

"Wala tayong dapat pag usapan. Sagot nito nang hindi sya tinitignan.

"Hindi kita maintindihan.. Ano bang nangyayari? Pag usapan muna natin to please." pakikiusap nya.

"Bitiwan mo ko.. Wala--"

"Please. Coleen.. Pag usapan natin to."

"Pare. Ayaw nga di ba? Wag mo nang ipilit." Hinawakan sya ni Enrique sa braso.

Mataman nya itong nilingon. "Pare.. Wag kang makisali. Usapang magkarelasyon to."

"Magkarelasyon? Haha pare.. Tanggapin mo nang wala na kayo. Alis na kami." Nagpantig ang tenga ni Billy sa narinig. At di na sya nakapagtimpi pa nang ipulupot nito ang braso sa bewang ni Coleen. Nag akma syang susutukin ito sa mukha pero pinigilan sya ng nobya.

"Billy tama na please! Please."

Nakalma sya nang makita ang tila nagtitibay tibayan lamang na mukha ng nobya. Kitang kita nya sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman.

--

"Ewan ko bestie. Kakausapin ko nga si ngangabu.. Tatanong ko kung bat nabu-ang bigla yung pinsan nya." sabi ni Vice.

"Hindi. Ako na lang brad. May second date kami ni Annie mamaya." Nakangisi at tila naexcite na sabat ni Vhong.

"Hoy ikaw Vhong ah! Paano naman si Karylle? Gago to. Sabi mo liligawan mo? Anyare! Nagpatulong pa sakin.. Punyeta di naman pala tutuloy!" Asar na bulyaw ni Vice at saka tumayo sa kinauupuan.

"Brad sorry na.. Eh kasi. Parang di rin naman ako bibigyan ng chance non eh. Mabuti pa si Anne. Mahal na ko." Kinikilig pang paliwanag nito.

"Oo! Ganyan naman kayong mga lalaki! Tutukain nyo lang kapag hinagisan na kayo ni bigas!" Nakacrossed arms na sabi niya.

"Bestie..." singit ni Billy.

"Mamaya ka Billy Crawford! Nagtatalo pa kami dito!" sigaw ni Vice.

"Haha nagtatalo? Ikaw lang naman tong galit na galit sakin.. Baka nga okay lang naman kay K kung di ko na sya liligawan eh. Minsan OA ka rin eh noh brad!" Tinapik sya nito sa balikat.

"Anong okay? Sure ka! Isusumbong kita.. Sige ah! Pag nagalit pitik sa eyeballs."

"Hahaha. Kung nanghihinayang ka sa efforts na ginawa mo.. Ikaw na lang manligaw brad! Ituloy mo na lang ang nasimulan." Inakbayan pa sya nito.

"Ikaw. Gusto mo ipabugbog kita kay Cedric Lee?!" taas kilay na sagot ni Vice.

"HAHAHA. Di mabiro."

--

General POV

"Baby girl.. Sama ka na kasi please?" Pamimilit ni Anne nang maabutang nagtutulog tulugan ang pinsan. "Uy." inalog alog nya ito sa braso.

Walang response na natanggap ang dalaga mula dito.

"Baby girl. May problema ba kayo ni Billy?" mahinahong tanong nya.

Ngunit katulad kanina.. Nanatili itong tahimik habang nakatakip ang braso sa mata.

"Alam mo baby girl.. Nung una ayoko talaga sakanya. Hindi ko talaga sya gusto para sayo. Pero nung nakilala ko pa sya lalo, i realized na he deserves you naman pala. He's not just the only lucky sa inyong dalwa, but you too. Tska--" Saglit syang natigil nang makita ang tumulong luha sa may buhok nito. Umiiyak sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Triple ThrillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon