XVIII. The Party

915 26 1
                                    

"W-Wala best ano ka ba!" Fake na ang ngiti ni Karylle. Hawak hawak niya pa rin ang door knob.

"Sus! Patingin nga.. Oh my God!!!" sigaw ni Anne nang tuluyan nang mabuksan ang pinto.

Patakbo itong lumapit sa kama at inayos ayos ito. "Girl naman eh! Hindi ka nagpaalam na gagamitin mo yung bed sheet ko ngayon.. Pero sige na nga dahil kumpleto ulit tayo ngayon matutulog dito.. Sige payag na ako!" humiga ito sa kama. "Halika girl. Gusto kong magshare ng something special sayo."

Lumapit naman si Karylle na nakahawak pa sa dibdib nyang sobrang lakas ng kabog. Kinabahan talaga sya ng husto.

"Alam mo girl.. Sobrang saya ko ngayon. Just happy! Kasi.. Yung taong gusto ko, mukhang mas gusto rin sakin." Nakangiting sabi nito.

Ngumiti lang si Karylle as a response.

"Teka nga! Nasan pala si baby girl? Sabi ko may party tayo sa baba eh.. Tsaka, parang amoy pabango ng lalake? May pumunta ba ditong ibang tao?" Takang tanong ni Anne habang inaamoy amoy ang bed sheet at unan.

"W-Wala syempre ano ka ba best.. Halika na sa baba. Maghanda na tayo para sa party. Si Coleen, lu-lumabas lang saglit para bumili ng food." Medyo nilakasan niya ang huling pangungusap para marinig ng sapat ni Coleen na kasalukuyang nagtatago.. Sa... Ilalim ng kama katabi ang nobyo.

Tuluyan nang nakalabas si Anne sa kwarto nang makita ni Karylle ang undies ni Billy sa gilid ng lamp shade. Napangiwi na lang sya bago sundan ang kaibigan.

Vhong's POV

Natutuwa ako kay Anne. Masyado syang misteryosa and I find it exciting.. More exciting.. than Karylle. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung liligawan ko pa rin ba si K ngayong nandito na si Anne. Tsk! bahala na nga.

Paalis na sana ako nang may kumatok katok sa window ng kotse ko. HAHAHAHAHAHA! sorry guys. Si... Si... Hahahahahaha. Si Billy at Coleen kasi.. Nakabalot lang ng kumot... Hahahahaha.

"Ano ba kuys! Tawa pa geh." inis na saway ni Billy sakin.

"Kuya Vhong. Diretso muna tayo sa condo mo.. Dun kami magbibihis ni Billy." sabi naman ni Coleen na akap na akap sa kumot.

Tumango lang ako at dumiretso nga kami sa condo ko.

General POV

Maya maya pa'y dumating na si Coleen dala dala ang pagkain na binili mula sa labas.

"Uh.. Baby girl nag abala ka pa. Madilim na sa labas anong oras na. Pano kung may nangyari pa sayo jan. Wag mo na uulitin yan ha." Sweet na sermon ni Anne habang inaayos ang patas ng wine na iinumin nila mamaya. "Text ko nga si sis.. Papuntahin natin. Para mas masaya." dugtong niya.

Nagluto ng pagkain si Anne, tinulungan naman siya ni Karylle habang nag ayos naman si Coleen ng lights at sounds.

Alas dose ng gabi nang isa isang magdatingan ang mga high school friends nila ni Karylle. Unang dumating si Solenn at Georgina kasama ang kani kanilang boyfriends. Sumunod naman si Liz at sister nitong si Laureen. Halos sabay sabay namang dumating sina Iza, Diana at Raymond.

Mag iisang oras na mula ng simulan ang party pero hindi pa dumadating si Vice. Kaya napagdesisyunan ni Karylle at Coleen na sunduin na ito sa condo niya.

"Girl, wag kayong uuwi hangga't hindi sya kasama. Madaya ang baklang yun. Kapag ako ang late nagtatampo." Nagpout si Anne.

Karylle's POV

Sinabi ko na kay best na baka hindi makarating si Vice kasi nga galing kami sa bar pero masyadong makulit ang bruhang yon kaya napilitan na akong puntahan sya sa condo nya.

Triple ThrillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon