XVI. Triple Date

845 22 1
                                    

"Taray! Ganda pala talaga ng boses mo eh!" puna ni Vice kay Karylle matapos nilang kantahin ang Buko.

Ngumiti lang ito at tila nahiya.

Nagpalakpakan naman ang audience. Yung iba ay tinukso sila.

"Nako teh! Matitibo ka talaga nyan. Maganda si girl.. Mag ingat ka?" sabi ni MC na sinusuklay suklay pa ng daliri ang buhok ni Karylle.

"Anong pangalan mo teh?" sabat naman ni Lassy.

"Karylle nga di ba?! Ulet ulet? Baklang to! Pangit na bingi pa." Pang ookray naman ni Vice.

Nagtawanan ang audience pati na rin ang dalaga.

"May regla? Masama magtanong ulit?" sagot naman ni Lassy.

"Masama! May bayad! Giguest nyo na lang kami dito, magtatanong ka pa ng kung anu ano." sinabunutan ni Vice ang huli.

Lalo namang nagtawanan ang audience.

"Pangalan? Kung anu ano? Labo mo teh! Palibhasa may girlfriend ka na ganyan ka!" sabat pa ni MC na natatawa.

"Magtigil! Magtigil!" Nakatawang pinaghahampas ni Vice ang dalawa.

"Vice.... tapos... Karylle.... ViceRylle!! Ganda di ba? Di ba guys?" sigaw ni MC sa audience.

Naghiyawan naman ang mga ito.

"ViceRylle! ViceRylle! ViceRylle!" sabay sabay na sigaw ng mga tao.

--

"Sis.. Matagal pa ba? Hindi pa ba nafafall sayo si Vhong?" Malungkot na tanong ni Vice habang inaayusan ng buhok si Anne.

"Ewan ko.. Bakit ba? Nagrereklamo ka na agad? Hala sis.. Nacoconfuse ka na ba?"

Naitigil ni Vice ang pagsusuklay sa kaibigan at ihinarap ang upuan nito sa kanya. "Sis.. Kapag kinareer ko pa to. Baka mafall ang bruha. Ako naman ang kawawa."

"Sis.. hindi! Hindi nagkakagusto si K sa beks. Sumasakay lang sa joke yun, pero hindi mangyayari ang iniisip mo swear!" sagot ng dalaga na muling humarap sa salamin.

Tumango tango naman si Vice at itinuloy ang pagsspray sa buhok nito. "Mabuti nang malinaw."

"Baka ikaw pa nga ang mafall eh.." bulong ng dalaga.

Vice (O____O) "Huh?"

"Wala..." Anne chuckled.

Sabay nang pumasok ng school ang dalawa sakay pa rin ng Hummer ni Vice.

Nakasemi-boylet peg pa rin ang hitsura ni Vice ngayon with his black and yellow color outfit. (Nasa gilid po ang picture ni Viceral) habang naka white hanging shirt, striped skirt and orange shoes naman si Anne.

Dalawa lang ang subjects nila ngayon at nagplano ang magkaibigan na mag aya ng gimik mamaya.

Nasa bench lang ang dalawa at nagkwentuhan habang wala pa ang iba.

Mag iisang oras na nang dumating si Karylle.

"Nakita nyo ba sina Vhong?" tanong nito.

"Hindi eh.. Bakit?" asked Vice.

"Sabi niya pumunta ako dito sa bench tapos wala naman pala siya." Naupo na rin ito sa tabi ni Vice.

Hindi naman makatingin si Anne sa kaibigan. Nasasaktan siya.

"Kuys!" Napatingin si Vice sa likuran niya and then he saw Billy.

Sumenyas ito na lumapit sa kanila. Kaya naman sumunod siya.

"Wait lang mga teh aa.. CR lang ako." paalam niya.

Naiwan ang dalawa na awkward. Awkward kay Anne. Hindi pa rin siya makapagsalita. Tahimik naman siyang sinusulyapan ni Karylle.

Triple ThrillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon