XV. Double Moment ❤

819 26 2
                                    

A/N: Sabi ko dati.. Patatagalin ko ng 2 to 3 days bago mag'update para mamiss ng readers. Pero dahil ito ang chapter na may pinakamaraming votes and comments, sege ne nge! Uupdate ako ngayon :D Hehe. Push nyo pa huh? Para lage mabilis ang UD lol

--

Karylle's jaws fell down as he saw Vice. Sa ikalawang pagkakataon ay nakita niya ang lalaking porma nito. Black printed shirt and black jacket on the top. Plain white pants and swaggy black shoes. Naka'eye glasses din siya. He came out with his new luxury Hummer car.

Halos lumuwa naman ang mata ng lahat ng mga babae sa paligid nila.

"Hi K!" biglang lumamya ang galaw nito habang tumatalon talon pa palapit kay Karylle.

Hindi pa rin makapagsalita ang dalaga habang tinitingnan ang kabuuang hitsura ni Vice."Luh! Matunaw ako teh!" Natatawang sabi niya nito.

"V-Vice... Pogi." Mahinang sambit ni Karylle.

"Huh? Ansabi mo?" nakatawa pa ring tanong ni Vice sa tulalang kaibigan.

"A-Ah.. W-Wala! Aga mo ata."

"O tara na nga sa room. Kasi after ng class.. Punta tayong bar ha? Dun nagtatrabaho ang friend ko." Aya ni Vice at umangkla kay Karylle para pumasok sa luob.

--

Hiwalay ang subjects ng anim sa araw na ito. Kaya naisip ni Anne na ito ang pinakamagandang moment para sa plano.

Magkakasama si Vice, Anne at Karylle habang hiwalay naman ang PorkChop duo. Nasa freshmen class naman si Coleen.

Pagkatapos tapos ng klase ay agad na nagtungo si Vhong sa room nila Karylle. May dala dala siyang bulaklak.  Ngunit..

"Nasan si K?" tanong niya nang makitang si Anne lang ang naiwan sa classroom.

"Wala. May pinuntahan sila ni sis." hindi nakatinging sabi nito.

"Ah okay.. Anne, sayo na lang to." Inilahad niya ang bulaklak sa dalaga na sobra namang ikinagulat nito.

"P-Para sakin?" Malapad ang ngiting sabi ni Anne nang tanggapin ang bulaklak.

"Oo. Wala naman pala si Karylle eh." Kinamot ni Vhong ang batok.

Nagbago naman bigla ang emosyon ng mukha ng dalaga pagkasabi niya nito.

"Ah ganon? So binigay mo to sakin kasi hindi mo naibigay kay K? Nanghinayang ka lang pala sa perang pinambili mo nyan? O eto sayo na ulit! Kainin mo para hindi sayang!" Pababog na ibinalik ni Anne sa binata ang hawak na bulaklak.

Takang napakunot noo naman siya. Hindi niya pa rin maintindihan ang ikinikilos ng dalaga. Akmang magwawalk out sana ito nang hawakan siya sa braso ni Vhong.

"Huh? Ano na naman bang nagawa ko sayo?" Umuusok naman sa inis na tiningnan ni Anne ang binata. "Anlabo mo naman kasi Annie! Bakit ba lagi ka na lang nagkakaganyan pag kaharap ako? Pakiramdam ko wala na akong nagawang tama sayo.."

"Bitiwan mo nga ako!" Nagpumilgas siya sa hawak nito pero hindi siya nagtatagumpay. "Bitawan mo ko sabi! I have to go!"

Agad binitiwan ni Vhong ang braso ng dalaga at mabilis na isinara ang pinto at humarang dito.

"Ano ba Vhong! Umalis ka nga dyan!" Pinilit niyang inaabot ang door knob na halos nakayakap na siya sa katawan ng binata.

"Nanananching ka lang eh!" Pang aasar nito kaya't agad siyang tumigil at tumayo na lamang sa tapat nito. "Type mo ko nuh?" Inilapit ni Vhong ang mukha sa kanya na ikinakabog naman ng dibdib niya.

"Umalis ka dyan freak! I need to go!" pasigaw nang sabi ni Anne at pilit na inaabot muli ang door knob.

"Sus! Sige nga.. Kung wala kang crush sakin, tingnan mo nga ako sa mata?" Mapang asar pang sabi nito.

Triple ThrillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon