IX. Kiss

893 19 1
                                    

General POV

Sa kalasingan.. Nakatulog na si JC sa sofa. Kaya naman inalalayan siya ni Anne at Vhong papunta sa guest room ni Karylle. May dalawang kama dito.

"Salamat." mahinang sabi ni Anne na hindi ito tinitingnan. "Sige.. Okay na siya dito. Balik ka na sa living room."

Hindi lang ito umimik. Ilang segundo ang lumipas..

"Fine. Ayaw mong bumalik don.. Ako na lang! Bantayan mo ang boyfriend ko." Inis na sambit ni Anne. Agad itong tumayo sa kama at akmang lalabas na ng kwarto, pero hinawakan siya nito Vhong sa braso.

"Ano bang problema mo sakin?" Mataas ang boses na tanong nito.

"Wala! Bakit ba? Bitawan mo nga ako. Ang ingay ingay mo. Magising pa si JC!" Naiinis na inaalis ni Anne ang kamay nito sa braso niya.

"Alam mo pansin kita eh! Lahat ng pwedeng ikapahiya ko. Lahat ng pwedeng sabihin sakin na masakit. Ginagawa mo! Ano ba talagang nagawa ko sayo?" Mas mataas na ang boses ni Vhong ngayon.

"Bitiwan mo ako!" Pilit niyang inaalis ang mga kamay nito sa braso niya.

"Hindi kita bibitiwan hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko!"

"Ano ba!" Nagpupumiglas si Anne sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kanya pero hindi siya makawala dito. "Okay! Gusto mo talagang malaman?!"

"Oo. Bakit?! Bakit ganyan mo na lang ako kung ituring?" Naging kalmadong tanong ni Vhong.

"Kasi.. Kasi.. May gusto ako---"

Naputol ang usapan ng dalawa ng sumilip si Coleen sa pintuan.
"Ate Anne! Kuya Vhong! Tara na dun.. Kami na lang ni Billy ang natira eh.."

Dahan dahan, binitiwan ni Vhong ang braso ni Anne.

"Sige.. Una na kayo. Pupuntahan ko lang si brad sa taas."

Awkward na umiwas ng tingin si Anne dito. Sabay na silang bumalik ng living room ni Coleen. Habang umakyat naman si Vhong sa taas para puntahan si Vice. Pero nahinto siya sa paglalakad ng maalalang hindi pa bumababa mula duon si Karylle kanina pa. "Teka.. Si K kasama ni brad sa kwarto?! Hala." Nagmamadali niyang ipinagpatuloy ang paglalakad. Agad niyang binuksan ang kwarto na nakaunlock pa.

Vhong (O___________O)

--

Karylle's POV

Pinihit ko ang door knob. Pero nakalock ito.

*tok tok tok*

"Vice. Galit ka ba?" Pero walang sumagot. "Kausapin mo ko."

"Sorry kung naoffend ka o nabastusan ka sa ginawa ko.. Dare kasi yun eh!"

Tssk. Wala pa ring sagot. Alam kong hindi pa siya tulog. 

"Vice.. Huy!" kinatok ko pa ito ng ilang ulit. "Galit ka ba?!" 

*Bumukas ang pinto*

"Bakit ba?" mataray na sabi nito. "Dedede ka?"

"Ito naman. Para kasing nagalit ka! Halika na nga sa baba. Nag iinuman pa sila dun oh!" Hinila ko siya sa kamay pero hindi siya natinag sa pagkakatayo.

"Ayoko. Masakit na ulo ko. Samahan mo na lang ako dito.." Nagsmirk siya. O___o "Nakakatibo ka nuh!"

"Ha?! Sira ka talaga." Medyo nakaramdam ako ng panginginit ng mukha ko. Kinakabahan kasi ako baka tanda niya na yung first kiss namin.

"Joke lang teh! Tara chikahan tayo." Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming umupo sa kama.

Nagkwentuhan kami. Lasing na talaga siya dahil umiyak pa siya sa pagkukwento tungkol sa baby boy niya. Nagbreak daw sila nitong huling linggo lang. Kaya medyo bago pa sa kanya yung nararamdamang sakit. Pero pagkatapos nun, nagkwento naman siya ng mga karanasan niya sa mga mga taong binabara niya dahil sa paguulit ulit ng tanong sa mga bagay bagay. Kaya naman halos mamatay ako sa kakatawa.

Sa wakas napagod din siya sa pagsasalita. Kaya humiga na siya.

"Tulog na tayo K. Hindi mo pa ba naranasang matulog sa kama ng may katabing lalaki?" tanong niya.

"Oo eh!" Mabilis kong sagot.

"Ayos lang yan. Bakla naman ako eh!" Nagulat ako ng bigla niya akong hinila pahiga sa kama at niyakap ng pagkahigpit higpit. Ibinalot niya ang mga braso sa bewang ko habang naka'lean ang mukha sa leeg ko. At nakadantay pa ang mga paa sakin.
Hindi ako makagalaw. Pinagpawisan din ako bigla. Lumalakas ang tibok ng dibdib ko. Ngayon ko lang naranasan to. At lalo na sa ganitong posisyon. Nakakailang.

"V-Vice.. Tulog ka na?" tanong ko ng naramdamang di na siya gumagalaw. "Vice." inalog alog ko ang balikat niya. Pero hindi siya nagising. Narinig ko ang mahinang paghilik niya kaya hindi na ako nagduda. Sinubukan kong alisin ang mga braso niya sa katawan ko pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya. Kaya wala na akong choice kundi matulog katabi niya. Isa pa, antok na antok na din ako.

--

General POV

Nanlaki ang mga mata ni Vhong ng madatnang nakayakap si Vice kay Karylle. Mahimbing namang natutulog si Karylle sa tabi nito.

"Hindi ka pa pupunta sa baba? NaOOP na ako sa dalawa e. Ubusin lang natin yung wine. Then, matutulog na din tayo." Nabigla siya sa pagdating ni Anne kaya naman isinara niya agad ang pinto ng kwarto at inakbayan ito.
"Ah sige. Tara na sa baba." Alam niyang ikagagalit ni Anne kapag nalamang may katabing lalaki ang bestfriend niya sa kwarto.

Pagdating sa sala...

"Nasan si Coleen at Billy?" Nagtatakang tanong ni Vhong.

"I don't know. Iniwan ko lang sandali yung dalawa dito eh!" Napahinto si Anne at biglang nataranta sa naisip. "OMG!" Dali dali siyang tumakbo papunta sa guest room.

Sinundan naman siya ni Vhong.

"Baby girl.." tawag nito ng buksan ang pinto.

Ngunit si JC lamang ang naabutan nilang natutulog dito.

"Fvck! San sila nagpunta.." Palabas na sana siya ng kwarto ng harangin siya ni Vhong.

"Alam mo.. Masyado kang masungit, maalalahanin.. Yung totoo? Pinsan mo lang ba talaga si Coleen? Parang nanay ka na niya eh?" Natatawang sabi nito.

"Ewan ko sayo. Wala akong oras makipagbiruan. Umalis ka diyan." sabi niya na pilit inaalis ang braso ni Vhong na nakaharang sa daanan.

"Hindi mo nasabi yung gusto mong sabihin kanina.. Ano bang dahilan ng pagsusungit mo sakin?" Nakangising tanong nito.

"Wala yun. Never mind!" Mataray niyang sagot. "Umalis ka sabi diyan at hahanapin ko pa si Coleen!"

"Mabait si kuys Annie.. Believe me! Kilala ko yun. Hindi niya pababayaan ang pinsan mo. At lalong wala siyang gagawing masama dun." Sinserong sabi nito.

"Bakit nga naiinis ka sakin? Siguro.." Lumapit ang mukha nito sa mukha niya. "Crush mo ko nuh?"

"Baliw!" Akma niyang sasampalin si Vhong pero nahawakan nito ang wrist niya.

Dahan dahan.. Mas inilapit nito ang mukha sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ni Anne ng dampian siya nito ng isang halik sa labi.

Halos hindi siya makagalaw sa kinatatayuan dahil sa ginawa nito. Nagpamulsa naman si Vhong at preskong naglakad patalikod.

"Sige na! Hanapin na natin yung dalawa." Nakangisi nitong sabi.

It takes 5 seconds bago nabalik sa realidad si Anne.

"Ano na? Akala ko ba nag aalala ka na sa pinsan mo?"

"A-Ah. Okay." Utal utal na sumunod si Anne sa paglalakad.

--

"Hayup ka Vhong!" Nanggigigil na bulong ni JC.

to be continued..

Triple ThrillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon