Part 3

6 0 0
                                    

CUT TO:

4. INT. MALINAMNAM RESTAURANT. NIGHT. (Flashback)
Pagpasok ni Ella sa Resto ay siniil agad siya ng dilat na si Anton ng halik. Umupo na sila at umorder ng steak and wine. Hahawakan ni Anton ang kamay ni Ella.

ANTON:
Ella, mahal na mahal kita. Di ko makakalimutan yung araw na sinagot mo ako, pakshet ako na ata yung pinakamasayang lalaki nun e. Pero Ella ano kasi..

ELLA:
Nako, bakit sweet ka? May kasalanan ka no?! Pero alam mo ako...

ANTON:
Maghiwalay na tayo, ginagawa ko to kasi mahal kita, ayoko lang na masaktan ka.

4.1 INT. MALINAMNAM RESTAURANT. NIGHT. (Flashback)
Biglang tutugtog ang Thinking of You ni Katy Perry sa loob ng Resto.

ANTON:
Sorry talaga Ella

ELLA:
Sorry?! Makakain ko ba yang sorry mo?! Bigyan mo ko ng dahilan! BAkit ka nga kasi ayaw mo na bigla?

ANTON:
Ella ayoko na! Ayoko na sa 32B, sawang sawa na ako, sorry talaga pero nakahanap ako ng 36, cup C.

ELLA:
Anak ka ng suso! Bakit hindi ka sa pakwanan pumunta, para ka lang naghanap ng banda, boom booroomboomboobs!

ANTON:
Bahala ka na nga, ang boring mo.

4.2 INT. MALINAMNAM RESTAURANT. NIGHT. (Flashback)
Kasabay nito tatayo Anton at tatakbo palabas, akmang tatayo na si Ella ngunit hihilahin siya ng isang lalaking naka polo ng puti, hahawakan ang kamay at titigan siya sa mata, pupunasan ang mga luha sa pisngi ni Ella, unti unting maglalapit t ang mukha ng dalawa ngunit biglang magsasalita ang ang lalaki.

LALAKI:
Maam, bayad po ng kinain nyo, eto po yung bill.

ELLA:
Walangyang Anton yon! Wala lang palang pambayad makikipag break-break pa! Oh eto!

Wonder FolkgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon