CHAPTER 6
CHANEL'S POV
Lola: Dalawa lang ang kwarto namin dito Elle. Isa sa amin ng lolo mo, at isa para kay Patrick. Kaya kung ayos lang maghati na lang--
Patrick: Ano?! Ako? makikihati sa babaeng hindi ko naman kakilala?! Eh kung mamatay tao pala yan.
O__________O WOAH DUDE!
DO I LOOK LIKE A KILLER! GANDA KO NAMAN! Kapal.
Ngayon palang.
nakikita kong hindi kami magkakasundo. =_________=+
PERO NO CHOICE! ALANGAN NAMANG DITO AKO SA LABAS MATULOG?!
Eh wala namang sofa. Kasi bamboo ung upuan. ABA EH BAKA NAMAN magka scoliosis ako dito!
Lola: Apo. Malaki naman ang kwarto mo. Bibili na lang kami ng kahoy para magkaroon ng distinksyon kung ano ang iyo at ano ang kanya.
Patrick: Psh. Bahala kayo.
Psh?
Bakit ba ang Patrick na ito..
Ay may ipinapaalala sa akin?!
Pero dahil nakikitira lang ako, dapat maging mabait ako sa asungot na ito. >< Baka akala niya.
SIKAT KAYA AKO. -_______-
Kaso.. Mukhang wala namang Cable dito. Signal nga wala eh.
Pagkatapos noon, tinuro sa akin ni Lola kung ano ang gagawin ko. Ako ang maglilinis ng table pagkatapos kumain, ako na rin ang magtatake ng orders etc etc. Yun lang pala.
Si lolo naman. Kumukha ng divider para sa kwarto. At bumili ata ng panglatag ko. Awww. Ang sweet. :">
Tapos..
Lola: Pagpasensyahan mo na apo namin ah. Mailap lang talaga yun. Pero mabait un.
MAILAP?! ANO UN RABBIT?! Isa pa.. Mukha siyang mabangis. =_______=+
Ako: Wala po yun.
Tapos ayun. Tinuruan na rin ako ni Lola ng mga iluluto. E dati pa naman ako magaling magluto kaya practice na lang. Hanggang sa mag gabi na. At pinakita sa akin ni Lolo ang ginawa niya.
Plywood siya. Pero parang 3/4 lang ng room ung kalhati. Tapos sa gitna may butas. Parang window. Pero may maliit na kurtina na nakacover. Ay ang cute :"> Kahit simple. Tapos may kutson ako, tapos pink na kumot at unan.
Awww. Ang bait naman ni LOLO! Noong nakita ko un hinug ko sila.
At ang magaling na si Patrick wala pa sa bahay.
"Mauna na kami ha? Antok na kami eh."
Umoo na lang ako at nagpunta na rin sa kwarto ko. -________- ANO BA YAN! ANG BORING NAMAN DITO! Buti na lang hindi ako madaling mahome sick.
Pero miss ko na si Calvin. Inayos ko na lang yung damit ko sa gilid. May cover naman eh.
Tapos Yung picture namin ni CK inilagay ko sa gilid. :) AY MISS KO NA SIYA.
Tapos.. Nakita ko ung picture namin ni Kean.
Itatago ko na lang muna ito.
Kailangan ko siyang kalimutan.
Mayamaya may tumunog. Yung dingdingding. Basta parang mga windpipe. Basta yung nakasabit sa pinto. Medyo malakas nga eh.
Meaning.. Andito na si Patrick.
Nagkunwarian akong tulog na.
ANG AWKWARD KAYA! Ikaw na.
Hindi ko naman siya kilala. At lalaki siya! Naririnig ko lang siya.