12

2 0 0
                                    

CHAPTER 22

ELLE'S POV

Nagluto ako ng umaga. Para kay Dylan. Pero balak ko talaga ngayon na maghanap ng trabaho para matulungan si Ate. Kelangan ko din ng panggastos. Ayoko gamitin ang ipon ko. Nagiwan na lang ako ng note na aabsent ako. Nagayos at umalis na ng bahay. Dumeretso ako sa.. Saan ba ako pupunta?!

I can't go to Makati, wala akong resume. :( Isa pa.. Hnd ko pa tapos ang studies ko. Punta kayo ako sa company namin nina CK? Ayoko. :/ Gagawin na naman nila along artista. Ayoko na nga.

Ano ba yan. :| Kasi naman.. Yung business namin nina Mommy sa akin niya ipapamana kaya wala akong problema sa trabaho. Dapat trabaho na walang kontrata. Hmmm..

Modelling nga?? Pero dapat sa maliit lang na company. Yun! Hahanap na lang ako.

Naghanap ako ng mga companies. Pero.. Hindi ko alam kung saan maghahanap! Ano bang malay ko dito?! T_T Naglakad lakad lang ako. Naghahanap hanap. Mapansin kong 9:30 na. Still no luck.

Paano ba naman. Lakad lang ako ng lakad. Hindi ko alam kung saan pupunta. Napatingin ako sa phone ko.

Uy may text.

From: Deeehluuuhn

Uy.. San ka?Bat di ka pasok? Galit ka pa rin? :-/

Naks! Sumsmiley naman! Ay. Smiley ba yun?! Parang! Still. Makapgreply nga.

To: Deeeehluuuhn

Em tryng to luk for a job. Modelling if possible. Im pretty and I know it. =) ur using smiley! Gud for u!

Try ko nga pumunta ng Makati. Kaso.. Meron bang small company doon?! Khit hindi na modelling! Maya maya may nagvibrate.

From: Deeeehluhn

Tntmd ka lang pumasok! Wag ka na maghanap ng trabaho pag model. Di ka kasi maganda! Bleeeh bleeh bleeh >:-P

=___=+ Buset! Ang sama talaga ng ugali niya! Hindi ko na nga siya rereplyan! Bad vibes!!

Saan ba ako pupunta?! Makati na nga lang kaya?!

Ay ayoko. :/ Baka may kakilala ako doon. Baka mangati ang paa ko na pumunta sa dati naming pinupuntahan ni Kean. At ayun nga..

Dinala ako ng paa ko sa way papuntang Makati. Ang tigas tigas talaga ng ulo ko. Pero.. Whatever! I miss my hometown. :(

Dumeretso ako sa.. Store kung saan kumain kami ng Parfait ni Kean before. Tanda ko pa. Sabi niya ayaw daw niya ng matamis tapos favorite naman niya! Sira talaga yun!

Malapit na ako sa school. Kaya pumunta na rin ako. Ewan ko. Napatunayan ko sa sarili ko na..

Kapag pinilit mong kalimutan lalo mong maalala. Kapag nilabanan mo ang gusto mong gawin lalo mo lang maiisip. Lalo ka lang mahihirapan.

Kaya ito ako. Nasa tabi ng guard.

"Maam ID mo."

"Ah. Hindi ako student dito eh."

"Hindi ka pwede pumasok dito."

"Kuya. Last year dito ako pumapasok."

"Pero ngayon hindi na."

"Kuya naman! Gusto ko lan--"

Maya maya dumadami na ang tao. Yung iba nakikilala ako. Yung iba napapadaan lang. Iba deadma. Kelan pa ako naging sikat sa school?! Hmmm.. Sabagay. Before nagsabunutan kami ni Dara. Tska.. Hot ang fiancee ko. Before.

Maya maya..

Cass: CHAN--Elle?!? Why are you here?!

Ako: Paalis na nga eh! Ayaw ako papasukin ni Kuya.

thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon