26

5 0 0
                                    

CHAPTER 50

Chanel's POV

Nakita ko siya. May kayakap na babae. Pagkatapos kong maglakas loob na bumalik para..

Para bawiin siya. Biglang ganito?

Hnd ko mapigilan. Ang luha ko. Patak ng patak. Di ko maintindihan kung ano ba to.

Galit. Inis. Lungkot. Lahat na.

"COURTNEY TEKA SANDALI!"

Pinunasan ko ang luha ko tapos lumingon sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wala. Sige una na ako."

Aalis na sana ako pero kinuha niya yung kamay ko.

"Courtney, natutulog ka sa labas ng bahay namin tapos sasabihin mo wala kang ginagawa dito? Anong gingawa mo dito?!"

"Maglalaba sana! NOT! Obvious ba?! Pumunta ako dito para balikan ka!! Tapos.. Ewan ko sayo! Nakakainis ka!"

Tapos tumawa siya..

NAKAKAINIS.

Tinatawanan niya na lang ako?!

"Bakit ka.. Ano bang problema mo?! Tumatawa ka pa! Ayoko na! Ayoko na talaga!!"

Naramdaman ko yung footsteps niya.

Aalis siya?!

Aalis na naman siya?! Iiwan na naman niya ako?! Ayoko na. Natatakot na akong iwan niya ako. Wag na.

"KEAAAAN!!"

Napatigil siya sa paglalakad at mabagal na humarap sa akin.

Lumapit ako sakanya at.

*Slaaaaaap*

"Ouch."

Yun lang ang narinig kong sinabi niya.

"AALIS KA NA NAMAN?! IIWAN MO NA NAMAN AKO?! Bumalik na nga ako dito para bawiin ka eh! Tapos makikita kong may kasama kang babae?! Huh?! I HATE YOU!! I HATE YOU!!"

Pinaghahampas ko siya noon. Nakakainis! Playboy! Jerk! Douchebag!!

"Courtney..!"

"I hate you! I hate you!"

"Courtney!"

"Playboy!! Jerk!!"

"COURTNEY!!

"ANO?!?" Tumigil ako sa paghampas sakanya. Yung paningin ko nanlalabo dahil sa luha.

"Ate ko yun!!"

O_____O?!

*blink blink*

"A--Ate?"

"Siya si Ate Breana. Na sinabi ko sayo. Pero iniwan mo pa rin ako.."

GANUN?! GANUN?! Naiyak na naman ako! :(

Kakainis kasi siya!

"Ang sama mo sa akin! Nagpakilala kang Yohann! Tapos.. May pa CH CH ka palang nalalaman! THREE WORDS EIGHT LETTERS?! I LOVE YOU IS EIGHT LETTERS AND SO IS BULLSHIT!"

Iyak lang ako ng iyak sa harapan niya na parang batang inigawan ng laruan. Sinusuntok ko din yung chest niya!

"GAGU! SIRAULO! TARANTADO!! Gago ka talaga!! Nandoon ka lang pala ng isang taon! Nasa tabi lang pala kita! EH PAKYU KA!!"

Patuloy lang dumaloy ang luha ko.

"ALAM MO BA KUNG GAANO KAMISERABLE ANG BUHAY KO NG WALA KA?! Halos mamatay ako sa sakit!! Ilang beses ako nagtangkang magpakamatay para sundan ka! Ilang relasyon ang sinira ko para mailabas ang galit ko! Ilang balde ng luha ang iniiyak ko dahil sa lungkot ng dahil sayo. Ilang tao ang nasungitan ko dahil galit ako sa mundo! Tapos malalaman ko na nandoon ka lang pala talaga. Sa tabi tabi!! Hayup ka!! Hindi ka man lang nagHello!! Nakakainis ka!!"

thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon