CHAPTER 48
Kean's Journal
*BOOOOOOOOOOOOOGGGGGGGG*
[Now Playing: Nothing Better by Jung Yup]
P*ta ano yun?! Itinigil ko ang sasakyan. At nakita ko ang isang lalaki na duguan. Tutulungan ko sana siya ng--
"Kean!!"
Napalingon ako.
"Mama?"
Sinundan niya ako mula sa simbahan.
Niyakap niya ako. Natatakot ako ng mga panahong yun.
Nakapatay ako. Nakapatay ako.
"Ako na ang bahala dito. Umalis ka na!"
"Mama hindi! Na--napatay ko siya Mama."
"Hindi mo siya napatay! Wala kang pinatay!!! Sumakay ka sa kotse ko!! Bilis! Habang wala pang nakakakita!!"
Sobrang takot ako noon. Sobrang blangko ang isip ko. At sumunod na lang ako kay Mama. Sumakay ako sa kotse.
Umandar ito. Di ko alam kung saan ako dadalhin.
Pero isa lang ang nasa isip ko noon.
Ikaw yun Courtney.
Hinihintay mo ako.
Pero.. Paano ako magpapakita sayo?!
Nakapatay ako. Ayokong layuan mo ako. Ayokong ikahiya mo ako. Natatakot ako na iwanan mo na naman ako.
Kaya sumunod ako kay Mama. Ang sabi niya naayos na niya lahat. At ang sabi niya makinig lang ako sakanya dahil hindi niya ako pababayaan.
May mga tao siya, at pinalibing ang lalaking napatay ko. Hindi kaya ng konsensya ko..
Pero natatakot ako noon.
Ayokong makulong. Sino bang may gusto?
Takot na takot akong harapin ang kasalanang nagawa ko..
Pero either way.. Hindi ko na kayang makipagkita sayo.
Paano pa ako haharap sayo?! Sa kabila ng ginawa ko.
Pinalabas ni Mama na ako ang namatay. Dahil kotse ko ang nandoon. At may dugo. At may mga taong nakakita.
Nakita nila ang matandang lalaki na napatay ko na duguan pero sinabi ni Mama na ako yun at sinabi niya sa tao na dadalhin ang napatay ko sa ospital..
Pero sa totoo lang nilibing na nila yun.
Sa Ospital. Dumating si Papa. Tinawagan siya ni Mama. Sinabi niya kay Papa lahat ng nangyari.
Sa unang pagkakataon nakita ko sila na nagkasundo ulit.
Nagusap.
Nagsorry sa isa't isa.
At sa mahabang panahon.
Nagyakap ulit sila.
Pakiramdam ko, buo na ulit ang pamilya ko.
Kahit na ganito yung nangyayari, masaya ako.
Mula bata ako, ito ang gusto ko.. Mabuo ang pamilya ko. Kaya sabi ko.. Baka nga para sa ikabubuti ko ito.
Kaya sumunod ako sa lahat. Kinausap ni Mama ang doktor. Binayaran. Para sabihin na patay na ako at magawa ng pekeng dokumento.
Si Papa kinausap namin para sabihin sa lahat na kaya pinacremate kaagad ay dahil matindi ang tama. Kung si Papa ang magsasabi mas kapanipaniwala.