CHAPTER 14
ELLE'S POV
"Huy. Anong ginagawa mo diyan."
"AY ANAK KA NG INA MONG UMIRI PARA MAILABAS KA."
"O___O! A--ano?"
"Hehehe. ^___^" wa-wala."
Tapos umupo na siya sa baba ng puno.
"Anong ginagawa mo dito? Para kang spy."
"Hehe."
"Hehe ka diyan (~~,)"
Tapos nagbasa na naman siya ng libro.
NERD! Gwapong nerd!
"Gusto ko talagang makiramay. Pero natatakot ako sa lolo mo."
"Sus."
"Andami kasi sinabi sa akin ni Lola bago siya.. Mawala. :( Gusto ko sana siyang pasalamatan kaso hnd ko na magawa."
"Bakit?"
"Dahil sa lolo mo. Baka magawa na naman siya ng eskandalo. Ayoko na. Ayoko na ring ipahiya yung burol ni Lola."
"Akala ko ba gusto mo makiramay?"
"OO nga pero kasi--"
"Kung gusto mo makiramay makiramay ka. Wag mo nga isipn ang ibang tao. Yan ang problema sayo."
Problema sa akin?
Iniisip ko masyado ang ibang tao?
Tama.
Oo nga.
Palaging nakadepende sa kanila ang desisyon ko. Pero.. Ayokong maging madamot. Ayokong--
Napangiti ako. :) Ibig sabihin, unti unti nawawala na ang pagka 'ELLE' ko.
Kasi kapag ako si ELLE wala akong pakialam sa ibang tao. Sa tingin ko konting panahon pa ng pagstay ko dito magiging CHANEL na ulit ako. :)
"saan ka pupunta?"
"SABI MO MAKIRAMAY! E di makikiramay ako. Di na ako matatakot. Patrick."
Tapos lumapit sa akin si Patrick at..
O______O
O______O
":)"
Ngumiti siya.
Ngumiti siya sa akin. Tapos pinat ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
Hindi ko alam kung bakit pero lumakas talaga ang loob ko dahil sa ginawa niya.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Lahat ng tao tumingin sa akin. May mga bulungan.. May mga mapanghusgang tingin..
'Siya yung malas'
'Lakas ng loob bumalik dito'
'Kaya wala na si Lisa, dahil diyan.'
Sinamaan ko ng tingin ang panghuling nagsalita.
WALA AKONG GINAGAWA KAY LOLA. WALA!
'Tingnan mo naman kung gaano kabastos oh.'
'Walang modo.'
Nasasaktan na ako sa sinasabi nila. Pero.. Yung ngiti ni Patrick. Kailangan maputanayan ko sakanya na malakas ako.
*BLAAAAAAAAAAAAAG*
Aray. :'( Ang sakit. Ang sakit. :'(
Tinulak ako ni Lolo kung kailan nasa harap na ako ni Lola.
"ANG KAPAL NAMAN NG MUKHAMONG BUMALIK PA DITO! ANO NA NAMAN BANG GUSTO MO HA?! MANGGUGULO KA NA NAMAN?! UMALIS KA NGA DITO! MALAS! SAMPID!"