31

18 0 0
                                    

CHAPTER 60

Chanel's POV

"Bes? Okay ka lang?"

Napatingin ako kay Cassandra.

"Ah. Oo."

"Nakatulala ka na naman."

Di ko maiwasan eh.

May naisip lang.

"Oo eh."

"Haay nakuu.. Huhulaan ko. Iniisip mo ang mga nangyari last five years ago ano?"

Natahimik na lang ako.

At nagsmile.

Tapos na yun. Pero.. Oo. Yun nga yung iniisip ko.

"Bes. Wag mo na masyado isipin yun. Past is past."

Napasigh na lang ako.

Paano ko bang hindi iisipin yun eh--

"Mamaaaaaa!"

Pagtingin ko, dalawang cute na cute na bata ang sumalubong sa akin.

"Sean! Sheantan!" (Shan and Shentan)

Lumapit sila sa akin and hinug ako.

Sean Kendrick Chua Padua. (Shan Kendrik)

Sheantan Krymshel Chua Padua. (Shentan Krimshel)

Anak namin ni Kean Patrick Padua. =)

Ako ang nagpangalan kay Sean. Kaya mukhang modern ang name niya. At kay Sheantan si Kean. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yan. Pero nagprisinta siyang pangalanan yung babae naming anak.

Ang alam ko yung Krimshel nakuha niya sa Cream Silk + Shell + Cookies and Cream. Cream Silk kasi yun yung shampoo ko.

Shell kasi nagcrave ako sa Shell shaped na chocolates noong buntis ako at pinaghanap ko pa siya. At cookies and cream kasi everynight yung ice cream na kinakain ko ganun ang flavor.

Ang Shentan naman sa Santan niya nakuha kasi sinipsip namin yun noong isang araw. Tapos nagawa pa kami ng bracelet doon. Ay nako. Malaki ang topak naming dalawa.

At oo, kambal sila! Mas nauna nga lang ilabas si Sean kay Sheantan.

Speaking of Sean, ito siya nakayapos sa akin.

Si Sean.. Mommy's boy yan. Dahil kambal, tigisa kami ni Kean ng inaalagaan. At dahil iyakin si Sean noong bata, ako ang nagalaga sakanya. =)

"Mama, where's Papa?" sabi ni Sheantan.

Ever since.. Daddy's girl si Sheantan. Lagi silang magkasama.. At.. Magkaugali sila!

Opo. Yung babae kong anak ay suplada! Pero sa ibang tao. Pag naging kaclose mo naman siya eh malambing siya.. Pero suplada talaga.

"Si Papa? On his way na baby. So how's your school?"

Si Sean at Sheantan.. 4 years old na. Kinder na yung dalawa. =)

"Mama, our teacher both gave us stars!" sabi ni Sean tapos kiniss ko siya sa cheeks.

"Galing naman ng mga baby ko! Eh ikaw Sheantan?"

"Here mommy oh."

Tapos kiniss ko din siya. Tulad ng daddy niya, hindi masyadong maimik si Sheantan.

Buti na lang hindi sila nagaaway ni Sean! In fact, super close sila.

Sabi ko kasi kay Sean babantayan lagi ang kapatid niya kaya ever since, protective na si Sean kay Sheantan. Si Sheantan naman hindi umaalis ng hindi kasama ang kuya niya. Tight yung dalawa! ^__^

thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon