CHAPTER 42
Chanel's POV
"Oyyy! Nandiyan na pala kayo! Dylan! Elle! Halina kayo!"
Papasok na sana ako ng biglang may nagtext sa akin.
From: Gian Panget.
UY! Courtney! Yung food malamig na.
COURTNEY? :|
To: Gian Panget.
Bakit Courtney ang tawag mo sa akin?
From: Gian Panget.
Ammm. Hehe. For a change =) Yung food malamig na.
To: Gian Panget
Hindi na siguro. Sorry.
Natahimik ako. Courtney? Bakit Courtney? Hindi kaya. Siya yung??
"ELLE! DYLAN!" tawag ni Ate Ising. Nagkatinginan tuloy kami ni Dylan!
Magkatinginan pa rin kami habang papasok sa restaurant. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Mas nagmature siya. Mas tumangkad. Mas mukha na siyang matanda sa akin.
"Oy! Bakit ang tahimik niyong dalawa? Anyare? National Mute Day ba ngayon? Kaloka! Oh! Nagluto ako para sa inyo."
Binigyan niya kami ng pgkain, pero habang kumakain magkatitigan lang kaming dalawa. Wala pa ring nagsasalita.
Hindi naging maganda amg huli namimg pagkikita. Nasaktan niya ako. Siya ang pinili ko pero si Denise ang pinili niya.
"Pasensya ka na Elle kung 5 pa kita pinapunta. Alam mo namang mas mahal ko si Dylan sayo! Kelangan pa niya lumuwas ng province at ngayon lang siya nakarating kaya ganoon."
Ngumiti na lang ako kay Ate Ising..
Sabay balik ng mata ko kay Dylan.
"Ikaw Dylan, kumain ka ng madami kasi galing ka pa sa byahe! Malamang pagod na pagod ka na! Kumain ka! Ginawa ko yang special! May kasama ka ba?"
"Salamat Ate. Ah oo. Sinamahan ako ng lolo ko."
"Oh? Eh nasaan siya?"
"May pupuntahan daw, may aasikasuhin."
"Iniwan mo?!"
"Sanay naman yun sa Maynila."
"Ah buti naman.. Kain lang diyan."
Ngayon..
Ngayon ko na lang ulit narinig yung boses niya. :(
Bakit..
Ngayong mas malapit siya mas namimiss ko siya?
Ayokong umiyak. Ayokong isipin yung dati. Kasi iiyak ako.
Ayokong isipin na dati, sa lugar na ito, hindi ganito ka awkward ang ere. Dati masaya kaming nagkukulitan at nagtratrabaho dito, hindi ganito. Hindi ganito.
"Elle. Dylan. May sasabihin nga pala ako. Kaya inabala ko pa kayo dito."
Napatingin kaming parehas kay Ate Ising na biglang nagseryoso yung boses.
"Ito na ang huling beses na matitikman niyo ang luto ko."
Napabitaw ako sa kutsara ko. At napatitig kay Ate Ising..
"Isasara ko na permanently ang restaurant na ito. Kasi.. Sa ibang bansa na ako titira. Magsisimula ako mg bago doon.."
"Pero Ate Ising--"
"Isa pa, mas magiging masaya ako doon, kasi nandoon na ang fiancee ko."
Fiancee? May.. Fiancee na siya?