Chapter 16: Ilang Mga Pamamaalam

3.1K 213 20
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(I)

Dumating ang media sa Callejon at isang babaeng reporter, kanyang photographer at driver ang nakaharap nina Colonel Laxamana, Andy, at iba pa, pero nagawa naman nilang iwasan ang paguusisa ng mga ito. Nguni't nagsabi ang media na hindi sila aalis hangga't hindi nila nalalaman ang tutoong nangyayari sa Callejon. May ideya na sila na ito'y isang mass alien abduction na koni-cover-up ng military.

Habang iniisip nina Laxamana at Esguerra kung paano iha-handle ang media ay bumalik sa headquarters sina Andy at Jang-Mi para makapagpahinga. Iyon ang minungkahi ng colonel sa kanila, mag-ipon ng lakas bilang paghahanda sa napipinto nilang pagbabalik sa dating bahay ni Andy. Layon nilang subukang kontakin ang yumaong ama ni Andy sa tulong ni Jang-Mi para makahanap ng mga kasagutan.

Nuong umaga na magpunta sila roo'y nakita ni Jang-Mi sa kanyang vision si Andy at kanyang ama nuong araw na nilisan ni Andy ang Callejon.

Ipangako mo, anak. Na hindi ka babalik anuman mangyari. Hindi ko hahayaang kunin ka nila.

Iyon ang mga kataga ng ama ni Andy sa kanya, na kanyang naalala sa tulong ni Jang-Mi. Ang "nila" na tinutukoy ay walang iba kundi ang mga aliens. Sa paganalisa ni Andy, malinaw na ang mensahe ay kailangan niyang magtago sa dahilang siya ay may dugong alien. Ang mga aliens—pakiramdam ni Andy ay naririyan pa. Nagmamasid. Nagaabang mula sa kadiliman ng kalawakan.

Nguni't hindi lang iyon ang sinabi ng kanyang ama, mayroon pa. Mas mahalaga. Nguni't hindi matandaan ni Andy. Iyon 'yung sinabi ni Jang-Mi na nabaon sa kanyang subconscious.

Napapikit si Andy kakaisip at nakaramdam ng antok mula sa pagod ng nagdaang umaga. At sa kanyang paghimbing ay muling nanumbalik ang ala-ala ng araw nang lisanin niya ang Callejon papunta ng Maynila.

1979. Kaharap niya ang kanyang ama sa likurang bakuran ng kanilang bahay. Ang langit ay makulimlim at maulap. Tangan ni Andy ang kanyang bag. May luha sa kanyang mukha.

Ipangako mo, anak. Na hindi ka babalik anuman mangyari. Hindi ko hahayaang kunin ka nila.

Sila? Sino sila, 'Tay?

Basta, magtiwala ka, anak. Mas kakaunti ang nalalalaman mo, ay mas mabuti para sa iyo. Kung maaari...ibaon mo kami ng nanay mo sa limot.

Pero, 'Tay...

Andy, makinig ka. Sa kahuli-hulihan, ikaw o sila. IKAW...O SILA.

Nagising si Andy at agad na napaupo sa kama. Sariwa pa ang panaginip...at bago. Sa tagal na ng panahon, naalala niyang muli ang katagang matagal nang nabaon sa limot.

"Ikaw o sila," ulit niya sa sarili. "IKAW O SILA!"

Napatayo si Andy. Ikaw o sila. Iyon iyong mahalagang sinabi ng kanyang ama na kanyang hinahanap. Ang maaaring sagot sa kanilang mga katanungan. Ang susi sa lahat.

Ang Bayang NaglahoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon