Chapter 17: Ang Mga Aliens

3K 235 4
                                    

(I)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(I)

Madaling araw nang lisanin nila ang headquarters pabalik sa dating bahay ni Andy na nasa gitna ng malawak na palayan, may kalayuan sa bayan proper. Kasama ng P.I. sina Colonel Laxamana, Lieutenant Esguerra, Jang-Mi, at Colonel Diazon. Inilihim muna ni Andy ang tungkol sa kanyang panaginip. Itinago muna sa sarili ang sinabi ng kanyang ama na Ikaw o sila.

Si Diazon ang driver ng Revo at kanyang swinitch ang headlights sa full bright pagka't malubak ang daan at nais niyang iwasan ang matatalas na mga bato't malalim na mga hukay. Ayaw lang niyang may masabi ang kanyang mga boss sa kalidad ng kanyang pagmamaneho. Katabi niya sa passenger side si Esguerra, sa likuran, sina Laxamana, Andy, at Jang-Mi.

"So, Jang-Mi, how exactly are we going to contact Andy's father?" tanong ni Laxamana sa psychic.

"We do what we call a sitting or séance," sagot ng Koreana. "We form a circle and I will contact the spirit."

"Ah okay, so, like what we did last time in church?"

"Yes..." maingat na sagot ni Jang-Mi. "But, this time...I...I cannot be sure..."

"Ha? Why?"

"Because the spirit is also an alien."

Ayon sa psychic, ang kokontakin nila'y hindi tulad ng karaniwang mga espiritu na naengkuwentro na niya. Ngayong sigurado na sila na ang ama ni Andy ay taga ibang planeta, hindi raw alam ng Koreana kung ano ang kanilang mai-expect, since first time niyang kakausap sa isang alien spirit. Napasandal sila sa thought na ito, isang bagay na hindi nila akalain na posible. Alien spirit. Wala sa manual ng kasundaluhan ito, napag-isip-isip ni Colonel Laxamana.

"Alien spirit. Biruin mo 'yun," iling niya. "Contact sa aliens. Para lang tayong 'yung sa pelikulang Close Encounters of the Third Kind. 'Yung kay Spielberg."

"Ito ba 'yung nasa taas ng bundok sila nung kinontak nila ang aliens?" lingon ni Esguerra mula sa harapan.

"Devil's Rock sa Wyoming, sir," singit ni Corporal Diazon at inadjust ang suot niyang salamin sa mata. "Hindi siya bundok per se, kundi isang butte."

"Ha? Ano?" napatingin sa kanya si Esguerra.

"Laccolith butte, sir, parang hill na gawa sa bato, makikita kadalasan sa mga disyerto," mabilis na sabi ng corporal habang tutok sa kanyang pagmamaneho. "Na-form siya sa pamamagitan ng igneous intrusion na ayon sa mga scientists ay nangyari mga 50 Million years ago. At ayon din sa..."

"Corporal..." interrupt ni Laxamana. "Hindi na mahalaga kung paano na-form ang lintik na butte-butte na 'yan. Ang importane ay ang encounter natin sa alien, maliwanag?"

"Yes, sir!" alistong sabi ni Diazon, at ganado pang magpa-impress and sundalong nerd. "May iba't-ibang klase ng close encounters sa mga aliens..."

Napailing si Laxamana, gusto niyang sabihan ng shut-up ang corporal, pero, hinayaan na lang niyang magsalita.

Ang Bayang NaglahoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon