Chapter 18: Close Encounters

3.1K 219 8
                                    

(I)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(I)

Sa checkpoint, sa daan papasok ng bayan ng Callejon naka-poste si Private Torres kasama ang dalawa pang mga sundalo. Hawak ni Torres ang walkie-talkie at nakatingala siya, namamangha sa nakikita. Ganoon din ang dalawang mga sundalo na mga nakanganga sa kanyang likuran, hawak kanilang mga baril na hindi nila alam kung ipuputok ba iyon o hindi.

Sa labas ng checkpoint, ay naroon pa rin ang grupo ng media na paalis na sana nang may matanaw sila na paparating. Ang babaeng reporter ng Manila Insider na si Roberta Fuentes, kanyang photographer at driver ng van ay mga nakanganga rin sa kasalukuyang nasasaksihan.

Sa madilim na kalangitan ay may tatlong mga bolang ilaw—mga UFOs, mga flying saucers ang sumisid paibaba hanggang sa sila'y mga 50 feet lamang mula sa lupa at hilerang binaybay ang kalsada, sa ibabaw lamang ng mga puno. Nang malapit na sila'y nagsipagpatay ang ilaw ng mga poste. Ang umaandar na makina ng newsvan ay namatay din bigla, ganoon din ang kanilang mga cellphones, ang videocamera ng cameraman, at ang walkie-talkie ni Private Torres.

Dala rin ng pangkat ng UFOs ang malakas na bugso ng hangin na nagpawagayway sa mga kable ng kuryente at sanga ng mga puno. Nabalot sila Torres ng kulay asul na liwanag at nang makalampas ang mga UFOs sa checkpoint ay saka pa lamang nagsipagbalikan ang kuryente't ilaw, at power ng mga kagamitan nila.

Palayo na ang mga UFOs at kita ni Torres kung saan sila patungo. Agad niyang binuksan ang kanyang walkie-talkie.

"Torres?" rinig niyang boses sa reciever.

"Diazon! Papunta sa inyo!" sigaw ni Torres.

"S—sinong papunta?" ang gulat na sabi ni Diazon.

"Mga UFOs!"

"UFO's? Papunta dito? Ilan?"

"Tatlo!" sigaw ni Torres sa walkie-talkie. "At matutulin sila!"

Naging chappy ang sumunod na sagot ni Diazon.

"Diazon! Come in, over," sigaw ni Torres. Akala ng private na nasira na naman ang walkie-talkie niya bago nila natanto na ang signal ni Diazon ang may problema.

"Malapit na sa kanila!" sabi ng babaeng reporter.

Nagulat sina Torres at dalawang mga sundalo na makitang nakatawid na ng checkpoint ang mga media. Ang cameraman ay kumukuha pa ng video bagama't nakalayo na ang mga UFOs. Agad silang pinalabas ng ng mga sundalo. Ang babaeng reporter ay agad na kinuhang kanyang cellphone at may tinawagan.

"Confirmed!" sabi ng babaeng reporter sa cellphone. "May mga UFO sa Callejon!"

Sa dating bahay ni Andy, agad na napatayo sina Andy, Jang-Mi, Laxamana at Esguerra mula sa mga upuan nang ibalita sa kanila ni Diazon ang sinabi ni Torres sa walkie-talkie. Apat na mga flying saucers ang papunta sa kinalulugaran nila. Nagsitinginan sila sa direksyon kung saan alam nilang manggagaling ang mga ito. Tanaw nila ang malawak at madilim na bukirin sa malayo na unti-unting nagliliwanag.

Ang Bayang NaglahoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon