3

1.6K 41 0
                                    

WAIT! DID that guy ignored her? Oh, my God! I am Marie Claire for Christ's sake! Napailing siya. Mabuti na lang dahil artista siya at nadadala niya ang sarili niya sa harapan ng maraming tao, dahil kung mag-isa lang siya ay baka kanina pa siya nagtititili sa inis o baka binato pa niya ang lalaking ipinanganak yata sa outerspace dahil hindi siya kilala!

Sa pagkakaalam niya ay lahat ng mga tao; mapa-bata man o matanda ay kilala siya at kahit saan siya magpunta o kahit nakapang-disguise pa siya minsan ay namumukhaan siya—tapos parang balewala lang siya sa lalaking 'yon?

Si Marie Claire ay isa sa mga young talents ng Abs-cbn and Star Magic. She rose to prominence after being cast in a well-known TV drama where she played the sister role of the lead star hanggang napansin siya at nang sumunod ay nagkaroon na rin ng sariling TV drama at iba't ibang tv shows, movies, TV commercials and billboard advertisements. At mula doon ay unti-unti nang nakikilala ang kanyang pangalan sa showbiz world at sa buong mundo.

Si Bonz Andre Villanueva ang kasalukuyang love team niya, for a year now—ang guwapong young actor na kasabayan niyang umusbong sa pagsikat. They get along well, he's very gentleman and sweet and they're friends in real life, ahead lang ito sa kanya ng dalawang taon. Una ay ipinares siya sa ibang teenstar pero hindi pumatok, gano'n rin ang nangyari kay Bonz Andre, ngunit nang aksidente silang pinag-pares ng binata last year ay naging phenomenal ang love team nila.

Nagsimula siyang sumabak sa showbiz industry sa edad na thirteen years old, ngayon ay eighteen years old na siya. Nasubukan din niyang mag-audition sa mga reality shows sa iba't ibang tv networks, nagpa-extra-extra sa mga tv shows and commercials hanggang sa nakita ang ganda at talento niya kaya siya napasali sa isang sikat na tv drama kung saan talaga siya unang nakilala.

Kaya lang ay against ang daddy niya sa pagsabak niya sa showbiz industry at matagal na niya itong sinusuyo dahil malaki pa rin ang tampo nito sa pagsuway niya sa kagustuhan nitong mag-focus sa pag-aaral niya.

Saktong katatapos lang niya ng grade seven nang magsimula siyang mag-artista, dahil sa pagka-busy sa pag-aartista ay nagpasya siyang mag-home schooling, for two years, ngunit ang sabi ng daddy niya ay iba pa rin daw kapag sa mismong school siya mag-aral.

Ngunit hindi niya kayang iwanan ang isa sa matagal na niyang pangarap na maging artista, kaya gagawin niya ang lahat para makuha ang approval nito at tuluyan na silang magkabati.

At para mangyari 'yon, kailangan niyang magpatuloy sa pag-aaral habang nag-a-artista. Magaling naman siyang mag-manage ng time, lalo na ngayon dahil katatapos lang ng isang high rating na teleserye niya. Minor projects ang mga nakalinyang gagawin niya bago ang inaantabayanang big project niya.

Napaka-thankful niya sa napaka-supportive niyang mommy na si Ellen dahil hindi siya iniiwan sa ere; mula sa pagbi-build up nito sa kanya sa daddy niya, ay isa din ito sa solid Mariens and Marieholics—ang pangalan ng fansclub niya, na tagapagtanggol niya mula sa mga bashers and haters niya.

Nag-enroll siya sa Alternative learning system at tinapos ang eight hundred hours na pag-aaral for ten months saka siya nag-take ng acceleration test for college. Mabuti at nakapasa siya kaya first year college na siya sa kursong kapareho ng parents niya—ang Business Management para tulungan ang mga magulang niya sa kanilang Financial and Real estate business.

Sa Kingston University niya napagpasiyahang mag-aral dahil bukod sa naging alma mater ng parents niya, doon din nag-i-sponsor ang parents niya para sa free scholarship at close sa pamilya nila ang school President dahil kaibigan ito ng parents niya, naging kaklase ng daddy niya no'ng high school at ninong pa niya ito—at madali na lamang ang ilakad ang mga credentials niya para tuluyang makapagpa-enroll.

At siyempre sikat at kilala din ang Kingston University sa pagbibigay ng magandang edukasyon sa mga estudyante, qualitative at competitive din ang mga professors sa school at nakapag-produce na rin ng iba't ibang mga professionals sa bansa; tulad na lang ng parents niya.

At kaya siya nagpunta sa school kanina ay para makausap ang ninong niya tungkol sa enrollment niya ngunit naudlot ang lahat dahil bukod sa wala pala ang ninong niya ay nagahol pa siya sa oras dahil sa pagpapaunlak sa mga fans niya.

Bumalik na naman sa alaala niya ang lalaki; pero in all fairness maganda ang height nitong marahil ay nasa lagpas six feet at maganda din ang pangangatawan—bagay nitong maging model ng clothing wear, astig din ang medium length hairstyle nito at malakas ang dating nito—dahil pansin niyang pinagkukumpulan ito kanina ng mga babae bago siya sumingit sa eksena.

Maganda rin ang chinitong mga mata nito, napansin niya 'yon kahit pa may suot itong makapal na salaming-pang-matalino, matangos ang ilong at namumula ang mga labi, mukha din itong malinis sa katawan at fresh-looking.

Nang masubsob siya sa dibdib nito at nag-angat siya ng mukha para makita kung sino ang nasa harapan niya ay nagkasalubong ang kanilang mga mata, at ang weird dahil bumilis ang tibok ng puso niya.

Hindi niya alam kung dahil ba sa kagupuwahan nito—na naiiba sa mga guwapong madalas niyang nakikita sa showbiz world o dahil nahiya siya sa nangyari sa kanya? Naramdaman din niya ang nakakakiliting sensansyon nang hawakan nito ang mga balikat niya para tulungang makatayo ng maayos. Pero infairness ang bango-bango niya! Napailing-iling siya sa kanyang naisip.

Book 3: My Love is a SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon