10

1.4K 31 0
                                    

Hindi nito napigilang matawa sa sinabi niya at napaka-cute pala nitong tumawa, mas lalo siyang naaakit. My gosh puso, kalma lang! "The Cruise brothers' band ang pangalan ng banda namin." Imporma nito.

Ngumiti siya dito. "Sabi na e, mas gumuguwapo ka kapag tumatawa ka." Hindi niya napigilang sabi.

Namula ang magkabilang pisngi nito saka ito nag-iwas ng tingin. "Hindi naman." Nahihiyang sabi nito.

Napangiti tuloy siya. Ang super cute talaga ng lalaking ito at malayong-malayo ito sa mga narcissitic na lalaking madalas niyang nakakasalamuha. "You know what; I also like classical music because it makes me calm." Imporma niya.

"Likewise." Anito, na tila natuwa dahil may kasama itong mahilig sa mga gano'ng genre. "M-Madalas kasi akong sinasabihan ng mga kapatid ko na may pagka-old fashion sa taste of music ko, pero sa classical music lang ako nakakaramdam ng kapayapaan, e."

"Same," aniya. "Kung saan mare-relax ang isip mo ay doon ka."

"I agree." Anito. At pakiramdam niya ay magkasundo na sila nito at friends na!

Sa ilang oras na pagkakasama nila ni Vaness, pakiramdam niya ay mas okay na sila ng lalaki kaysa no'ng una silang magkausap. Hindi niya napipigilan ang sarili na mas lalong ma-cute-an dito, siguro ang sarap nitong gawing teddy bear na masarap yakapin. Ang ganda kasi ng katawan nito, malapad ang likuran... Hey, Marie Claire, come to your senses!

HINDI gaanong palaaral si Marie Claire ngunit nagustuhan na rin niya ang pagtambay sa school library, bukod kasi sa tahimik ang lugar, madalas pa niyang nakikita doon si Vaness. Kapag nagtatagpo ang kanilang mga mata ay tipid niya itong nginingitian at gano'n din ito sa kanya. At least, hindi na sila nagde-dead-mahan.

Hindi niya ito nakita ng tatlong araw dahil nag-excuse siya sa school para sa taping niya ng isang TV commercial at meeting para sa kanyang susunod na movie. Ang weird pero na-miss niya ito, palibhasa ay nasanay na siyang lagi itong nakikita.

Friday na siya nakapasok sa school. Nagtungo siya sa canteen para kumain at naghahanap na siya no'n ng mesang mapupuwestuhan dala ang tray ng kanyang orders nang makita niya doon si Vaness kasama ang dalawang kapatid nito at dalawang babae.

Ngunit hindi siya kaagad nakalapit sa mga ito dahil mabilis siyang dinumog ng mga fans niya, saka lang siya nakahinga nang kumuha sa tray na dala niya saka may humila sa kamay niya at nag-excuse sa mga taong dumudumog sa kanya—nakilala niya ang taong 'yon na si Vaness.

Muli siyang dinagsa nang kakaibang kaba sa puso niya lalo pa nang makita niyang nakahawak ito sa kamay niya habang naglalakad sila papunta sa mesa ng mga kasamahan nito kanina. Ngayon lang yata niya nakita si Vaness na gano'n umakto at hindi prepared ang puso niya sa gano'ng eksena. Kinikilig siya!

Bumitiw lang si Vaness sa kamay niya nang makarating sila sa mesa at agad na naupo sa tabi ng mga naroon, ipinakilala nito ang mga babaeng naroon—na sina Pineapple at Chenee—since kilala na niya sina Jerry at Vic. Hindi niya alam kung bakit natulala ang dalawang babae, ngunit agad din siyang niyakap at nagpa-picture sa kanya, hindi tuloy niya maiwasang mapangiti lalo nang sabihin ng mga ito na na-starstruck ang mga ito sa kanya. Ngunit takang-taka pa rin ang hitsura ng mga kasamahan nila sa mesang 'yon dahil sa presensya niya.

Akala niya ay humupa na ang mga fans niya ngunit mayroon pa ring nagpapakuha ng larawan at nagpapa-autograph sa kanya dagdag na ang mala-talkshow hosts na sina Pineapple at Chenee, kaya nagulat siya nang biglang tumayo si Vaness at agad na binuhat ang tray na dala niya saka nito hinawakan ang kamay niya. Hindi siya agad nakapag-react dahil mas nauna pang nag-react ang puso niya, nagtataka ring nagkakatinginan ang mga kasamahan nila sa mesa.

"Let's go somewhere else," ani Vaness.

"Wait! Kanina ko pa gustong itanong ito e, kaso nahihiya lang ako, close ba kayong dalawa?" tanong ni Vic sa kanila.

"Tutor ko siya—" hindi na niya naituloy ang gustong sabihin dahil hinila na siya ni Vaness palayo sa mga kasamahan nila. Gusto yata siyang ma-solo ng binata at kinilig siya sa isiping 'yon!

Sa isang tahimik na round table bench sila nagpunta, sa ilalim ng puno, naupo sila doon at inilapag ang kanilang mga pagkain sa mesa.

"Dito na lang tayo kumain," anito.

Ay akala ko gusto lang niya akong ma-solo. Inilayo lang pala siya sa mga nakakagambala sa pagkain nila. Nagsimula na silang kumain, ang tahimik nilang dalawa kaya siya na ang bumasag ng katahimikan.

"We have tutorial later." Aniya. Tumango lang ito dahil abala ito sa lasagna nito, muli na naman silang natahimik. "Ahm, Vaness, 'di ba you like classical music?" mayamaya ay tanong uli niya.

Bumaling ito sa kanya. "Yes."

"Do you also like musical play?"

"Yes, why?"

Napangiti siya. "Do you wanna watch a musical play? May dalawa kasi akong tickets, baka gusto mo lang manood ng play." Binigyan kasi ng daddy niya ang mommy niya ng dalawang tickets para sa isang musical play next week, para makapanood silang mag-ina, ang kaso hindi makakapunta ang mommy niya dahil may meeting ito with her friends, kaya agad niyang kinuha ang mga tickets dahil alam niyang mayayaya niya si Vaness sa panunood niyon.

"Sure," tipid itong ngumiti sa kanya.

Hindi rin tuloy niya maiwasang mapangiti. "R-Really?" hindi makapaniwalang tanong niya. Nayaya niya si Vaness na akala niya ay mahirap yayain! Tumango at tipid namang ngumiti ang binata sa kanya.

"HINDI pala makakasabay si Van sa atin pauwi dahil may tutorial session siya with Marie Claire." Nakangiting sabi ni Vic kay Chenee, pero alam niyang nagpaparinig lang naman ito sa kanya, kasabay kasi niya ang dalawa noon papunta sa parking lot.

Bumaling si Chenee sa kanya at kumindat. "Kinikilig ako." masayang sabi nito.

Hindi na lang siya nag-komento at napailing-iling na lang. Bakit ba itinutukso ng lahat sa kanya ni Marie Claire? Saka hindi naman sila bagay ng dalaga dahil sobrang magkaibang-magkaiba ang kanilang mga mundo; ang mundo niya ay napakatahimik, hindi katulad ng dalaga na sobrang complicated. Eh, paano mo mai-explain ang weird na pakiramdam mo sa tuwing nagkakalapit kayong dalawa ni Marie Claire? Napailing siya sa loob-loob niya!

At dahil sa pagiging okupado ng isipan niya kay Marie Claire ay hindi na niya namalayan ang pag-alis ng dalawang kasabayan niya sa parking lot. Napailing-iling siya bago sumakay sa kanyang white Lamborghini car.

Book 3: My Love is a SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon