15

1.4K 41 0
                                    

HUMINTO sa paglalakad si Marie Claire nang makita niya si Vaness sa school library, na noon ay kakuwentuhan ang young girl professor na nakita niya no'ng kasama din ng lalaki, na na-conclude niyang gusto nito dahil sa kakaibang ngiti nito sa babae.

Naupo siya sa isang bakanteng upuang malapit sa dalawa, ngitian naman niya ang mga estudyanteng kasama niya sa mesa, na agad ding ginantihan ng mga ito. Hindi pa rin siya nakaiwas sa pagpapa-picture at pagpapa-autograph ng mga estudyanteng kasama niya sa mesa pero nakiusap siyang sa susunod na lang 'yong iba.

Nang mga sandaling 'yon, kunwari ay nagbabasa siya ng Sining book na dala niya dahil mayroon silang lecture mamayang hapon ni Vaness sa bahay nila, ngunit hindi naman niya naiintidihan ang binabasa dahil mas naaagaw ng kanyang atensyon ang dalawang taong nasa di-kalayuan sa mesa nila.

"Excuse me, kilala mo ba 'yong kasama ni Vaness na girl?" hindi na niya napigilang itanong sa babaeng estudyanteng katabi niya.

Tumango naman ang babae. "Siya si Ms. Yvonne Soriano, ang biology professor niya."

"Oh!" patango-tango naman niyang sabi. "Do you know how old is she?"

"I heard she's in her late twenties. Magkapareho silang witty ni Van, kaya siguro sila magkasundo at kung pwede lang ang student-teacher relationship, I would ship them." Nakangiting sabi ng babae.

Mabilis siyang napadabog sa mesa sa biglang inis na naramdaman niya at nang mapagtanto niya ang ginawa ay mabilis din siyang humingi ng tawad sa mga taong naabala niya, pero nakakasama lang ng loob dahil hindi man lang napansin at narinig ni Vaness ang pag-iingay niyang 'yon dahil naka-focus ang atensyon nito sa kausap na babae.

If I'm not in love with you, why is this I'm going through? Napapakanta tuloy siya sa isipan niya. Bukod sa hindi pwede ang student-teacher relationship, mas bata din si Vaness ng ilang taon kay Ms. Yvonne at hindi 'yon maganda. Asus! Sa henerasyon ngayon, age doesn't matter na! kontra ng isipan niya na mabilis niyang inaway.

"Ahm, Marie Claire, hindi ka ba nahihirapan sa pagbabasa?" mayamaya ay may isang estudyanteng nagtanong sa kanya, mabilis naman siyang umayos ng upo para bumaling sa estudyante.

"Hindi naman, madali lang naman itong intindihin, e." Nakangiting sagot niya.

"Kahit nakabaligtad 'yong book, nababasa mo pa rin nang maayos?"

Mabilis siyang napatingin sa hawak niyang libro na ginagawa lang niyang props pantakip ng mukha para hindi siya mahuli ni Vaness o kung sinupang nakakakita sa kanya na pinapanood niya ang dalawa ngunit hindi na niya napansin na baligtad pala ang libro. Nakangiti niyang mabilis na binaligtad ang hawak at kunwari muling nagbasa, ngunit pasulyap-sulyap pa rin sa dalawang nasa harapan niya at to the highest level na ang pagseselos niya!

In love na talaga siya kay Vaness Symeon Cruise! At hindi niya aakalain na darating ang katulad nito na kailangan niyang magtago sa likuran ng libro para palihim na subaybayan ang pag-uusap ng dalawang tao. At parang pinipiga ang puso niya sa sobrang sakit dahil sa kanyang mga nakikita.

Inilabas niya ang cell phone sa kanyang mini-pouch at saka siya nag-compose ng text message para ipadala kay Vaness. Susubukan lang naman niya kung papansinin nito ang phone nito.

"Hi there! Where are you?" text niya sa lalaki saka ipinadala sa VS Cruise na naka-store sa phone niya.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring nagre-reply sa kanya, hindi niya makitang hawak ni Vaness ang phone nito, mukhang hindi ito nagce-cell phone kapag nasa library. Napalabi na lang siya at napayuko sa mesa, sobrang lungkot nang pakiramdam niya. Kaya nagulat na lang siya nang may kumalabit sa braso niya, pag-angat niya ng mukha ay kumabog ang puso niya nang makita niya si Vaness.

Book 3: My Love is a SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon