MAPANURING mga mata ang agad na tumambad sa harapan ni Vaness pagkatapos niyang tumugtog ng kanyang flute. Kung bakit ay hindi niya malaman ang kadahilanan. Nasa loob siya nang kuwarto niya no'n nang pasukin siya ng tatlo niyang mga kapatid at sa hitsura ng mga ito ay parang may kung ano'ng iniisip ang mga ito sa kanya.
"May naaamoy ba kayong kakaiba, guys?" ani Vic kina Ken at Jerry. "Napagdaanan n'yo na ang stage kung nasaan si Vaness, kaya alam kung alam n'yo ang ibig kong sabihin." Anito.
Tumango-tango naman sina Jerry at Ken. "I think he was infected." Sagot naman ni Ken.
"I didn't know this is really contagious." Ani Jerry.
Nang hindi na niya maintindihan ang tinutumbok ng mga kapatid niya ay napatanong na siya. "What are you guys saying?" aniya.
"Naturingan kang genius, pero hindi mo kami ma-gets?" ani Vic.
"'Tol, hindi mo ba kayang damhin ang ipinapahiwatig ng puso mo?" segunda naman ni Ken.
"What do you feel?" si Jerry.
"I don't get it." Naiiling na sabi niya.
Sabay-sabay na tumikhim ang tatlo at napailing-iling. "Ngayon ka lang namin nakitang mag-flute!"
"So?"
"Wow! Hindi ka nagflu-flute dahil ang sabi mo ay tunog in love ang musika sa flute." Ani Vic.
"Na-miss ko ang tumugtog ng flute, may problema ba doon?"
At ang flute na 'yon ay iniregalo ng namayapa niyang great grandmother na si Lola Yna, na isa sa mga favorite musical instruments nito, ito rin ang nagturo sa kanya sa pagtugtog n'yon. Katulad nang singsing na ibinigay ng lola niya sa kanya na ginagamit niyang pendant, isa ang flute sa pinaka-iniingatan niyang yaman.
"You are in love, bro!" panghuhusga ng mga ito sa kanya.
Napailing-iling siya. "Judgmental lang kayo."
"Kailangan ka naming pakialaman dahil hindi ka pa nai-in love at baka hindi mo alam ang mga gagawin." Ani Vic.
"Sino'ng may sabing hindi pa ako nai-in love?" aniya.
"So, na-in love ka na?" nagtatakang tanong ng tatlo.
He has a huge crush on Ms. Yvonne, siguro naman ay counted 'yon! "O-Oo."
"Kanino?" sabay-sabay na tanong ng mga ito.
"Why would I tell you?"
"Dahil curious kami!" korus uli na sabi ng tatlo.
"No, I won't tell you!" aniya, saka na siya tumayo sa kanyang kama para itaboy ang tatlong tresspasers sa kuwarto niya.
"Fine!" ani Vic. "By the way, i-invite namin si Marie Claire sa home for the love," tinutukoy nito ang secret charitable institution na itinayo ng parents nila para sa mga batang inabandona ng mga magulang at pakalat-kalat sa lansangan, na minsan ay dinadalaw-dalaw nila.
"She's a busy person."
"Ayaw mo lang i-share 'yong time niya sa amin, e!" tukso ni Ken. His annoying brothers! Napailing na lang siya.
"Let's invite her, wala namang masama e, maraming tagahanga si Marie Claire at sa simpleng presence niya doon ay tiyak marami siyang mapasaya saka next week pa naman 'yon, e." ani Vic.
BINABASA MO ANG
Book 3: My Love is a Superstar
Teen FictionWhen the teen Superstar meets Mr. Geek. Siya, si Marie Claire, na sobrang sikat at crush nang sambayanan ay ini-snob-snob lang ni Vaness Symeon? Arouch, bes!