"Bakit mo pangarap maging Scientist o Doctor?" curious na tanong niya.
Saglit itong bumaling sa kanya bago muling itinuon ang atensyon sa kalangitan. "Bukod sa mahal ko ang Science, na-inspired din ako sa mga napapanood at nababasa ko no'ng bata pa ako. Gusto ko rin maging Doctor para hindi kailangang magpunta ng hospital ang pamilya ko kapag may sakit sila dahil I'm just a call away." nakangiting sagot nito. Ngumiti at tumango naman siya dito. "Eh, ikaw, bakit ka nag-artista?"
Saglit din siyang bumaling dito bago tumingala sa kalangitan. Nang umihip ang malamig na hangin ay mabilis bumaba si Vaness sa pagkakaupo sa ibabaw ng sasakyan nito at may kung anong kinuha sa loob sasakyan, pagbalik nito ay may dala na itong jacket na inilagay sa balikat niya, saka ito muling naupo sa tabi niya.
"Thanks," nakangiting sabi niya, bago niya itinuloy ang sasabihin dito. "No'ng bata pa kasi ako, dalawa ang pinangarap ko; ang maging artista at maging businessperson tulad nina mommy at daddy, pero mas p-in-ursue ko ang pag-aartista, no'ng una mahirap talaga dahil hindi ako napapansin at maraming mas magagaling at mas magagandang artista, pero nagsumikap ako hanggang sa kung nasaan ako ngayon, pero gusto ni dad na maituloy ko ang pag-aaral ko at ang pangarap kong maging businesswoman, kaya itinuloy ko ang pag-aaral ko. Mahirap pagsabayin pero kakayanin para sa mga pangarap ko." Nakangiting sabi niya. Nakita niyang tipid di itong ngumiti.
Naramdaman niyang umusog ito sa tabi niya at saglit pa ay nakaakbay na ito sa kanya, hindi niya naiwasang mapangiti, marunong din pala itong maging extra sweet. Pero mas gumanda ang pakiramdam niya at nawala ang panlalamig na nararamdaman niya. Nadagdagan pa ang kilig niya nang maramdaman niyang hinalikan nito ang ibabaw ng ulo niya.
Napangiti siya ngunit naputol ang kasiyahan niya nang biglang may sunod-sunod na kumislap sa kung saan, sabay silang napalingon ni Vaness sa pinanggalingan n'yon ngunit wala silang nakita, nagkibit-balikat na lang silang dalawa.
Muling tumingala sa kalangitan si Vaness kaya sumunod naman siya. "There are over eight billion people in this world and I was really lucky because I met you." Anito, na ikinangiti niya.
"Eight billion people in this world and you're the only one I want to be with, Van." Sagot naman niya, naramdaman niyang isinandig nito ang ulo sa kanyang ulo. "I've already met thousands of people and none of them really touch my heart until you came and my life has changed, forever. Felt so blessed."
"Yeah, you are the love that came without warning; you had my heart before I could say no." muli itong humalik sa ibabaw ng ulo niya.
Napayakap naman siya sa baywang nito nang mahigpit. "You are my only one in eight billion." Napangiti siya at mas lalong isiniksik ang katawan sa binata. "Let's stay like this forever."
"I would love that."
"KALAT na sa lahat ng mga tabloids at internet ang mga larawan n'yo ng boyfriend mo, paano mo maipapaliwanag sa lahat ng mga supporters n'yo ni Bonz ito? Paano na ang promotion ng bagong movie n'yo?" galit na sermon ni tita Rumelu sa kanya.
Malakas ang pakiramdam ni Marie Claire na ang kumislap na mga ilaw nang gabing nag-i-stargazing sila ni Vaness ay kuha 'yon ng mga paparazzi na nakasunod at nagmamanman sa kanila. Dalawang linggo na ang lumipas pero ngayon lang i-p-in-ost sa SNS at tabloids dahil may balak talagang sirain ng mga paparazzi'ng 'yon ang promotion ng pelikula nila.
"I'm sorry, tita." Malungkot na sabi niya.
"Lagi ko nang ipinapaalala sa 'yo ang tungkol dito, hindi ka nag-iingat!"
"I'm sorry."
"Tatawagan ko si direk Jose, baka magulat siya sa eskandalong ito. My God, Marie Claire, what have you done?" naiiling siyang nilayasan ng manager. Napailing-iling na lang siya bago muling tumingin sa picture nila ni Van na nakaupo sa itaas ng sasakyan nito. Lahat ng anggulo ay mayroon sila, pinag-aksayahan sila ng oras ng mga paparazzi'ng 'yon.
Napabuga siya ng hangin at inilabas ang phone mula sa kanyang pouch para kausapin si Van at kumustahin ito, baka pagkaguluhan ito sa school. Hindi kasi siya nakapasok dahil nag-attend siya ng pictorial.
Nakailang ring na pero hindi pa rin sumasagot si Van sa kabilang linya, kinakabahan na tuloy siya. Aalis na sana siya para puntahan ang binata sa school pero biglang dumating uli si tita Rumelu at sinabing galit daw si direk Jose dahil sa nangyari. May abroad screenings pa naman sila next week sa States at Europe.
Nang araw ding 'yon ay nagpatawag ng presscon si tita Rumelu para klaruhin ang kumakalat na balita—at sumang-ayon naman siya hindi para sa sarili niya kundi para protektahan si Vaness. Bago siya sumalang sa presscon ay muli niyang kinontak si Vaness, ngunit out of coverage na.
Mukhang pati ito ay nalaman na ang tungkol sa balita at kinakabahan na siya sa anumang maisipan nitong gawin—baka maisipan nitong... Oh God, baka lumayo ito sa kanya para protektahan ang career niya or worst baka tuluyan na itong makipaghiwalay sa kanya—napaka-selfless pa naman ni Vaness. At hindi niya makakaya na mawala ito sa kanya.
During the presscon, pinutakti siya nang iba't ibang mga katanungan, mula sa mga larawan nila ni Vaness at sa koneksyon niya sa lalaki hanggang sa pag-question ng ibang mga fans sa pag-arte bilang artista na nasagot naman niya nang maayos at kalmado ngunit kinailangan niyang magsinungaling sa media para itago ang tungkol sa relasyon nila Vaness.
Hanggang nang matapos ang interview ay wala pa rin siyang nare-receive na text mula kay Vaness at hindi pa rin ito nagpaparamdam sa kanya. Hindi kaya... No, Vaness! Please...
BINABASA MO ANG
Book 3: My Love is a Superstar
Teen FictionWhen the teen Superstar meets Mr. Geek. Siya, si Marie Claire, na sobrang sikat at crush nang sambayanan ay ini-snob-snob lang ni Vaness Symeon? Arouch, bes!