Umiling si Mr. Morales sa inaanak. "Siya lang kasi ang kilala kong makakatulong sa 'yo ngayon, hija." Sagot ni Mr. Morales.
"Ninong, ha, baka puro looks lang siya." Pabulong uli na sabi nito.
"Like I've said, he's the top student in the University and you can depend on him, hija." Nakangiting sabi ng school President sa inaanak bago bumaling sa kanya at ngumiti saka sinimulan ang usapan tungkol sa tutorial. Napailing na lang siya ng lihim, first time yata niyang maramdaman na hindi siya gusto ng isang babae sa katauhan ni Marie Claire, may nagawa ba siya sa dalaga na hindi niya alam?
Nang matapos silang magkausap at magkasundo ay nagpaalam na siya kay Mr. Morales at nauna nang lumabas ng faculty room. Nasa hallway na siya noon papunta sa Science building nang biglang tinawag ni Marie Claire ang pangalan niya, kaya napalingon siya dito. Nakita niya itong naglalakad palapit sa kanya.
"Hindi ko pa naibibigay sa 'yo 'yong tutorial sked mo." Anito.
"Hindi ba ako dapat ang magbibigay ng sked?" tanong niya.
Umiling ang babae. "I have a hectic schedule, so, dapat ikaw 'yong mag-adjust saka babayaran ko naman 'yong service mo, e."
Muntik na siyang mapanganga, ngayon lang kasi siya nakakilala ng magiging estudyante niyang ganito ka-demanding.
Hindi na lamang siya komontra sa babae. "Ano ang magiging sked ng tutorial natin?"
"Every Fridays from five PM to eight PM—"
"I'm only available 'till seven PM every Fridays."
Napakunot ang babae. "So, what do you mean?"
"We can have our tutorials from five to seven PM and every Saturdays from three PM to seven PM."
"Wait! Ako ang mag-i-schedule!" reklamo nito.
"And I'm not available every Sundays."
Saglit itong natigil sa pagsasalita, kumunot ang noo nito bago nagsalita. "Okay, fine!" pagsuko nito, saka ito may inilabas na maliit na card para iabot sa kanya. "This is my calling card; call me for my home address." Kinuha niya agad ang iniaabot nito, at bago pa siya tuluyang umalis sa harapan nito ay muli itong nagsalita. "Don't you dare spread my contact number to anyone or else I'll sue you!"
Napabuga siya ng hangin. Tama ba siya nang naging desisyon na tanggapin ang tutorial session kasama ng babaeng ito?
PAGDATING ni Vaness sa condo ay alam niyang nauna nang nakauwi si Vic, amoy na amoy na kasi niya ang gamit nitong perfume. Sa kanilang apat ay siya lang ang hindi mahilig sa perfume. Pero mukhang abala ang kapatid niya kasi hindi ito nagkakalat sa condo ngayon. Naglakad siya palapit sa kuwarto nito at kumatok, baka kasi may dinaramdam ito.
Mabilis naman nitong binuksan ang pintuan nito. "Yes? Miss mo na ba ako agad, bro?" nakangiting tanong nito.
"No, I just wanted to check on you." aniya, at dahil okay lang naman pala ito ay tumalikod na siya sa kapatid saka dumiretso sa kuwarto, magbibihis lang siya saglit para makapaghanda na ng kanilang hapunan, siya kasi ngayon ang naka-schedule, wala pa noon ang dalawa pang kapatid niyang sina Jerry at Ken, na kapwang walang mga date ngayon.
"Okay, magluto ka nang masarap, ha." Masayang pahabol ni Vic sa kanya. Pansin niya ay parang masaya yata ang kapatid niya ngayon at may napansin siyang hawak nito na isang maliit na box na may ribbon, may girlfriend na kaya ito?
Sa kanilang apat ay si Ken ang halos nakakaisang-daang girlfriends na, tinatawanan nga siya ni Vic dahil sa kanilang apat at sa edad nila ay hindi pa siya nagkaka-girlfriend pero hindi na lang niya pinapansin.
Tapos na siyang maghanda ng dinner nang magkasabay na dumating sina Jerry at Ken, lumabas na din ng lungga si Vic, na masaya pa rin ang aura. Umupo silang apat sa hapag-kainan, magkatabi sila ni Vic at katapat nila ang dalawang bagong dating.
"Ano'ng nakain mo ngayon at ganyan ka makangiti?" nagtatakang tanong ni Ken kay Vic, na noon ay ngiting-ngiti pa rin.
Ngumiti si Vic at sumubo sa pagkain nito. "Masarap." Puri muna nito sa menudo niya, bago ito bumaling kay Ken. "Sekretong malupit!" natatawang sagot nito.
"May hawak ka kaninang maliit at itim na box na may ribbon." Singit niya.
Bumaling si Vic sa kanya. "At kailan ka pa naging usiserong chismoso?" natatawang sabi nito.
"Sinabi ko lang naman 'yong nakita ko," aniya.
"Oo na, sekreto nga 'yon, e!" anito.
"Para kanino 'yong box na may ribbon na 'yon?" tanong naman ni Jerry.
Napabuga si Vic bilang pagsuko. "Birthday gift ko kay Chenee, pero secret muna dahil gusto ko siyang i-surpresa." Anito.
"What?" sabay-sabay na tanong nilang tatlo. "Ngayon ka lang magbibigay ng regalo kay Chenee? Ilang buwan nang nakalipas simula no'ng birthday niya, ah." ani Jerry.
"Ang sama mo, 'tol! Ikaw na lang pala ang hindi nakakapagbigay ng regalo kay Chenee!" ani Ken.
"Eh, sa wala akong maisip, e." sagot ni Vic.
"At ngayon ka lang nakapag-isip?" ani Jerry.
"Yeah." Sagot nito. "At least masu-surpresa ko siya, 'di ba?" Natatawang sabi ni Vic. Umiling-iling na lang silang tatlo at hindi na lamang pinansin ito dahil inabala na lamang nila ang sarili nila sa pagkain. "By the way, hindi ko talaga ma-tiyempuhan si Marie Claire sa school, para sana makapagpa-picture man lang sa kanya." Ani Vic.
"Ako nakita ko na siya, ayon, maganda talaga." Nakangiting sabi ni Ken.
"Gusto ko rin siyang makita at makilala!" ungot ni Vic. Bumaling si Vic sa kanya. "May mga dates pala sina Jerry at Ken sa sabado, mag-date din tayo sa Saturday, Van, tayo na lang ang walang girlfriends, e."
"I'm busy." Sagot niya.
"Busy, saan?"
"Ask Chenee, instead." aniya.
"Tatlo tayo."
"I have a home tutorial."
"Wow!" sabay-sabay na sabi ng mga kapatid niya. "Kina-career mo na 'yan, 'tol, ah!" ani Vic. "Sino'ng magiging estudyante mo this time?"
"Someone you don't know."
BINABASA MO ANG
Book 3: My Love is a Superstar
Fiksi RemajaWhen the teen Superstar meets Mr. Geek. Siya, si Marie Claire, na sobrang sikat at crush nang sambayanan ay ini-snob-snob lang ni Vaness Symeon? Arouch, bes!