In her five years in showbiz world and at the age of eighteen ay hindi siya makapaniwalang makakatanggap siya ng isang unexpected award from this very prestige film festival here in Paris, France. Worth it ang pagpunta at pagdalo nila dito dahil panalo siya! Hindi lang basta panalo kundi Best Actress siya! And also she has been awarded as the best actress and best supporting actress with her first two movies in the FAMAS and Gawad Urian, in the country few months ago. Indeed, she was blessed.
Sadly, hindi kay Bonz napunta ang best actor award pero naging best supporting actor in naman ito sa PMPC award last time kasama niya at masaya pa rin ito at ang mga kasamahan nila sa movie para sa kanya.
Katulad niya ay siguro nagsisisigaw na rin ang mommy niya sa saya, ramdam rin niya ang kasiyahan ng ama para sa kanya dahil alam niyang mas lalo itong naging proud sa kanya, ang mga kaibigan at solid fans niya at syempre pa ang lalaking hindi siya sinukuan kahit hirap na hirap na sa sitwasyon nila dahil sa pagtatago ng kanilang relasyon.
Siguro ay oras na rin para pasalamatan ito at ipakilala ito sa mundo na deserve naman talaga nito, kung mahal naman siya ng mga taong nakasuporta sa kanya, mamahalin din ng mga ito ang mga taong mahal niya.
"T-Thank God, thank you Brest European Film Fest for this prestigious award. I felt so honored and very proud to be a Filipino. Thank you also to my family, manager, to direct Jose and Bonz," nakangiting lumingon siya sa mga kasamahan niya. "Also to my solid supporters who's always been there for me, and of course to the guy who really inspired me and who never gave up on me, Vaness Symeon Cruise." Aniya, nanlaki ang mga mata ng Manager niya at akmang sasawayin sana siya nang mabilis itong inawat ni Bonz Andre at umiling sa babae, hanggang sa maramdaman siguro ni tita Rumelu ang matinding emosyon sa puso niya at kung anuman ang nagre-reflect sa kanyang mga mata kaya sa huli ay sumukong napatango na lang din ito. "Sorry If I deceived everyone, it was because I wanted to protect him," malungkot na sabi niya, bago rin siya unti-unting ngumiti. "To Van, I love you and thank you so much for always being there. And I would like everyone to know how lucky I am to have him as my boyfriend and bestfriend, I am always thankful for the support and love. Thank you everyone. God bless us all." Aniya, napangitin siyang muli sa hawak niyang trophy at napangiti, she really fet blessed!
Muling nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao sa kanya, pati ang director at manager niya ay napangiti at pumalakpak na din sa kanya.
Tao lang din naman ang mga ito para hindi maramdaman ang pagmamahalan nila ni Vaness. She was really happy and proud. Nang mga sandaling 'yon, hindi na muna niya iniisip ang consequence na maaaring mangyari sa kanyang career—gusto talaga niyang ipagsigawan sa buong mundo ang pagmamahal niya kay Vaness.
Pagkabalik nila sa hotel kung saan sila nanunuluyan ay naka-receive siya ng text mula sa Pilipinas; sa family and friends niya at mula kay Vaness. Ang sabi ng kasintahan ay sobrang proud daw ito sa kanya at nagulat din daw ito sa rebelasyon tungkol sa relasyon nila.
Isang araw pa sila nanatili sa France; namasyal, bumili ng mga souvenir items at mga chocolates bago umuwi ng 'Pinas. At sa airport pa lang ay napangiti na siya nang makita niya ang mga fans na sumisigaw sa pangalan niya—na binabantayan ng mga security guards—nagulat siya sa warm welcome ng mga ito sa kanya—akala niya ay malulungkot ang mga ito sa naging rebelasyon niya, pero masayang-masaya ang hitsura ng mga ito.
Sabay-sabay pang sumigaw ang mga ito nang 'We love you forever, Marie Claire', na siyang nakapagpangiti at naka-touch sa puso niya. Kinawayan niya ang mga ito at nag-flying kiss, bago siya nagtungo sa pamilya niya at kay Vaness na naghihintay sa kanya. Humiwalay na rin sina direk Jose at Bonz sa kanila dahil nanghihintay na rin ang pamilya ng mga ito.
Mabilis siyang napayakap sa mga magulang niya, hindi rin niya napigilang hindi mapaiyak dahil sa kasiyahan at nararamdamang suporta sa mga ito. Kumalas ang mga ito sa pagkakayakap sa kanya saka magkasunod siya hinalikan sa kanyang pinsgi.
"I'm so proud of you, hija." Nakangiting sabi ng mommy niya.
"Thanks, mom." Masayang ganti niya.
"I'm always proud of you hija, lalo na ang pagbabalik mo sa pag-aaral, bonus na lamang itong pagkakaroon mo ng acting award. We are really so honored to be your parents and we love you so much, congrats." Masayang-masayang wika ng ama.
Noon pa man ay ramdam niyang kahit paaano ay proud din ito sa kanya kahit hindi nito sinasabi, pero mas iba pala talaga 'yong feeling na naririnig na niya mismo sa ama na proud ito sa kanya; sa pagbabalik eskwela niya at sa acting award niya, para sa kanya wala nang mas sasaya pa sa kaalaman na masaya ang parents niya sa mga achievements niya sa buhay—at ginagawa rin naman niya 'yon para mapasaya ang mga ito.
"Thanks, dad. You and mommy are both my inspirations." Nakangiting sabi niya, saka siya bumaling kay Vaness na noon ay tipid na nakangiting nanunood sa kanila habang may dalang bouquet of red roses bilang pagsalubong sa kanya, saka siya nito niyakap nang mahigpit.
"Congrats! I'm really so proud of you, my love." Masayang sabi nito.
"Thank you so much, I love you." Aniya.
"I love you too." Ganti din nito saka ito kumalas nang pagkakayakap sa kanya. "Pero paano 'yan, nasabi mo na sa buong mundo na boyfriend mo ako, paano na ang career mo? At ang love team n'yo ni Bonz?" nag-aalalang wika nito.
Napangiti naman siya. "Nakita mo naman kung gaano pa rin sila ka-supportive sa akin, 'di ba?" nakangiting sabi niya, saka uli siya kumaway sa mga fans na nasa hindi kalayuan, nagtilian naman uli ang mga ito. Bago siya bumaling sa binatang nakangiti din sa kanya. "For now, puso ko muna ang susundin ko. Thanks for staying with me."
"It's my pleasure and honor, my love, my superstar. I Love you." Nakangiting sabi nito, saka siya hinalikan sa noo at yumakap naman uli siya dito. Sabay lang silang napalingon nang marinig nila ang tatlong napatikhim sa tabi nila; her parents and manager—na noon ay nakangiting nanunood na pala sa kanila.
"Let's celebrate!" masayang sabi ng mga magulang niya.
"Yeah, I love that!" masaya ding sigaw niya.
Indeed, this is one of the greatest feelings she had ever felt. Kung gaano kasarap magkaroon ng best actress award, mas masarap magkaroon ng Vaness sa tabi niya at makakasama habang buhay. She really loves this man and she knew he felt the same way too.
And she's excited to spend forever with him. Alam niyang mga bata pa sila at marami pang mangyayari sa buhay nila, pero handa siyang suungin anumang pagsubok 'yon, basta magkahawak-kamay sila ni Vaness sa bawat paglalakbay.
In love, you just don't say you're happy, instead you say "may forever" and that's beautiful!
WAKAS
BINABASA MO ANG
Book 3: My Love is a Superstar
Teen FictionWhen the teen Superstar meets Mr. Geek. Siya, si Marie Claire, na sobrang sikat at crush nang sambayanan ay ini-snob-snob lang ni Vaness Symeon? Arouch, bes!