Yung feeling na ang saya saya mo kase lahat ata ng gusto mo, nakukuha mo. Pero minsan bakit kaya ganon noh? Sinasabi ng iba nasa iyo na lahat. Pero kapag pinakiramdaman mo ang sarili mo, parang andami pa ring kulang. Eh pano na lang kaya sa tulad kong walang-wala na lahat? Katalinuhan lang yata ang meron ako. Pero ayun. Yun pa yung nakita ng iba na kahinaan ko. Sabi nga nila, ang mga 'matatalino' , marami raw sa kanila ang nagiging tanga sa pag-ibig.
*CORRECTION: marami pala sa 'amin'.
Kase nga di ba sabi ko matalino ako. Oo mayabang ako! Tsk! Kaya wag kang kokontra dyan! Minsan na nga lang akong maging bida!Nakatulala lang ako sa kisame pero pakiramdam ko natutulog ako. Weird ba?
*Jiezell Calling*
"Ugh! Ano ba naman yan? Istorbo talaga to bwisit na cellphone to ah! Bakit ka pa ba kasi naimbento?!", inis na sigaw ko habang pinipilit tumayo at gisingin ang sarili ko para sagutin sana ang tumatawag.
"Anong oras na kaya?!" tanong ko sa sarili ko'Oras na para mahalin mo ako!'
*LUNOK!*
"Naaalala ko pa rin yung mga linyang yan. Nakakakilig pa rin sana kaso hayst.!", mapait kong sabi.
*Kriing! Kriiing! Kriing!*
Saka ko muling tiningnan ang phone ko."Oh?! Anong meron, bruha ka? Bat ka napatawag?! Alam mo bang nagising ako dahil sayo, ha?!" galit na sigaw ko kay Jiezell na kaklase at kaibigan ko.
"Tsk! Aba! Magpasalamat ka nga at ginising kita! Gusto ko lang naman ipaalam sayo na may ipapagawa raw si Sir Core sa atin! At ngayon pa lang, tumayo ka na dyan dahil kapag di ka nakaabot on time, wala kang score ! Kase ngayong first period lang to! Tsk! Badtrip to!", sigaw niya at binabaan ako.
'Halos nabingi ako don ah!'
Saka ako bumilis na bumangon at kinakabahan talaga ako. Huhuhu Kainis naman eh. Akala ko ba wala si Sir Core kase may meeting sila. Ang ganda pa naman sana ng gising ko kase wala kaming First Period class.
Dali-dali akong naligo at hindi na rin ako kumain kase mas lalo akong malelate.
Pagdating ko sa school ay dali-dali akong tumakbo papunta sa room namin...
" Goodmorning Sir! Sorry I'm la-..."
Nagulat ako nung ibang mga mukha ang nakita ko sa loob ng classroom namin. Teka! Bakit? Omy Nakakahiya huhuhu!
" I-iii'm sorry for disturbing your class Mr. A . A-akala ko po k-kasi a-andito si Mr. C-core."
Pautal utal kong sabi kase si Mr. A lang naman ang pinakaterror na Lecturer dito sa Mirabella University na kung saan ay dito ako nag-aaral ng Grade 12."Well, you are forgiven Mssss.. What's your last name again?" tanong ni Mr. A.
"A-ahmm I a-am M-margaux P-prajja T-tears sir." sagot ko sa kanya.
"Last name lang ang tinanong ko sayo pero buong pangalan mo na ang binigay mo! Tsk! Anyway, Ms. T-tears , you are forgiven in disturbing my class if you can answer my question." mangisingisi niyang sabi.
Kinabahan naman ako pero pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
*kalma mode*"And what is that, sir?"
"What is the only English word which has an 'mt' letters at the end ?"
'Hahaha Mukhang mabait pa rin ang pagkakataon sa akin ngayon'
"Well, it is 'dreamt' sir.", nakangiting sagot ko.
" Tsk! Pabibo!"
"Ano ka ba? Buti nga nasagot niya yung tanong na kanina pa tinatanong ni sir sa buong klase."
"Oo nga at pag nagkataon, baka magpaquiz na naman siya ng sobrang hirap."
YOU ARE READING
Tears of Tears
RandomNo matter how I escape from that nightmare, it still haunts me. For once, I want to hide more to forget the feeling of betrayaI from a person I once treasured. The spiral feeling of sadness is killing me. I was sad, ruined, and broken. I was a villa...