III

16 3 0
                                    

"Hoy, Margaux Prajja Tears! Akala ko ba gutom ka? Eh parang natutulog naman yang anaconda sa tiyan mo! Di naman pala kakain."

"Woi!"

"May saltik na ang babaeng 'to. Naku. Naku "

"TEARSSSSS!" sigaw ni Pubic sa tainga ko nang pagkalakas -lakas.

"Ha?", sagot ko sa kaniya. Nandito kami ngayon sa Mcdo nag-uusap usap pa kami kanina pero di ko maiwasang mag-isip.

"Kanina ka pa nila kinakausap pero kanina ka pa tulala. May problema ba?", sa tono ng pananalita ni Pubic alam ko nag-aalala siya.

Nakakatouch naman na may mabubuti akong kaibigan. Si Pubic simula pa pagkabata siya na ang laging kasama ko. Para kaming kambal na kung asan siya, doon rin ako. Hindi rin siya taga Ilocos Norte tulad ko. Pero di ko alam kung bakit napadpad sila dito. Ang alam ko siya lang naman ang pumunta dito sa Norte. Yung family niya nag-istay abroad, busy sa trabaho. Kaya nagulat na lang ako pareho kami ng school dito. Sabi niya sasamahan daw niya ako kase mag-isa ako dito. Nakakakilig na naging crush ko kuya niya dati nung elementary palang kami sa Tarlac. Crush na crush ko siya dati kase ang cute ng pisngi niya, yung ngiti niya, yung mata niya kakaiba. Si Pubic naman Fil-Am siya pero mas nangingibabaw ang pagkaAM niya. Mayroon siyang kulay asul na paberde na mata, may matangos na ilong at sexy na lips na katulad ni Harry Styles. Para silang pinagbiyak na buko kung tutuusin.

"Woi! Margaux! Ano na? Kanina ka pa talaga tulala gurl! Ano meron? May problema ba?", nag-aalala na tanong ni Fern.

"Pasensya na! Ang cute kase ni Pubic.", pabiro ko pang sabi para hindi na nila tanungin kung ano ba talaga ang iniisip ko kanina bago ako tanungin ni Pubic.

Natawa naman si Fern at tsaka si Jiezell. Alam na alam ko na kung di lang kami magkakaibigan baka jowain na nila si Pubic.

"Sige na kumain na nga lang tayo! Sayang ang pagkain oh tsaka di ba nga sinira mo yung moment namin kanina sa mga boyss! Vaklang toooooo!" maarte na tugon ni Fern.

Pagkatapos naming kumain, napagdesisyunan naming pumunta sa mga stores para bumili ng mga gamit. Pero gaya kanina, bukambibig pa rin nila yung mga pinagnanasaan nilang mga lalake sa mall. Pero mabuti na lang hindi na namin sila nakita. Nang mapagod kami ay umuwi kami sa apartment nila Jiezell. Tinapos namin yung k-Drama na Who Are You, School 2015.  Magpupuyat kami kase sabado naman bukas walang klase.

"Ayoko na! Huhuhu! Ansakit sakit naman e! Sana si Gong Tae Kwang na lang", mangiyak-iyak na sabi ni Jiezell.

"Hindi ako makapili kung yung 2nd lead role ba o yung lead yung mas gusto ko. Para akong pinapipili kung ilong ba o hangin.", sagot naman ni Fern.

Si Pubic naman nakikinig lang sa mga rants nila. Masyadong malalim ang iniisip niya at hindi ko yun mabasa. Para siyang hindi masaya pero hindi rin naman malungkot. Para siyang blangkong papel.

Tumingin siya sa'kin at ngumiti nang pagkalaki-laki habang pinagsisingkitan ako. Kilala ko siya! Kapag ganon na ang pormahan niya o facial expression niya siguradong...

"Ahhhhhh! Ano ba bitawan mo ako!! Ano ba, Pubic! Bitaw! Huwag mo akong hahahahahhaa Ano ba hahahaha pun... Hahaha punyeta ka! Hahhahaa nakiki hahahaha nakikiliiti ako" hirap na sigaw ko at kitang-kita ko kung paano ako hindi tinulungan nina Jiezell at Fern at pinagtatawanan pa ako habang buhat ako ni Pubic at patuloy na kinikiti.

Nang makuha ko iyong bwelo ko piningot ko si Pubic sa tainga kaya nabitawan niya ako pero agad rin akong nasalo. Sana all.
Pero anlapit namin sa isa't isa kaya pinagtripan kami ni J at F.

"Uy~ bagay kayo infairness a"
"Kiss!"
"Huwag nang magpatumpik-tumpik pa"
"I now pronounce you, Husband and Wife."
"Woooohhh! Congrats, Pubic-Tears Nuptial!"
Teka, ang sagwa pakinggan! Hahaha hindi kayo bagay. Tara na nga at matulog sabi naman ni Jiezell.
Sumunod kami sa kwarto niya at sa gilid ako ng kama pumwesto at katabi si Jiezell. Si Fern naman dun sa kabilang gilid. Si Pubic, sa sofa natulog malapit sa akin. Masyado kaming napagod kaya nakatulog kami bigla.

Nagising ako nang bandang 3 am na. Lagi akong nagigising sa ganyang oras. Parang body clock na di ko maiwasan. Nang hindi ko pa rin makuha ang tulog ko ay buong ingat akong bumaba para magpahangin sa labas. Hanggang ngayon hinahunting ako ng nakaraan. Natatakot akong maulit ang lahat. Natatakot ako na...

"Prajja!" sigaw ni Pubic na nagpabalik ng diwa ko dahil sa gulat at nakita ko sa kaniya ang pag-aalala. Iniiwas ko ang paningin ko sa kaniya.
"Oh! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap ako sa kaniya
"Ikaw dapat ang tinatanong ko nang ganiyan! Anong ginagawa mo dito at mag-isa ka? Sana man lang ginising mo ako para masamahan kita. Nag-aalala ako sa iyo Prajja lalo nat.... Hayssss"

Yinakap ko siya. Hindi ko alam kung kailan ang huling yakap ko sa kaniya. Pero para akong kumalma at the same time parang mas lalo rin akong kinabahan. Nanghina ako at sa di maipaliwanag na kaba mas lalong nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Mahirap takasan ang lahat. Pero isa lang ang sigurado ko. I am scared. I was always been scared.

Tears of TearsWhere stories live. Discover now