Ika-20 na pala na araw ng Hulyo taong 2017
As usual, late akong pumasok. Marami ang nagtataka kung bakit ako laging nalelate. Gusto kong magpaliwanag pero sisimulan ko palang tinatamad na ako.
Hindi ako masyadong tutok sa klase buong maghapon. Nagugulat pa rin ako sa mga nangyayari. Andaming nangyari simula nung gumala kami ng barkada ko. Maraming ala-ala ang pumasok. Ang hirap tuloy magpanggap na okay lang, na tapos na ang lahat. Ang hirap ngumiti kapag anlungkot lungkot ng puso mo. Walang nakakaalam na hindi ako okay, na hindi ako masaya. Pero ambigat bigat na kase ayaw ko magshare. Natatakot ako na kapag nagshare ako ng mga kahinaan ko, gamitin iyon balang araw sa akin. Pero darating at darating pa rin pala yung panahon na mare-realize mo dapat ang problema hindi sinasarili kung meron namang mga tao na handang tulungan ka sa pagbuhat ng mga pasan mo.
Paglabas namin sa school, agad kaming pumunta sa sasakyan ni Fern. Kung saan saan kami umabot. Taga Ilocos Norte sina Fern at Jiezell pero kami ni Pubic hindi naman talaga kami taga dito. Ako, napadpad lang ako dahil sa isang rason. Hanggang sa magustuhan ko na rito at dito na ako nag-aral ng SHS.
Pumunta muna kami sa Rob, nag-ikot ikot, sina Jiezell at Fern yan talaga yung mga may matang agila. Anlayo layo ng mga lalakeng andun sa kabilang wing ng Mall pinagchichismisan na.
"Fern, may bet ako dun.", pagnguso ni Jiezell sa grupo ng kalalakihan na naabot ng mata niyang agila.
Si Pubic tahimik lang kanina pa. Parang masyadong malalim ang iniisip niya. Puro cellphone and inaatupag niya ngayon at parang may katext o kachat.
"Gusto ko yung nakaputi girl!", tugon naman ni Fern.
"Wag kang epal! Akin yun! Yung nakagray na lang sayo. Mas maganda yung katawan nun. Mas makinis tsaka mas maamo yung mukha.", pangungumbinsi ni Jiezell kay Fern.
Tiningnan naman ni Fern si Jiezel nang may naglalagablab na mga mata na handa kang sunugin kapag lumapit ka pa.
"Ah hehehe! Ano ka ba Fern, biro lang. Sa'yo talaga yung nakaputi. Akin na lang yung naka gray." Bawing tugon ni Jiezel.
"Tigilan niyo na yan. Tara na kumain gutom na ako." singit ko.
"Ikaw, Tears. Sino ang bet mo dun?" biglang tanong ni Pubic.
"Oo nga, Tears! Tingnan mo silang mabuti may mga cute at gwapo o. Pwede yung nakablack o pink yung sayo. Parang ganun yung mga tipo mo.", sabi ni Jiezell.
"Tigilan niyo ako sa kalokohan niyo! Tara na at kumain dahil gutom na talaga ako. Pero sige kung ayaw niyo, kayo na lang lalamunin ko." biro ko pa.
"Ano ba naman 'yan! Kainis naman si Tears! Panira ng sight-seeing!" bulong ni Fern kay Jiezell.
Tumawa lang naman si Pubic at tiningnan ang mga tinutukoy nina Fern at Jiezell.
Ang hindi nila alam sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Kailangan mo kumalma, heart. Hindi 'to pwede! Hindi pwede.
YOU ARE READING
Tears of Tears
RandomNo matter how I escape from that nightmare, it still haunts me. For once, I want to hide more to forget the feeling of betrayaI from a person I once treasured. The spiral feeling of sadness is killing me. I was sad, ruined, and broken. I was a villa...