Hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan. It was very hard and I was scared. It has been years since the day that I will never forget. It is the nightmare of my life. Mahirap takasan pero parte na siya ng pagkatao ko. Yun nga lang eto yung parte na kung pwede lang alisin, inalis ko na. Nakakatakot. Nakakatakot na hanggang sa pinakamaliit na buto ng katawan ko nararamdaman ang takot. Kung tutuusin, lamang din ang pagkadismaya ko sa parents ko or maybe it wasn't being disappointed. Maybe nagtatampo lang ako to them.
Pareho silang busy sa abroad, parehong hindi ako mabigyan ng atensyon. Wala akong kasama sa stage kapag may awards ako nung elementary at maging junior highschool, laging si Yaya Mina. Si Yaya Mina, mabait siya at masarap magluto. Andyan siya kapag malungkot ako, kapag iniiyakan ko maging ang pagkain nang mag-isa. Nakita niya lahat kung paano akong mapagalitan kapag hindi nakakakuha nang mataas na scores sa exam kay daddy. Nasaksihan niya kung paanong mas pinipili ni mommy ang pagtravel abroad kesa samahan ako sa paglalaro. Maging nung nagpunta ako sa London para sumama kina mommy na bisitahin si Lola na may mga businesses doon, laging nandiyan si Yaya Mina.
Minsan, iniisip ko paano kung nag-asawa siya? Paano kung ibang tao yung hinire nila mommy na maging yaya ko? Siguro mas magiging miserable ang buhay ko. Siguro walang makakaintindi sa'kin. Siguro hindi ko naranasan kung paano maranasan ang pagmamahal ng isang ina at ama.
Ngayong pinadala ako nina daddy sa Mirabela University dito sa Ilocos para mag-aral ng SHS, I feel like I was all alone. I feel like no one will be there to hear my thoughts. It seems like no one will ever heard my silence. Mabuti na lang din nandyan si Pubic, andyan siya lagi. Sinamahan niya ako kahit na ang gusto ng dad niya na si tito Neil ay ang mag-aral siya abroad. Ramdam ko ang pagmamahal niya, pag-aaruga at pag-alalay niya. Nandiyan siya nung mga panahong kailangang-kailangan ko ng tulong. He saved me from falling into the cliff. He saved me from killing myself. He saved me from my parents. He saved me from those people who deceived me. He saved me and I owe everything to him.
He stayed even na nung una lagi kaming hindi magkasundo. Lagi ko siyang tinatarayan kapag bumibisita sa bahay namin sa Tarlac. Pareho kami ng school na pinasukan nung elem, pero mas lamang siya ng isang taon. Dati dinadaan daanan ko lang siya. Hindi ko man lang nakita na magiging buwisit siya sa pagkabata ko. Nung highschool na kami, lagi na niyang kinakausap sina mommy at daddy at parang siya yung anak nila kase mas pinapansin pa nila siya. Simula non, pinagtritripan ko siya kapag dumadalaw. Pinagsasarhan ng pinto kapag naririnig ko ang mga yapak niya sa mansion. Pero ayun at ako pa pinapagalitan ni mommy. Kailangan ko raw siyang itrato na kaibigan eh hindi naman kami close tyaka mailap ako sa tao.
Naaalala ko na lagi kong dinidikitan yung mahabang buhok niya na mala Harry Styles ang datingan. Kaya minsan, hanggang balikat lang yung kulot na buhok niya dahil kailangang gupitan kase nilalagyan ko ng chewing gum kapag natutulog siya sa guest room. He's not complaining though but sometimes I can see he was pissed. Pero di niya ako pinapatulan.
Hanggang sa nagising ako isang araw, hindi na siya bumibisita sa mansyon namin. Yun pala pumunta sila sa London at doon na nagtapos ng highschool. Kasabay non, nagbakasyon kami nina mommy sa London din kaya nakakabisita pa rin siya pero hindi na kami nagpapansinan. Hindi pa rin kami magkasundo nun pero hindi ko na dinidikatan ng gum yung buhok niya hahahahaha. Nung bumalik kami sa Pinas, sumunod din sila. Hanggang sa may nakilala akong bagong kaibigan, si Xiren. Pero...
"Margaux!", pasigaw na tawag ni... Pubic
"Ay palaka!!" Nagugulat kong tugon kay Pubic.
"I'm sorry. I already came in kase you're not answering me. Kanina pa ako kumakatok. I thought something bad happens to you kaya pumasok na ako." paliwanag niya at nakikita ko ang pag-alala.
"Talaga ba? Sorry may naalala lang ako"
"N-nnapansin ko nga. You've been changing your facial expressions since I came in." Sagot niya at lumalapit
"What???! So kanina ka pa diyan? "
"Yup! You're... sad kanina, then happy, and then sad again and you... are crying" sabay punas niya sa mga luhang hindi ko man lang napansin na nag-unahan sa mga pisngi ko.
"You're ugly na tuloy." pambabara niyang sabi sabay upo sa sofa sa harap ko.
Inirapan ko siya nang bonggang-bongga na itinawa niya.
"Naalala lang kita kaya naiiyak ako. Yung dinikitan ko ng gum yung buhok mo at pinagpupunit yong drawing mong ampangit, nakakaiyak na pala ngayon." sabay peke ko ng tawa pero sabay ring naluha ulit.
He opened his mouth then cleared his throat. Tapos biglang NIYAKAP niya ako.
"Stop lying, please. Alam kong naalala mo ulit siya. I know that you're scared, but I will be here for you. I will never allow him to touch you once more. Not again."
Humagulgol ako sa balikat niya at nanghina hanggang sa magising uli ako at nasa room ko na ako.
Nakatitig si Pubic sa'kin mula sa upuan sa harap ko. Parang binabasa ako at ingat na ingat na walang malampasang letra at baka hindi maintindihan ang bawat kwento na meron ako.
"Huwag mo akong titigan, Pubic. Halika muna magbreakfast tayo, sakto wala akong kasabay." Ilang na sabi ko dahil nakatitig pa rin siya sa'kin.
"Okay ka na ba? " tanong niya na tinanguan ko.
"Wala si Yaya Mina mo? That's rare huh."
Mapait akong ngumiti kase totoo yung sinabi niya. Kapag wala si Yaya Mina, feeling ko hindi ako safe.
Pumunta kami sa dining room at inihanda ang mga pagkaing inorder ko sa labas.
"Dumating sina mommy at daddy kaninang madaling araw. Kinumusta ako and tinanong kung okay lang ba ako dito sa Ilocos tapos sinama nila si Yaya Mina muna kase may business stuff sila sa katabing bayan."
"What? Inaasahan ko 'to pero hindi ko inakalang ganon sila kabilis pupunta dito. Itinawag ni Dad kahapon na may balak sina tito na bumisita dito." sagot niya.
Hindi ko na siya sinagot at baka mas humaba pa ang usapan.
Habang kumakain kami nung fried chicken na spicy na paborito naming dalawa ay may kumatok.
"Ako na baka si Yaya Mina na yan."
"Hmm" pagsang-ayon ni Pubic.
Binuksan ko iyong pinto sa apartment at nagulat ako sa nakitang dumalaw.
Nagtitigan kami at halos hindi ako makahinga sa gulat.
"Pwede ba tayong mag-usap, Prajja?"
"Prajja, sino iyan? " Tanong ni Pubic at halatang papalapit siya sa'min. Nabigla si Pubic at mabilis na kumilos at sinara ang pinto nang makita kung sino ito.
"Prajja, I need you to listen to me. Okay? I will talk to him and please just stay here. Naiintindihan mo ba ako?"
Nakatitig lang ako kay Pubic at hindi ko agad maproseso ang sinabi niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinipilit agawin ang diwa ko.
"Prajja! Please, listen to me this time. Naiintindihan mo ba ako? Stay. Here." frustrated na sabi niya at napatango na lang ako.
"I'll be back and mabilis lang 'to." sabi niya sabay hinalikan ang noo ko at lumabas.
Hindi ko alam kung paano kong naihakbang ang nga paa ko patungo sa kwarto at humiga. Niyakap ko ang unan at bigla na lang bumuhos ulit ang luha ko. Akala ko tapos na akong maiyak ngayong araw na ito. Pero may iluluha pa pala ako nung maalala ang bawat halakhak, bawat tawanan, bawat sakit at ang pakiramdam na pagsisisi na nagtiwala ako sa taong kaya pala akong lokohin at saktan.
YOU ARE READING
Tears of Tears
RandomNo matter how I escape from that nightmare, it still haunts me. For once, I want to hide more to forget the feeling of betrayaI from a person I once treasured. The spiral feeling of sadness is killing me. I was sad, ruined, and broken. I was a villa...