[2]

1.1K 17 4
                                    

Chapter 2

Living alone. 

Now I know how it feels to be alone. 

I woke up without a maid waking me up. 

Tumayo na ako at tinignan muli ang kwarto ko. Ilang araw na ba ang nakalipas nang mamatay ako at si mommy? Ang weird palang sabihin ano, pag sinabing namatay ako? 

Nalibing na kami ni mommy, at hindi man ako nakapunta dahil nga patay na ako. 

Nag-ayos na ako ng sarili ko dahil may pasok na ako ngayon, first time kong pumasok, I was homeschooled back then. Ayoko kasi makihalubilo sa mga tao, because I think may mga hidden agenda sila para lumapit sa akin. 

Bumaba na din ako at nagprepare ng breakfast ko, suddenly I missed everyone. I missed how the chefs cooked my foods, how the maids served it, basta lahat na miss ko na. 

Bakit kasi nahantong sa ganito ang buhay ko? 

After that, I washed the dishes buti nalang may dishwasher talaga. 

Three days na ang nakalipas at medyo nasanay na din ako sa mga gawaing bahay, kaso hindi pa ako marunong maglaba, and to iron my clothes. Well may laundry shop naman eh. 

Lumabas na ako at sumakay na sa aking kotse, namiss ko yung chauffeurs ko. Pero now I can drive on my own. 

Pumunta na ako sa school ko. Paano kaya kung may makakilala sa akin? Paano naman mangyayari yun? Wala ka naman kaibigan! Ou nga naman pala. Wala pala ako nun. 

Ang laki ng St. John, mukhang mayayaman ang pumapasok dito. Naglakad na ako papunta sa campus, malawak talaga siya. Nilibot ko muna ito dahil may spare time pa naman ako. Ang daming students lahat sila busy, dumaan ako sa field at may nga nag lalaro dun. 

Umupo muna ako sa may bench, at nagbasa lang muna ako. 

Kailan ko kaya madadalaw si mommy? Talaga bang patay na din siya? Bakit hindi nalang din niya pineke ang kamatayan niya? Why must she sacrifice herself for me? Bakit kailangan niya din mamatay? 

Lahat ng pinaghirapan ni mommy, nawala dahil sa akin, yung kompanyang inaalagaan niya nawala na din, ayun yung pambayad sa kamatayan namin ni mommy, kinuha na nung pamilya ng dapat kong papakasalan ang kompanya ni mommy. 

Mommy. I miss her so much. Lagi kasi siyang nandiyan para sa akin, siya lang naman ang meron ako, siya lang ang pamilya ko pero nawala na din siya sa akin. What if hindi ako nagmakaawa kay mommy? Nandito pa kaya siya? 

Suddenly I felt na nabasa yung mukha ko, umiiyak na pala ako. I was about to get my handkerchief when someone offered his.

"Here." 

Nilingon ko naman siya at nakayuko niyang inaabot yung panyo. Weird. "I have my own." sabi ko. 

Tinignan naman niya ako. "I insist." sabi niya at nilapit na niya sa akin yung panyo. Pero nakakahiya talaga eh. Meron naman akong panyo eh bakit ko gagamit yung sa iba? "Ano ba yan ayaw pa." he said tas nagulat ako dahil siya na mismo ang nagpunas sa akin. "It's an eyesore when someone is crying." 

"Thank you." sabi ko nalang. Tumayo na ako at niligpit ang mga gamit ko. At nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

Nahinto naman ako. "Don't you think it's rude not to introduce yourself to someone who just offered you his handkerchief?" medyo may pagka-smug niyang tanong sa akin.

Napalingon ulit ako sa kanya at grabe ngayon ko lang napansin gwapo pala siya, and his smile, nakakatunaw. Snap out of it Kath

Lumapit ulit ako sa kanya and I smiled. "I'm Le--- Kathryn Park." muntik ko ng masabing Leila. "Thank you for the handkerchief Mr.?" 

"Daniel Vanderbilt." sabi niya at inalok ang kamay niya. "You're new here?" he asked. 

Bakit panay English naman ata siya, pero kanina nagtagalog siya diba? Oh well mind your own business Kath. 

I just smiled at him. "Pleasure to meet you Mr. Daniel." 

"Please the pleasure is all mine." sabi pa niya, tsk playboy. "And Daniel is fine." 

"LEILA!" 

Napalingon ako sa tumawag sa akin, oh mali, bakit ako lumingon? Nabigla naman ako dahil bigla niya akong niyakap. 

"Buhay ka." sabi pa niya. 

Teka kilala ko ba to? Parang hindi naman. 

Hinila naman ni Daniel yung lalaki palayo. "Ano bang ginagawa mo Khalil?" 

"Hindi mo ba siya nakikilala? Si Leila Kathryn Rutherford yan!" sabi nung Khalil. 

What the. 

"Leila buhay ka. Alam mo bang crush kita? Sa mga party na hino-host ng mommy mo, lagi akong nandun at lagi kitang pinagmamasdan. Ang ganda ganda mo kasi Leila." 

Did he just confess? 

"Excuse me?"

"Naku Englishera yan." sabi ni Daniel. "Hindi ka yan maiintindihan."

"Excuse me pero hindi ako yung tinutukoy mo. Hindi ko kilala yung Leila na sinasabi mo. I'm Kathryn Park and sorry pero hindi ako yun." pagtatanggi ko. 

"Ehhh....." nag pout naman siya. "Kamukha mo kasi si Leila. Hayyyy..." walang siglang sabi niya. "Anyway I'm Khalil Estrada." naging jolly na ulit siya.

Weird guy. 

Si Daniel naman nakatitig na sa akin. "Come to think of it kamukha mo nga si Leila."

Paano ba nila nakilala si Leila?

*tbc*

Just a Spoonful of Love [Part One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon