[3]

1K 19 7
                                    

Chapter 3

"Come to think of it kamukha mo nga si Leila."  Sabi ni Daniel habang nakatitig sa akin at hinihimas ang kanyang baba. 

"Diba diba?" excited na sabi naman ni Khalil... 

Sino ba kasi sila? Hindi ko naman sila kilala eh. 

"Sino ba si Leila?" I asked kunyaring hindi ko kilala. 

Natatakot ako kasi baka sa isang bula mawala yung sakripisyo ni mommy at matuklasan ng lahat na buhay ako. Hindi ko nga alam kung anong mangyayari kung malaman na buhay ako eh.

"Si Leila Kathryn Rutherford, nag-iisang heiress ng Rutherford Group, hindi siya masyado nakikipag-socialize sa tao noong buhay pa siya, buong buhay niya pag-aaral lang ang ginawa niya, minsan ko lang din siya makita, tuwing magho-host ang family niya ng party nasa sulok lang siya palagi, tahimik at para bang napakalungkot niya." pagkukwento ni Khalil sa buhay ko.

Come to think of it, tama siya, I don't socialize, I study a lot, tahimik ako, and siguro nga malungkot din ako. Pero the way he described my life, it sounded like I was a wallflower when I wasn’t, I avoided people because I don’t like socializing that much.

"Friends kayo?" tanong ko kahit alam ko naman na hindi kami magkaibigan.

Khalil smiled a weak one. "Hindi. Isolated masyado si Leila, I was never given the chance to talk to her, I can only observe her from afar."

"She just died along with her mother. It was a sad tragedy for the Rutherford Group." sabi naman ni Daniel. 

It was. Dahil sa akin nawala ang lahat. Because mom wanted my happiness, she chose me instead of the company and her life. Naiiyak na naman ako pero hindi ako dapat umiyak ngayon bawal. 

"Khal! Dan!" sigaw nung palapit na lalaki sa amin.

"Enrique.” pagbati ni Khalil dun sa lalaki. 

Napatingin sa akin yung lalaki na binati ni Khalil. Parang nakita ko na siya. Parang kilala ko siya na hindi. Bakit parang familiar yung mukha niya? 

Tumingin sa akin yung lalaki "Leila?" 

"Hindi siya si Leila. Si Kathryn yan. Our new friend." sabi ni Khalil. "Kath this is Enrique." pakilala ni Khalil.

"Hi."  I smiled at him. 

He smiled back at inabot niya yung kamay niya "Hello." nag shake hands kami. 

This will be my first time to have friends. 

"Kath, you're our new friend alright?" sabi ni Khalil makulit pala si Khalil. 

I smiled at that thought, I never had friends when I was Leila, sabi nga ni Khalil isolated ako masyado. 

I found out na best friends ang tatlo, mag pinsan naman si Daniel at Enrique medyo hawig din sila pero mas gwapo parin si Daniel. Medyo tahimik lang si Daniel all throughout, si Khalil naman daldal ng daldal and si Enrique tumatawa lang siya. 

I can sense na galing talaga sila sa mga respected families. 

Napapansin ko din na laging tumitingin sa akin si Enrique ganun din si Daniel, minsan natatakot ako baka malaman nila ang sikreto ko. 

"Alam mo ba kung buhay pa si Leila, magiging rival ko din si Enrique." sabi ni Khalil. 

I didn't get that one. "Bakit naman?" 

"He's Leila's fiancé." sagot ni Khalil which made me dumbfounded. 

I was surprised. I was speechless. Anong masasabi ko?

Eto kaharap ko ngayon ang lalaking dapat kong papakasalan. Ang lalaking pinili para sa akin, kaharap ko ngayon ang pamilya na kinuha ang lahat sa akin. The family that made mine sacrificed everything. 

Ano bang meron sa mga Vanderbilt?

"Was, I believe." bigla kong nasabi na kinagulat naman nila. "I mean Leila's dead so why use the present tense when she's no longer here right?" sabi ko. 

"Well she's still my fiancée. And it's a way to respect her." pag sabat ni Enrique. 

Respect? Sa tingin ba niya gusto ko na matawag na fianceé niya? Pero what would happen kung buhay pa ako? Makikilala ko din kaya sila ng ganito? Magkakasundo ba kami ni Enrique? 

Inayos ko yung mga gamit ko "Umm. guys I have to go now, I still need to attend my class." I said pero I won't go to class. 

Naglakad na ako palayo sa kanila and I started dialing Paul, mom's assistant.

"Paul, I met my fiancé." I said. 

5 minutes na hindi nagsalita si Paul, siguro hindi pa nagsisink in. 

"Nakalimutan kong diyan pala nagaaral ang mga Vanderbilt. I'm sorry milady. Kung gusto niyo itratransfer ko lang po kayo." sabi ni Paul.

Bakit kailangan mag transfer? Bakit kailangan na ilayo ako? Ahh.. ou nga pala, baka malaman nila na buhay ako, mahirap na. 

"Wag na. I'm just scared na baka magpa-background check sila and learned that I'm still alive." 

What would happen if that secret of mine gets leaked?

"Don't worry milady, kahit anong check pa nila, Kathryn Park's background is clean, complete." 

Of course it is. Gagawin ba ni mommy to kung may maliit na butas? Mom's a perfectionist after all. 

"Ok sige Paul. Thanks I'll call you when I need you." I said and hung up. 

Nilagay ko na ulit sa bag ko yung phone ko at nagsimulang maglakad. 

"You're Leila after all." biglang may nagsalita from my back, a familiar voice, parang kakarinig ko lang ng boses na yun. 

I slowly turned and I was surprised to see him 

Natuklasan na ba ang secret ko? 

Masasayang ba talaga ang sacrifice ni mommy just because of this? Bakit ba kasi dito ko pa tinawagan si Paul it can wait naman eh. Why? 

Lahat ng paghihirap, yung death ni mommy masasayang. 

Slowly tears were falling. 

Lumapit siya sa akin at unti unting pinunasan ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata. "I told you it's an eyesore when someone is crying." sabi niya at niyakap niya ako.

Bakit kahit kakakilala ko palang sa kanya bakit sa mga yakap niya ngayon I feel like I'm protected? That I'm safe?

"Don't worry I won't tell your secret. Your secret is safe with me. I know there's a reason why you must fake your death and I won't ask why." 

Lumayo ako sa kanya. "Thank you Daniel." 

Daniel is comforting. Napakabait niya. For him to keep my secret sa sarili niyang family that's touching. 

"In one condition." 

Nanlaki yung mata ko nung sinabi niya yun. Kala ko pa naman mabait siya, pero he will take advantage of this pala. I thought he's different. 

"You have to be with me all the time. You won't leave my side."

tbc

Haha eto lang ang kaya kong iupdate ngayon next time na yung dalawa pang on going. Nagsesettle palang kasi ako here. Hehe next week nalang ulit pag hindi na busy haha.. Yup this is a short story lang mga 20 chapters or 25 lang 

Just a Spoonful of Love [Part One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon