Skye here. While Mary's gone ako muna ang magpopost ng stories niya.
Chapter 8
Kathryn’s Point of View
“Matagal pa ba yan?” tanong sa akin ni Daniel habang nakaupo siya sa barstool ng kitchen.
Andito kasi kami ngayon sa bahay ko, pinagluluto ko siya ng bago kong natutunan na pagkain: ang pasta, diba sabi ko naman nag-aaral akong mabuti para hindi masayang ang sacrifice ni mommy? Kaya eto nag-aral akong magluto. Marunong na din akong maglaba at mag iron kaso sabi ni Daniel wag ko na daw gawin yun at magpa-laundry nalang ako dahil gagaspang ang kamay ko.
“Wait lang. Sabi kasi sa cookbook kailangan malambot na yung pasta.” Sabi ko, hindi naman kasi ako expert sa pagluluto. Tinignan ko na yung sauce at tinikman ko naman, medyo okay siya, salty nga lang. “Daniel tikman mo.” Sabi ko
Kaya tumayo siya at naglakad papunta sa akin. Kumuha ulit ako ng kunting sauce at hinipan ko muna bago ko isibo sa kaya nung sinibo na niya nakatingin lang ako sa kanya “Okay naman.” Sagot niya
Nagpout ako kasi okay lang daw hindi ba pwedeng masarap? “Salty lagyan mo pa ng cheese.” Sabi niya. Akala ko aalis na siya pero niyakap lang niya ako habang nagluluto ako.
Ay kinikilig ako kay Daniel “Oy nagluluto ako.” Sabi ko.
“Bakit bawal ba?” sagot naman niya.
So after kong magluto, inayos ko na yung dining table at umupo na kami ni Daniel, hinintay ko muna siyang mauna at matikman ang luto ko. “Pwedeng magsinungaling ah.” Paalala ko sa kanya at natawa naman siya
Kumain na siya at tumingin siya sa akin “Masarap.” Sabay ngiti.
“Hindi ka nagsisinungaling?” tanong ko
“Hindi.” Sabi niya kaya ngumiti ako sa kanya. “Pwedeng pwede ka ng maging asawa ko.” Sabi niya sa sabay kain.
Kumain na din ako. At habang kumain kami nagkukwentuhan lang kami sabi niya dapat daw siya ang unang makakatikim ng mga luto ko.
Masaya ako kasi nandito si Daniel sa tabi ko. Masaya ako kasi may nagmamahal sa akin. Sana huwag ng tumigil yung ganito kami. Eto ba yung gusto ni mommy yung maging masaya ako kasi nahanap ko na yung true love ko? Alam kong si Daniel na yun kasi mahal ko siya eh.
Natigil kami sa pagkukwentuhan nung may nagdoor bell. Napatingin kami sa isa’t isa. “May inaasahan ka bang bisita?” tanong niya sa akin.
Umiling nalang ako at tumayo na at naramdaman kong tumayo din siya at sabay kaming nagpunta sa may pinto, binuksan ko only to see Paul waiting outside.
“Milady.” Pagbati niya sa akin tas nagulat ata siya kasi nga katabi ko si Daniel.
“Ah pasok Paul.” Sabi ko at pumasok na siya. Sinara ko na yung pinto.
Nauna siyang maglakad kasi nagpahuli kami ni Daniel, “Sino siya?” bulong ni Daniel
Tutal alam naman ni Daniel yung secret ko bakit pa ako magsisinungaling diba? I trust him with all my heart “Mommy’s assistant.” Sagot ko.
Nandito na kami sa living room “What brings you here Paul?” tanong ko.
Tumingin naman siya sa akin tas kay Daniel, tas akin ulit na para bang sinasabi na ayos lang bang sabihin habang andito si Daniel, siguro naman kilala niya si Daniel.
BINABASA MO ANG
Just a Spoonful of Love [Part One]
Fanfiction[KathNiel Fan Fiction] Paano nalang kung isang araw, your mom planned to fake your death upang hindi ka makasal, anong gagawin mo sa bago mong buhay? Magagawa mo na ba ang mga bagay na matagal mo ng gustong gawin ngayon wala ng hadlang sa mga pangar...