Chapter 2

626 18 7
                                    

"Nakakatakot talaga yung nangyari sa akin kahapon! Parang may trauma pa nga ako ngayon eh!" sabi ko sa bestfriend kong si Hae, yun ang tawag ko sa kanya. Ang totong pangalan niya kasi ay Harold Aaron Esquivel. Kita niyo na kung pano naging "Hae"?

"Mabuti naman at 'd ka sinaktan" sabi nya.

"Mabuti nga at may tumulong sa akin! Isang gwapong angel!" sabi ko. Kasabay ng trauma ko mula sa nangyari kahapon, 'di ko rin makalimutan ang mukha ni Angel. Ang gwapo kasi eh!

"Anghel? Lumipad galing sa langit? Siguro nag-iimagine ka lang.." sabi niya na parang 'di makapaniwala sa sinasabi ko.

"Hindi yung may pakpak at halo! Isang gwapong lalakeng lumigtas sa akin! Gwapo talaga" sabi ko.

"Sabi mo eh. Handa mo na yang bayad mo, ikaw na sunod oh!" nag-babayad kasi kami ngayon ng tuition fee. 4th year High School na kami ni Hae.

"ayy.. ang gwapo niya no?"

"oo nga. At ang bata pa ng mukha! Dito kaya yan papasok?" tanong nung isa.

"sana dito! Para madagdagan mga hearththrob dito sa school natin!" sagot nung isa.

Tiningnan ko yung tinutukoy nila. Ayy.. nakatalikod na. Pero may guitar case siyang dala. At lahat nakatingin lang sa kamya. 

Sayang, 'di ko nakita ang mukha! Gusto ko lang makita kung totoo nga ang sabi nila na gwapo.

Hay, ewan. Magbabayad na nga lang ako!

----

"Dars, punta lang ako ng CR" sabi i Hae kaya tumango ako.

Nandito ako sa gilid ng HS Building at tumatambay. Dito kasi kami madalas magtambay ni Hae dahil ang presko ng paligid.

"Oh?" may biglang nahulog sa ulo ko. Kinuha ko naman ito.

'Panyo?' isip ko. Tiningnan ko ang itaas ung san ito galing. Malay mo muulan na ng panyo ngayon! Haha joke lang.

"Miss!" may biglang sumigaw mula sa 2nd floor na bintana.

"Bakit?" tanong ko naman.

"Yung panyo! Akin yan!" sabi niya.

Ah.. mukhang nahulog niya.

"Sige! Dadalhin ko na lang jan!" sabi ko. Matulungin ako eh!

----

"Ito na.." sabay lahad ng panyo sa kanya.

"I love you" bigla niyang sabi.

Hala! Ano 'to? 

Tumingin ako sa likod ko kung may tao ba. Baka sila yung sinasabihan nitong lalakeng 'to at hindi ako. Feeler din ako no!

Pero..kami lang ang tao dito sa corridor.

"A-anong sabi mo?" siguro namali lang ako ng rinig!

"Sabi ko, I love you. Mahal kita."

WHAT?!

"Ako nga pala si Chanyeol Park. Pwede ka bang maging girlfriend?"

EH?! GIRLFRIEND?!

----

A/N: may mga susunod pa pong chapters :)

GD Geum po sa multimedia ^_^

The Courting GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon