Chapter 13

200 7 3
                                    

"Tara, nood tayo ng Cine" biglang sabi ni Chanyeol pagkatapos naming kumain.

"H-Ha? Wag na no! Iuwi mo na lnag ako" pagtanggi ko. Akala ko kakain lang kami dito?

"Marami pa naman tayong free time diba? Sige na.. Isa lang. Then iuuwi na kita" sabi ni Chanyeol na may ngiti pa. Hindi mo ko malilinlang ng ngiti mo ngayon! Kailangan ko ng pahinga!

"A--" 

"Please?!?!" then lumuhod siya sa harapan ko.

HALA! Ano ba 'tong ginagawa niya! Kahiya! Ang daming taong nanonood!

"Please?" matching pa-cute pa i Chanyeol, pero cute nga naman talaga..

"Sagutin mo na miss! Nagmamakaawa na oh!" may bigla akong narinig sa mga tao. HALA! Pati mga tao, kumakampi na sa kanya.

"Gwapo oh! Sayang naman kung tatanggihan mo! Sige na! Sagutin mo na!" sabi pa nung isa. Tapos lahat na sila pinipilit akong sagutin siya.. 

"Fine! Suko na ako. Sasama na ako sayo.." 

"Yes!" si Chanyeol kasama ng mga tao.

"PERO iuuwi mo na ako pagkatapos na pagkatapos nito, okay?" dagdag ko kay Chanyeol.

"Yes ma'am!" sagot niya sabay salute.

Hayy.. 'tong batang 'to talaga.

----

"Sorry po pero bawal ang school uniform sa loob." sabi nung guard sa entrance ng movie theater. Naka-uniform nga pala kami..

"Uwi na nga lang tayo. Tingnan mo h, tadhana na ang pumipigil sa atin.." sabi ko kay Chanyeol.

"Hindi! Malalabanan natin 'to! Sumama ka sa akin." then hinila niya ako papunta sa mga botique.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.

"Bibili ng damit. Bawal diba ang school uniform?" sabi ni Chanyeol then yung ngiti.

"Ha? Wag na! Aksaya lang ng pera. Uwi na lang tayo." sabi ko.

"Ano ba Dara, libre ko 'to no!" sabi ni Chanyeol. So okay lang sa kanyang mag-aksaya ng pera? Mayaman eh!

"Hindi na talaga kai--" 

"Gusto mo bang lumuhod ulit ako?" biglang tanong niya. Uulitin niya yung ginawa niya kanina?!

"H-ha?! W-wag! Pipili na nga ako diba?" sabi ko. Ayokong maexperience yun ulit! Grabe, nakakahiya talaga!

"Hehehe.. Yun naman pala eh!" at pumili na rin siya sa mmen's wear.

'Ang mamahal naman nito..' isip ko.

"Dara, pili ka lang ng kahit anong gusto mo ha? Wag kang mahiya" sabi niya sabay kindat.

"Oo na po!" sabi ko. Pipilitin at pipilitin lang ako nito kung tatanggi ako.

----

"Wow! Bagay na bagay sayo Dara!" sabi niya.

"Hay, ewan ko sayo Chanyeol!" bagay din naman sa kanya ang napili niya.. Gwapo niya lang.

"Tara na sa cinehan.." alok niya.

"Okay, pero teka nga, anong papanoorin natin?" tanong ko.

"Malalaman mo lang pag nagsimula na.." sabi niya na may smirk sa mukha.

Baka naman porn ito? Magpapalabas ba ng porn ang mall? May iba kasi sa pagkasabi ni Chanyeol eh.. May smirk pa sa mukha! Ano kayang ibig sabihin nun?

Chanyeol's POV

Gusto niyo bang malaman kung anong papanoorin namin?

Hindi siya porn ha?! SIguro inosente pa ang mga mata nitong si Dra kaya hidni ko siyia papanoorin nun! Promise!

Ang papanoorin namin ngayon ay.. HORROR!

Hehe.. para ma-chansingan ko siya ;) Pero with good intentions din naman! Malay mo, sa sobrang takot ni Dara, yumakap lang siya sa akin sa buong movie! Edi kahit once, nakayakap ko siya! HIHIHI

"Chanyeol! Ano ba 'to?! Bakit horror?!" reklamo sa akin ni Dara. Inexpect ko na 'to kaya naghanda ako ng excuse! Boy scout ata 'to!

"Ha? Kala ko gusto mo ng Horror? Sabi sa akin ng classmate ko.." palusot ko.

"Sabi ng classmate mo? Sino yun ha?" tanong niya. Hala! Wala naman talagang nagsabi sa akin eh! Kahit sino na lang!

"Si Suho! Siya nagsabi sa akin!" sorry Suho. Sana mapatawad mo ako.

"Aish! Malilintikan talaga sa akin yang Suho na yan!" bulong ni Dara sa sarili niya. Patay ka talaga Suho!

"Chanyeol, wag na lang natin 'tong panoorin please?" sabi sa akin ni Dara.

"Ha? Nandito na tayo sa loob oh! Magsisimula na rin ang palabas! Panoorin na lang natin.." sabi ko. Masisira ang plinano ko kung aalis lang kami. Actually, plinano ko na 'to from the start. Yung pag-merienda, pagpalit ng damit, hanggang dito.. Talino ko lang no?!

"P-pero.."

"Sayang naman itong lahat kung aalis lang tayo Dara.." pangonginsyensya ko. Pasensya na talaga dara pero once in a lifetime opportunity ko ito! Pumayag ka na lang please?!

"S-Sige na nga.. Pero wag kang umalis sa tabi ko ha?! Ayoko talaga ng mga horror movies.." paki-usap niya sa akin.

"Nandito lang ako palagi sa tabi mo.." paninigurado ko sa kanya. 

"Promise." dadag ko.

Dara's POV

Patay ako nito.. ayoko talaga ng horror! Madali akong magulat! 

At bawal akong magulat.

Nakayakap lang ako sa braso ni Chanyeol at nakapikit. I somehow feel secured and safe sa piling niya. Nag-promise din naman siya sa akin eh.. Pinaniwalaan ko rin siya.

"Dara! Dara! Tingnan mo yung multo, nakakatawa!" sabi ni Chanyeol. Nakakatawa? Panong naging nakakatawa? 

Tiningnan ko naman ito. At ang scene na nadatnan ko ay yung multo ay biglang sumulpot sa likod nung babae.

"KYAAAAAAAH!" rinig ko ang hiyawan sa loob ng cinehan at sabay nito ang pagkirot ng dibdib ko.

"C-Chanyeol.. Chanyeol.. T-tulong.." sabi ko. Nahihirapan na akong huminga.

"D-Dara? Bakit? Anong nangyayari?" tanong sa akin ni Chanyeol.

Sasagot pa sana ako nang biglang nandilim ang paligid ko at nawalan ako ng malay.

----

A/N: Ito muna po sa ngayon. Kung gusto niyo pong magpa-dedicate, sabihin niyo lang po sa akin ^-^v 'di po ako nangangain.. nangangagat lang! HAHA joke lang po :DD

The Courting GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon