Chapter 11

229 8 1
                                    

A/N: Nasa unahan ngayon ang author's note XD bago ko kasi ito sinulat, yung kaibigan ko, may fave OTP siya mula sa characters na ginamit ko rito.. Sabi niya gusto niyang sila magkatuluyan.. Sa tingin niyo, anong OTP ang masusunod? ChanDara, DaraGon, o DaraHae? Hehe.. malalaman niyo lang rin yan ;))

Dedicated ito sa kaibigan ko na adik.. XD

----

"Hi Steff. Ako nga pala si Dara, ka-batch mo" sabi ko habang inilahad sa kanya ang kamay ko. Kinuha niya naman ito at nakipag-shake hands.

"Ahh.. nice meeting you" sabi niya.

"Harold, alis na ako.. Sige Dara." dagdag pa niya at umalis na.

"Close na kayo?" tanong ko kay Hae.

"Close naman ako sa lahat ah!" sagot ni Hae.

"Weh? Sige nga, close na ba kayo ni Chanyeol?" tanong ko kasi lumapit na rin si Chanyeol sa amin kasama si Sulli.

"Oo naman! Diba PARE?" sabi ni Hae na lumapit kay Chanyeol na akmang aakbayan siya. Natawa naman ako. Nakisama rin si Sulli sa pagtawa ko... Alam niyo kung bakit?

"Dars..." sabi ni Hae na minata ako at lumayo na kay Chanyeol. Alam niya siguro kung bakit kami tumatawa. Pati na rin si Chanyeol!

"B-B-Bakit? HAHAHAHAHAHA" ang hirap magsalita pag tumatawa ka!

"Tumigil na nga kayo! Nasa gitna tayo ng corridor oh!" sabi ni Hae na nagb-blush na! HAHAHA!

Okay, sasabihin ko na kung bakit kami tumatawa..

Hanggang balikat lang ni Chanyeol si Hae.. HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! At 'di niya maabot si Chanyeol! HAHAHAHAHAHAHA! 

Pahiya kang bata ka!!!

"Hahaha! Grabe Hae! Mag-cherifer ka kaya?" sabi ko. 

"Hoy! Mas matangkad ako sayo no, baka ikaw mas may kailangan nun!" pagmamaktol niya na parang bata. Parehas talaga yung ugali niya sa height niya.. PARANG BATA! HAHAHA!

"Hahaha grabe Hae! Napatawa mo ta-- Aray!" may bumangga kasi sa akin at nahulog ang bag ko. Sakit nun ah! Parang sinadya talaga!

"Sorry.." sabi naman nung bumangga sa akin.

"Ay! Ikaw pala Ang-- GD! I mean, Gabriell Denn!" si Angel pala.. Gabriell Denn, masasanay ako dito!

"Stop the Gabriell Denn thing! Sinabi ko nang GD" sabi niya habang tinutulungan akong kunin ang mga gamit ko nanagkalat. Nahulog nga yung bag ko diba..

"Hehe.. Yun sinabi mo sa klase eh. Pati yung mga classmates natin tinatawag ka na ring--"

"Ba't ka may dalang pain-reliever? May masakit ba sayo?" tanong ni Gabriell habang pinapakita ang pain-reliever ko.

"H-Ha? Uhh.. Ano kasi, sumasakit bigla ulo ko the past few days. Pero 'di na masyado ngayon. Dinadala ko yan just in case" sabi ko habang kinukuha sa kanya yung pain-reliever at tinatago sa bag.

"Sigurado kang okay ka?" tanong ni Hae.

"Oo naman!" sagot ko sa kanya.

"Dara! Pag may masakit sayo, tawagan mo lang ako ha? Darating ako agad! Promise!" sabi ni Chanyeol. Ngumiti ako pabalik.

"Yeol!! Ang sakit ng ulo ko! P-Pwede mo ba akong idala sa clinic?" singit ni Sulli.

"Humingi ka ng pain-reliever kay Dara oh!" sabi ni Chanyeol.

"Hay! Whatever Yeol!" sabi na lang ni Sulli.

Ang cute lang nila.. Ba't ba ayaw ni Chanyeol kay Sulli? Dahil ba sa mahal niya ako o dahil may iba pang dahilan?

----

In the end, sabay kong kumain sina Hae, GD (sabi nya na magagalit na siya pagtinawag ko pa siyang Gabriell Denn), Chanyeol, at Sulli. Ingay lang namin! Ang topic lang namin ay yung height ni Hae! HAHAHAHA!

Mas gumrabe ang tawa ko ngayon kasi pati si GD, binabara na rin ng pasimple si Hae! Kawawa naman si Hae.. PERO OKAY LANG! HAHAHA!

"Tapos yung aakbayan na niyia sana ako, 'di niya ako maabot! HAHAHA!" sabi ni Chanyeol.

Tatawa na sana ako nang may naramdaman nanaman akong sakit sa dibdib. Dali-dali kong hinanap ang pain-reliever sa bag ko at ininom ito.

"Oh Dars, ba't ka umiinom ng gamot? Masakit ba ulo mo?" tanong ni Hae.

"Haha.. O-Oo eh.. Grabe lang tawa ko sa inyo! Haha!" pinilit kong umaktong normal.

"Ayan kasi eh! Tigilan niyo na kasi ako! Sumasakit tuloy ulo ni Dars!" sabi ni Hae.

"Haha! Wag niyo kong alalahin! Barahin niyo pa si Hae! Okay lang ako! HAHAHA!" nawala na yung sakit sa dibdib ko. 

Ano ba kasing meron dito? 

Bigla akong napatingin sa harap ko, which is GD.. Iba ang tingin niya sa akin. Parang galit na ewan? Ba't naman siya magagalit? Wala naman akong ginagawa sa kanya!

Iniwas na lang niya ang tingin niya sa akin at maya-maya ay umalis na.

Anong nangyari dun?

The Courting GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon