Chapter 22

307 5 3
                                    

Dara's POV

"Iho, thank you talaga sa pag-alaga dito sa makulit kong anak ha?" pasalamat ni Mama.

"It's fine tita.." CHOS! Kung maka-tita, mukhang close na sila ah.. "I don't mind but I really can tell that your daughter is cute" sabi ni GD.

Uminit bigla ang paligid.. Naka-aircon naman 'tong sala namin diba? May aircon naman dito diba? Ba't uminit.

"Anak! Cute ka raw sabi ni Denny!" sabi ni Mama sa akin. DENNY? At san naman galing yang 'Denny' na yan?

"At san naman galing yang 'Denny', Ma?" tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang siyang tawaging Denny! Pake mo ba sa akin anak?" sabat ni Mama.

"Nakakahiya kaya Ma.." bulong ko sa kanya.

"Anong nakakahiya?! Wala namang nakakahiya, diba Denny?" tanong ni Mama kay GD.

"Wala naman.." sagot naman ni GD. ALam ko, napilitan lang yan maki-ride kay Mama. 'DI ko na isasama si GD dito! Kawawa naman siya kay Mama.

"Ah.. Tita, can I ask you a favor?" tanong ni GD.

Ito na siguro 'to..

"Ano yun iho?" sabi ni Mama na may malaking ngiti sa mga labi. Hayy.. basta gwapo. ANg landi naman ni Mama! 

HAHA!! Syempre joke lang yun ano! Kay Papa lang siya pwedeng lumandi!

"Can Dara go with me to Korea?" tanong ni GD. Ito na!!

Ano kayang isasagot ni Mama? 

"..." 

"Sure." sabi ni Mama.

'Hayy salamat naman! Thank you Lord at pumayag si Mama! 2NE1, here I come!' isip ko.

"Anak, goodluck! Pabati naman ako kay G-Dragon ha? Ay! Iuwi mo na lang pala dito!" sabi ni Mama.

"Ma naman! Ayan ka nanaman kay GD!" sabat ko. Kabit daw ni Mama si GD. 

"Sige, autograph na alng tapos ipa-kiss mo siya dun, okay na yun pang pasalubong." sabi ni Mama.

"Sure tita.." sabi ni GD. Nakiki-ride nanaman.

Siguro mabilis na nagustuhan ni Mama itong si GD dahil may hawig siya ni G-Dragon. Pati yung angas na naf-feel ko kay G-Dragon, meron din kay GD. 

Tama pala, magkaibigan sila. Nakalimutan ko pa yun.

"Kailan ba alis niyo?" tanong ni Mama.

"Tomorrow evening." sagot ni GD.

"...eh?" sabi ni Mama.

"B-Bukas na Ma.." pag-uulit ko.

'Patay.. Sana pumayag parin si Mama..' dasal ko.

"Bukas na? Ang bilis naman yata?" sabi ni Mama.

"She's so eager to go there so she insisted that we take off tomorrow, tita" sabi ni GD habang tinuturo sa akin.

'ANONG AKO?? IKAW KAYA NAG-SET NG DATE!! UMALMA PA NGA AKO NUN PERO TINAWAGAN MO NAMAN SI DARA KAYA 'DI NA AKO NAKAPALAG!! WALANGHIYAAAA!!' isip ko.

"Alam mo namang exam week niyo na diba?" tanong ni Mama.

"Oo pe--"

"Tita, someone wants to talk to you.." sabi ni GD habang binibigay ang cellphone niya kay Mama.

Ano nanaman ba ang pakulo nito?

"Sus maryosep! Denny.. s-siya ba talaga 'to?!" tanong ni Mama habang nilalayo ang cellphone. Parang gulat na gulat ata 'tong si Mama ah?

Tumango naman si GD bilang tugon sa tanong ni Mama. Bumalik si Mama sa cellphone at pulang-pula na siya.

"H-Huy GD, anong ginawa mo? SIno ba yung kausap ni Mama?" tanong ko sa kanya.

"Just an old friend.." sabi ni GD.

"May pa-old friend old friend ka pa jan! Sino nga yun?" tanong ko. Tiningnan ko si Mama at kung kanina, pulang-pula siya, parang putlang-putla na. Mamamatay na ba si Mama?

"Huy GD! Tingnan mo nga si Mama! ANg putla na niya! Sino ba kasi yun?"

"HAHAHA your reactions are just same! Ganyan ka rin kanina! HAHAHA" sabi ni GD.

"Kanina?" 

"Yes, when you were talking 'to Sandy.. HAHAHA" sabi ni GD.

"Sandy.. Sand--" 

"She's talking 'to G-Drago--"

"MA! AKO NANAMAN! PAKAUSAP PO! PLEEAASE!" sabi ko kay Mama.

"Shush! Manahimik ka! Ako ang pakay kaya maghunos-dili ka jan!" sabi ni Mama at bumalik sa tawag.

"GD, pakausap din ako!!" sabi ko kay GD.

"You can talk to him personally if your mother would let you go with me.." sabi niya.

Tama! Dapat mapapayag namin si Mama! 

Teka nga muna, yan din ginawa ni GD sa akin para mapapayag ako ah.. So, papayag na rin si Mama? 

Sana pumayag! Parehas pa naman kami ng takbo ng utak!

"Ehem" binalik na ni Mama ang cellphone kay GD.

"Salamat GD" sabi ni Mama.

"So Ma.. Payag ka na ba?" tanong ko.

"Alam mo bang sinabi sa akin ni GD na gusto ka niyang papuntahin sa Korea?" sabi ni Mama.

"Uhh.." 

"Alam mo bang pinipilit niya sa akin na papuntahin ka dun kasama si Denny?" sabi ulit ni Mama.

"Oo?"

"Alam mo bang sabi niya na gusto niya rin ako makita next time?" sabi ni Mama.

"Yea..?"

"Alam mo bang kinausap ako ng kabit ko? Alam mo bang alam niya na nabubuhay ako?" sabi ni Mama na parang may kumikinang na sa mga mata niya.

'Eto na.. papayag na'to! Kabit na niya ang kumausap sa kanya! Imposibleng 'di aayaw 'to!' isip ko.

"So payag ka na Ma?" tanong ko.

"Hindi."

"What?! Why?" tanong ni GD.

"Kasi alam mo GD, ngayon pa lang kita nakilala. Alam kong mabuti kang tao pero 'di ko kayang pabayaan ang anak ko sa minsan ko pa lang nakilala. Pasensya na talaga GD pero 'di ako payag na ikaw lang ang kasama ng only child ko." sabi ni Mama.

"I understa--"

"SASAMA PO SA AMIN SI HAE!" bigla kong sabi. Nakalimutan ko nga palang sabihin kay GD na sasama si Hae!

"What?!" GD "TALAGA?" Mama.

"Uhh.. Oo eh. Sasama siya sa amin ni GD papuntang Korea." sabi ko.

"Yun naman pala eh.. Kasama naman pala si Hae. Sige, payag na ako" sbai ni Mama.

"Yessss!!" sabi ko.

Pupunta na talaga ako ng Korea!!!!

----

A/N: Swerte lang ng Mama ni Dara ano? Nakausap si GD!! Sana ako rin >___< haha! posible ba yun? Mainggit sa sariling character?! Adik lang po talaga si author kaya pagbigyan na po HOHOHOHO

Ano po tingin niyo sa chappie na 'to? Excited na ba kayo sa part na pupunta na sila ng Korea? O kung makakapunta ba sila? HAHAHA abanga po! sinusubukan ko po talagang mag-UD ng mag-UD pero napapalapit na po tests namin.. actually, next week na siya XDD so baka 'di ako maka-UD next. 

YUN LANG PO ANG BILIN NI AUTHOR PARA SA CHAPPIE NA ITO, SOLOMOT PO!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Courting GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon