Chapter 21

167 4 1
                                    

Dara's POV

Naging tahimik na pagkatapos nung "agresive" moment na nangyari. Mas naging concious na ako. 'DI na rin naman kumikibo 'tong kasama ko.

*Gulp!*

Napa-ayos ako bigla ng upo.

Patay! Ito ang ikinatatakot ko..

'Ba't pa kasi ngayon?' isip ko.

"What's wrong?" mukhang nakahalata na si GD sa biglaang paggalaw ko.

"Ahehehe.. w-wala naman" sabi ko at nag-cross legs.

'Pigilan mo!' isip ko.

"You sure?" paninigurado niya.

"O-Of course" sabi ko.

'Konting tiis na lang Dars!' isip ko.

"Kailan pa ba mapapansin ni Manong Guard na nandito pa tayo?" tanong ko. Feeling ko, nasa may exit na eh..

"Dunno. Maybe the dumb guard is sleeping again.."  sabi niya.

"S-Sleeping?!" bigla kong sabi. Hanggang kelan ko ba 'to kailangang pigilan?!

"Yes, I oftenly see him sleeping.." sabi niya.

'Patay talaga ako nito..' isip ko at diniinan pa ang pag-cross legs.

"Uhh.. GD, p-pwede bang patayin yung aircon? Malamig na kasi eh.." sabi ko.

'Sana kumagat ka!! Please! Maawa ka sa akin!' isip ko.

"Then it would be hot later.." sabi niya.

"Ah.. mamaya pa naman eh! Kahit sandali lang, patayin muna natin.." pakiusap ko.

Nauubos powers ko sayo! Pumayag ka na kasi! Konting galaw ko lang, lalabas na talaga!

"Here.." inabot niya ang jacket niya.

'Hindi yan ang kailangan ko!!' isip ko.

"O? Ayaw mo nang tanggapin ngayon? Take it, I know you're feeling cold" sabi niya at isimuot ang jacket sa mga balikat ko.

'No, you don't know!!' isip ko.

"HAAAY!! SIGE NA NGA!! SASABIHIN KO NA!! 'DI NA AKO MAKAPAGTIIS!!" bulyaw ko. 'Di ko na mapigilan! Mapapahiya ako lalo kung 'di ko pa 'to sasabihin!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA FINALLY! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" bigla naman siyang tumawa.

Baliw na ata 'to. Finally daw?

"Huh?" tanong ko.

"HAHAHA you know what? You're really funny. You should've told me from the first place. Hindi yung pasimple ka pa jan.." sabi niya.

"Huh?" tanong ko ulit.

"You should've told me directly that you wanted to pee. Hindi yung nagpipigil ka jan.." sabi niya.

Bigla kong naramdaman na uminit ang paligid ULIT. Kahit ang lamig na dito, uminit parin.

"Now look at your face.. HAHAHAHAHAHA!" sabi niya.

Alam ko. Alam ko na pula ulit ito. Alam na alam ko.

"O-Oo na.." sabi ko.

"Aish.. gwiyeopta.." sabi niya at pumunta sa tapat ng pinto.

Ano raw? Gayuma? Parang hindi eh.. Malayo diba?

*boogsh*

"Let's go" sabi niya at lumabas.

'S-seryoso?' isip ko.

"What are you waiting for? C'mon.." sabi niya at hinila ako palaba ng pinto. SInira niya lang naman ito.

"P-Pan--"

"Don't worry about it." sabi niya.

Okay.. Mayaman eh. Madaling mapalitan ang mga bagay na nasira nila..

"Kaya mo naman pala yung gawin, ba't 'di mo pa ginawa kanina?" tanong ko.

"H-Huh? Uhh.. W-We're already here. Now go do your bussiness." sabi niya at tinulak ako paloob.

O-Okay..

----

"N-Nako, pasensya na po. 'Di ko po kasi namalayan eh.." paliwanag ni Manong Guard sa amin.

"Didn't notice? Tch!" rinig kong bulong ni GD sa sarili kaya siniko ko. Nakakahiya naman kay Manong kung maririnig niya yun. Pero tama nga rin naman si GD...

'ALAM MO BANG NAPAKARAMING KAHIHIYAN ANG NANGYARI SA AKIN DAHIL NAKULONG KAMI DUN, MANONG HA? ALAM MO BA ANG FEELING NUN? NARANASAN MO NA BA ANG NARANASAN KO DUN? HA? 'DI MO AKO MAIINTINDIHAN! TAPOS SASABIHAN MO LANG KAMI NA 'DI MO NA NAPANSIN HA????' isip ko. Syempre sa isip lang. 'DI ko kayang sabihin yun kay Manong ano.

"O sige po, Manong. Mauna na po kami." sabi ko.

"Continue your sweet slumber, lazybum!" dagdag na bulong ni GD at kaya siniko ko ulit.

"HEHE sige po Manong, goodnight." paalam ko.

----

"Sige GD, una na ako. Kalimutan mo na lahat ng nangyari ngayong ha? N-Nakakahiya ka-kasi eh.." sabi ko.

"HAHA.. It's part of an amazing experience.. So why would I even forget it?" sabi niya.

"Ehhh kasi naman!!" sabi ko.

"HAHA I'll just promise that I'll keep it to myself." sabi niya.

"Sige, yun na lang." sabi ko.

"Magt-taxi na alng ako. Sige, bye.." sabi ko pero kinuha niya ang kamay ko at hinila sa kung saan man.

Sa parking lot pala ng school.

"Wala namang taxi dito ah.." sabi ko.

"Ihahatid kita sa inyo. Who would explain to your mother why you arrived home late? Baka hindi ka pa payagan papuntang Korea.." sabi niya. Tama nga naman.

"I insist." dagdag pa niya.

Insist na raw. Aayaw pa ba ako?

"Okay.." at sabay naming binuksan ang front and back seat. Ako sa pintong nasa likod at siya naman sa harapan.

"Don't tell me you're planning to seat there at the back?" tanong niya.

"Yun na nga eh.." sagot ko.

"Wha--? You're making me your personal driver if you're doing that" sabi niya.

"Sabi ko nga sa harapan ako uupo!" sabi ko at pumasok sa harapan. 

-----

"Ang saya naman!" sabi ni Mama.

"Anong masaya dun? Nakulong po kami!" sabi ko.

"Masaya nga! Parang Survivor Philippines lang ang peg anak!" sabi ni Mama.

"Hayy yan ka nanaman sa TV Shows mo Ma.." sabi ko.

"Mabuti naman at nabuhay pa kayo, iho.." sabi ni Mama kay GD.

"Gladly we survived.." sabi ni GD.

"Ay!! Gusto na kita! Nakiki-join sa akin! Kesa dito sa anak ko.. Napaka-kontrabida ng trip!" sbai ni Mama.

"Whatever Ma!" sabi ko na lang at ang pinansin na lang ni Mama ay si GD. Ako po ang anak dito!

Pero mabuti at 'di galit 'tong si Mama. Tama nga at sinama ko si GD dito para naman ma-divert ang pagsermon ni Mama. Pogi eh.. Basta si Mama na bahala jan!

Kilala na rin kasi siya ni Mama. Siya nga diba nagligtas sa akin mula sa manyakis? Nainlove na ata 'tong si Mama sa bata..

Hayy.. Mama ko talaga.

----

A/N: ATLAAAAAAST!! Nakapag-UD na rin haha! Na-miss ko po kayo ^O^v Pero request ko lang po.. paramdam kayo pleaaaaase!! para naman po maganahan ako sa pag-UD!! makita ko lang po na may umaabang nitong story ko.. hehe. Kahit isang tuldok!! pwede na!! hehe.. sbaihin niyo po kung ano nasa isip niyo :)) i'm always free ;))

The Courting GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon