Chapter 14

189 6 2
                                    

Chanyeol's POV

"Dara! Dara! A-Anong nangyayari sayo?!" kahit nagugulo ko na ang mga tao sa loob ng cinehan, wala akong pakialam. May nangyayaring masama kay Dara at hindi ko alam kung anong gagawin..

"Dara!" bigla kasi siyang nawalan ng malay at ito ang lalong ikinaba ko.

"Dalhin na natin siya sa ospital!" may biglang nagsabi mula sa likod ko.

"H-Hyung?" 

"Bilis!" sabi niya.

Kukunin ko na sana si Dara nang inunahan niya ako.

Naiinis ako.. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Dara. Hindi ako nakakilos agad. Hindi ako nakaisip ng gagawin..

At hindi ako ang bumuhat sa kanya ng ganun.

Dara's POV

"Dara!" rinig ko pagkagising ko. Grabe naman! Kakagising lang, ito na agad ang bumungad.

"Manahimik ka nga! Kakagising lang nung tao oh!" may narinig pa ako.

"Chanyeol, Hae? Ba't kayo nandito?" tanong ko.

"Mabuti naman at nagising ka na, Dars.." sabi ni Hae.

"Oo nga! Halos mamatay na ako sa pagaalala sayo." sabi naman ni Chanyeol.

"Grabe ka naman Chanyeol! HAHAHA!" sabi ko.

"Atleast napatawa kita.. At totoo naman yun eh.." sabi niya.

"Oo na! Tama na! Nag-alala tayong lahat." sabat ni Hae.

"Pakinggan na nga lang natin si Pandak" sabi ni Chanyeol. Magsisimula nanaman..

"Hoy! Anong pandak ha?" sabat ni Hae.

"Hindi mo alam ang meaning ng pandak? pabo.. Kinulang sa height! Yun yon!" sabi ni Chanyeol.

[A/N: "pabo" is "stupid" in Korean]

"Ikaw'ng bata ka!" susugurin na sana ni Hae si Chanyeol ng bumukas ang pinto.

"Mama!" sabi ko.

"Gising ka na pala Dara.." sabi niya.

"Ah, tita.. pwede bang malaman kung ano ang nangyari kay Dara?" tanong ni Chanyeol.

"H-Ha? Ahh.. Napagod lang daw siya kaya nahimatay siya.. Hindi rin daw siya healthy.." sabi ni Mama. Patay. Mawawalan na ako ng access sa chocolate, candies, chips... GOODBYE!!!

"Ahh.. Yun lang po ba?" tanong ni Hae.

"Oo, yun lang daw eh. Pwede nang makalabas si Dara bukas ng umaga" sabi ni Mama.

"Rinig mo yun Dara? Dapat alagaan mo na ang sarili mo. Dapat 'di ka na kumain ng mga junk. Dapat healthy lang!" sabi sa akin ni Chanyeol.

"Tss. Opo!" sabi ko na lang.

"Ako na bahala sa lunch mo ha? I'll make sure na healthy yun!" dagdag pa niya.

"Ha? Wag na!" sabi ko. 

"Hindi! Sasarapan ko naman eh! Galing ko kayang chef.. Wala kang malalasahan na gulay pag kinain mo ang niluto ko.." sabi niya sabay kindat.

"Ba't may kasama pang kindat ha?" tanong ni Hae.

"Wala lang. Bawal ba?" tanong naman ni Chanyeol. Ba't ba palagi na lang sila nag-aaway?

"Sige na mga iho.. umuwi muna kayo. Sihuradong pagod na kayo. Ako na bahal kay Dara" sabi ni Mama.

"Okay po tita" sagot naman nila.

"Bye Dars, pagaling ka" pahabol ni Hae.

"I love you!!" pahabol din ni Chanyeol kaya binatukan siya ni Hae.

"Hindi panahaon ngayon ng paglalandi!" sabi ni Hae at umalis na sila.

"Ang bait ng batang yun.." sabi ni Mama.

"Huh? Sino po?" tanong ko.

"Si Chanyeol. Sinabi niya sa akin na nililigawan ka niya. Ikaw ha, wala kang sabi-sabi sa akin!" sabi ni Mama.

"Ma naman!" at nag-blush ako. 'DI ko nga alam kung bakit.

"Hayy.. dalaga na talaga ang anak ko. Marami ka pang kailangang gawin sa buhay.. Magpakatatag ka lang ha?" sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko.

"Uhh..Okay po.." sabi ko na lang.

"Wag mong iiwan si mama kahit may asawa ka na ha?" sabi ni mama.

"Ma naman, magagawa ko ba yun sayo?" tanong ko. Mahal na mahal ko ang mama ko!

"hehehe.. Ikaw talaga.Sige, magpahinga ka na muna.." sabi ni Mama.

"Okay po." sabi ko pero bago ko pinikit ang mga mata ko.. may pahabol pa ako.

"i love you, Ma" sabi ko.

Hinding-hindi kita iiwan ma..

Teka.. parang may nakita ako kanina ah! 

Binukas ko ang mga mata ko at tumingin sa may door. May transparent na window kasi doon.

Pagkatingin ko dun, biglang may umalis na tao.. Sino naman kaya ang sisilip sa kwarto ko? 

S-Siguro kidnapper?? Yung kidnapper dati??

Sana wag naman..

----

A/N: Sa Monday na pasukan namin ^O^ Ito na po ang schedule ko sa pag-UD, every other day po :) sana po maintindihan niyo..

The Courting GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon