Chapter 12

240 7 1
                                    

Hindi na bumalik si Angel simula nung umalis siya. Mabuti na nga lang at pinagbigyan ni Teacher dahil new student pa raw.

Ano kayang nangyari dun? Nung tiningnan niya ako kanina, parang iba kasi eh.. Dahil ba sa akin kaya umalis siya?

"Ayoko ngang pumunta! Kanina ko pa yan sinasabi sa inyo na ayaw ko! May gagawin ako!" at binaba ni Hae ang tawag. 

"May problema ba? May pupuntahan ka?" tanong ko.

"Tss. Wala yun!"

~Swing Never Never Give Up~

Tumutunog nanaman ang cellphone ni Hae. BTW, ako pumili niyan! Diba sabi ko na kamukha niya yung dun sa Super Junior na si Donghae? Hehe sa Super Junior M yang kanta eh, Swing. Pinilit ko talaga siya na i-ringtone yan HAHAHA!

"A-YO-KO! AYOKO! Kasama ko si Dara! 'Di ko siya kayang iwan!" sabi niya at binaba ulit ang tawag. Hala! 'Di niya ako kayang iwan? EH, kaya ko naman sarili ko ah!

"Huy Hae! Anong 'di mo ko kayang iwan?" tanong ko sa kanya.

"Diba ihahatid pa kita sa bahay niyo?" tanong ni Hae.

"Aish! Yun lang pala! Wag mo na akong ihatid! Kaya ko na ang sarili ko! Alam ko naman siguro kung san ako nakatira ano?" sabi ko sa kanya.

"Ha? Pano kung dumating ulit yung manyakis na sabi mo?" tanong niya.

"Hindi yun! 'Di pa naman madilim eh.. Marami pang tao. Kaya ko na. At isa pa, parang importante yung tumatawag sa iyo eh.." sabi ko.

"Hindi! Sasamahan kita papunta sa bahay mo. Para maka-siguro ako na ligtas ka. Ihahatid ki--" 

"DARA!" may biglang tumawag sa akin mula sa likod.

"Oh Chanyeol, kailangan talagang sumigaw?" tanong ko. Kahiya lang! ANg lakas kaya ng boses ng lalaking 'to. Ang lalim pa talaga!

"Ahehe.. pasensya na! Dapat kasi ako mauna dun sa classroom mo para makasabay kita pero nauna ka na raw. Mabuti nga at 'di ka pa nakakaalis ng school. Tara! Hatid na kita sa bahay mo" sabi ni Chanyeol.

"Rinig mo yun Hae? Ihahatid daw ako ni Chanyeol. Kaya 'di mo na kailangang samahan ako. Pumunta ka na kung san man yung pupuntahan mo." sabi ko kay Hae.

"Ako na bahala sa kanya PARE" sabi ni Chanyeol. HAHA! Naalala ko nanaman yung kanina! 

"Hay! Sige na nga! Ikaw na bahala ah? Pag may nangyaring masama sa kanya, malilintikan ka sa akin!" sabi ni Hae. Grabe naman 'to makabanta! Parang walang tiwala kay Chanyeol! Ang bait kaya ni Chanyeol.

"Parang hahayaan ko rin yun ano?" sagot ni Chanyeol.

"Tama na.. Ihahatid lang ako ni Chanyeol sa bahay namin. Pwede ka nang umalis Hae" sabi ko. Parang may namumuong tensyon sa pagitan nila eh or ako lang siguro yun?

Pero ito ang first time na hindi ko makakasabay si Hae. Minsan kasi pag may lakad siya, sinasama niya ako. Pero ngayon, mas feel ko sa bahay. Kailangan kong magpahinga..

"Sige Dars, Bye" sabi ni HAe at umalis na.

----

"Dara, gusto mong mag-merienda muna?" tanong ni Chanyeol. Nasa loob kami ngayon ng kotse niya. Hindi siya ang nagd-drive ha? May personal driver siya!

"Ha? W-wag na.. 'di naman ako nagugutom eh.." sabi ko. Pero sa totoo lang, gutom na rin ako. Magpapaluto na lang siguro ako pagkarating ko sa bahay.

"Sigurado ka? Ako kasi, gutom na.. Tara, kain tayo. Kahit konti lang. My treat" pag-aaya niya.

"Sige na nga.." sabi ko na lang. Parang may plano kasi talaga siyang mapasagot  ako.. SA PAG-MERIENDA.

----

McDo. Sa McDo kami kumain. Ang sarap lang!!

"Haha lakas mong kumain ah?" sabi sa akin ni Chanyeol. Ang fries ang target ko ngayon.

"Di naman gaano.." depensa ko.

"So gutom ka nga?" tanong ni Chanyeol. Patay! Buking ako..

"Hehehe.." yun na lnag naging sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Ang cuuuute mo talaga" at kinurot niya ang pisngi ko.

"C-Chanyeol! May laman pa bibig ko! T-Tama na!" sabi ko. Ang awkward lang din! Ang daming tao dito tapos gagawin niya yun!

"Haha! 'DI ko napigilan eh.. Ang ganda mo na, ang cute mo pa.. Lahat nasa'yo na.. Ako na lang ba ang kulang?" sabi ni Chanyeol at nabigla naman ako.

"Haha jooke!" bigla niyang sabi.

"Hay! Ewan ko sayo at sa mga jokes mo!" sabi ko na lang at tumungo. Feeling ko nagb-blush ako. Ang init ng mukha ko eh..

"Pero totoo pala.." bulong niya na rinig na rinig ko.

Hay Chanyeol.. Pinapahirapan mo naman ako eh.. Kailangan ko na nga siguro itong itapos bago lumala.

----

A/N: Pasensya na po kung hindi ako naka-UD kahapon!! Sorry po talaga!! TT^TT

The Courting GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon