Prologue

18.4K 387 5
                                    

Tapos na ang kontrata ko, magiging maayos na muli ang buhay ko. Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay ito sa maleta ko. Sa wakas ay makakaalis na ako sa impyernong ito.

Nagdiretso muna ako sa kwarto ni Marko. Ito na ang huli naming pagkikita kaya susulitin ko namatok ako sa pinto niya ng tatlong beses bago pumasok, hindi ko naman na kailangang hintayin ang sagot niya.

"Bakit dala mo ang maleta mo?" nakakunot niyang tanong sa akin.

"Sir, aalis na po ako. Salamat po dahil tinulungan niyo po ang kapatid ko." nagbow pa ako tapos ay hinintay ko ang sagot niya ngunit wala akong nakuha kaya inangat ko ang paningin ko, and there I saw a pair of alluring hazel brown eyes looking at me seriously.

Hindi kalaunan ay may nakita akong lungkot sa kaniyang mga mata. May bahagi sa dibdib ko ang kumirot ng makita ko iyon.

"Sir?"

"Sigurado ka na bang aalis ka na?" napalunok ako ng marinig ko ang malungkot niyang boses. Hindi ko alam pero nang dahil doon ay may nag-uudyok sa akin na huwag nalang umalis sa tabi niya.

"O-opo sir." nauutal kong sagot.

"Please don't leave me Irish." nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Ngayon lang ulit niya binanggit ang pangalan ko simula nung magbreak kami. Parang ang sarap pakinggan na banggitin niya ang pangalan ko.

"W-why sir?" tumayo siya at lumapit sa akin kaya napaatras ako hanggang wala na akong maatrasan kundi ang pader kaya napalunok ako.

"Hindi ko kakayanin." ipinulupot niya ang kaniyang mga braso sa akin at isiniksik ang kaniyang mukha sa leeg ko. Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga doon.

"Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka." nakaramdam ako ng basa sa leeg ko. I-is he crying?

"S-sir?" tawag ko ngunit wala akong natanggap na sagot. "A-aalis na po ako." parang may libo-libong tinik ang tumusok sa dibdib ko sa sarili kong mga salita. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin.

"As if I'll let you."

Then he took me that night, against my will.

---
author's note:
sana magustuhay niyo..hikhok

Playboy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon