Chapter 2

8.9K 265 4
                                    

Chapter 2:

Mahal mo parin ba ako

"Bakit nandito ka pa?"

After ng isang buwan ng paghihiwalay namin ay ito ang unang beses na kinausap niya ako.

"May tinatapos lang." napatingin siya sa table ko. Naglakad siya papalapit sa kinaroroonan ko kaya bumilis ang kabog ng dibdib ko. Feeling his pesence next to me makes me shiver.

"Bakit ikaw mag-isa ang gumagawa niyan? May mga kaklase ka naman diba?" seryoso niyang tanong. Nag-iwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Kailangan ko itong tapusin bago mag-alas otso."

Nagulat ako nang bigla niyang itaas kaunti ang palda ko ngunit mas lalo akong nagulat nang makitang may sugat pala ako doon na kanina pa nagdudugo.

"Bakit may sugat ka?!" mataas ang boses niyang tanong saakin.

"W-wala lang to, malayo sa bituka."

"No! Sumama ka sakin." hinawakan niya ako sa braso para sana patayuin ngunit pinigilan ko siya.

"Hayaan mo na ako. May kailangan pa akong tapusin." angal ko. Mas importante ito.

"Gabi na. Madilim na sa kalsada. Bukas mo na ipass yan." hihilain niya na sana ulit ako ngunit pinigilan ko ulit siya.

"huwag mo akong guluhin. Kung gusto mo umalis ka na. May kailangan pa akong tapusin." inis kong sabi sakaniya ngunit hindi parin matanggal ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"alright."

Akala ko aalis na siya pero nilapag niya ang bag niya at kumuha siya ng upuan at inilagay iyon sa tapat ko. Kumuha din siya ng ilang papel at nagsimulang magkulay. Napakunot ako ng noo.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sakaniya habang tinitignan siyang nagsisimula nang magkulay.

"can't you see? I'm helping you." masungit niyang tugon.

"hindi mo naman kailangang gawin yan." angal ko.

"tatapusin mo muna ito bago mo gamutin ang sugat mo diba? kaya nga kita tinutulungan para magamot na natin yang sugat mo."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Pero hindi matanggal ang curiosity ko.

"bakit mo ba ginagawa ito? dapat hinayaan mo nalang ako. Wala ka din namang mapapala." tanong ko ngunit hindi siya sumagot.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsalita siya.

"I'm sorry." napatingin ako sakaniya dahil sa sinabi niya.

"sorry kung nasaktan kita." hindi ako makapaniwala. Nagsosorry siya sa akin, at sa mismong harapan ko pa ngayon.

"Kahit na magsorry ka naman, hindi na maibabalik sa dati ang puso ko." may halong pait sa mga sinabi ko. Naalala ko yung time na naghiwalay kami, tuloy-tuloy na isang araw akong umiyak dahil doon.

"Mahal mo parin ba ako?" tila ay nanigas ako sa tanong niya.

Anong karapatan niyang tanungin sakin kung mahal ko pa siya pagkatapos niyang durugin ang puso ko?

---
author's note:
maikli siya masyado, sabaw itong update pero hope you like it.

Playboy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon