Chapter 3

9.3K 278 4
                                    

Chapter 3:

Stay away from him

Hindi ko siya sinagot bagkus ay pinagpatuloy ang pagkukulay ko. Narinig kong bumuntong-hininga lang siya at kinuha lahat ng mga papel.

"Ako na ang magtatapos sa lahat, ako na din ang magpapasa." inilapag niya ang mga ito sa kabilang lamesa at lumabas na.

Ilang sandali lang ay bumalik siyang may dalang cotton at alcohol. Lumuhod siya sa harapan ko at itinaas ang palda ko. Bigla akong nahiya dahil baka makita niya na ang shorts ko.

"A-ako na." angal ko ngunit hinila niya lang ang upuan ko papalapit sakaniya.

Sinimulan niya ng dampian ang sugat ko. Napahalinghing ako ng maramdaman ko ang hapdi doon.

Why is he acting like this?

Ganitong-ganito siya nung kami palang. Ginagawa niya ba ito para paasahin ulit ako? Para saktan at durugin muli ang puso ko? Balak niya ba ulit akong gamitin?

Hindi ko namalayang napapaluha na pala ako. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang nagbabadya kong hikbi nang biglang may tumakas na luha mula sa mga mata ko ang pumatak iyon sa kamay niya.

Sandali siyang napatigil at tinignan ang kamay niya. Magpupunas na sana ako ng mukha ngunit huli na dahil nakita niya akong umiiyak.

Bakit ba kasi ang hina-hina ko?

"Does it hurt that much?" may pag-aalalang tanong niya. Tumango ako at nagpunas ng luha ko.

"Oo masakit. Kaya please itigil mo na. Ako na ang bahala." may iba akong ibig sabihin sa mga sinabi ko. Sana makarating sakaniya ang nais kong iparating.

"tara na, ihahatid na kita sainyo." tumayo siya at inilahad niya ang kamay niya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ito o hindi kaya kusa na akong tumayo.

"salamat nalang. Uuwi na lang ako mag-isa." kinuha ko ang bag ko at dali-daling bumaba ng school building. Madilim na at wala ng katao-tao maliban sa guard na nagpapatrolya.

Alas-otso na ng makauwi ako sa bahay. Wala ding katao-tao. Inilapag ko muna ang bag ko sa upuan pagkatapos ay in-on ang ilaw.

"Ma! Carrie!" sigaw ko nagbabasakaling tinataguan lang nila ako.

Muntikan na akong mapatalon sa gulat nang biglang tumunog ang phone ko. Nakita kong si Carrie iyon kaya agad ko itong sinagot.

Nagulat ako ng marinig ko ang hikbi mula sa kabilang linya.

"Anak. Punta ka muna sito sa ospital. Naaksidente ang ate mo." napahagulgol si mama sa kabilang linya.

"A-ano bang nangyari ma?!"

"Nabangga ng kotse ang kapatid m-mo. Ang sabi ng doctor, may kaunting crack sa skull ng kapatid mo. Kailangan siyang maoperahan sa lalong madaling panahon."

Nanginginig ang mga kamay kong binaba ang tawag. No. Not ate Carry. We may not be on good terms pero kapatid ko parin siya.

"Next week na ang deadline ng payment para sa third semester niyo kaya mas magandang magbayad na kayo as soon as possible baka kapag hindi kayo nakaabot ay irerepeat niyo nanaman ang four semesters sa grade 12 lalo ka na Miss Versales. Malapit ka na maging student council member after you place on top 10."

72,000 pesos.

Iyan agad ang pumasok sa isipan ko. Dati ay hindi ako nagbabayad ng pangtustos ko sa tuition fee nung kami palang ni Marko. Hindi ko alam kung sinong nagbabayad nun ngunit sigurado akong hindi siya iyon dahil bago palang kami nagkakilala ay napasok ko na ang university na ito.

Playboy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon