Chapter 1

13.3K 287 2
                                    

Chapter 1:

There standing

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Pinagmasdan ko ang hugis ng aking mga mata at kilay na natural na maayos. Mahigit tatlong minuto bago ako nakontento sa itsura ko at napagdesisyunang pumasok na ng school.

NASA hallway ako naglalakad nang marinig ko ang malakas na tilian ng mga babae sa may parte ng gate ng school. Paglingon ko ay isang magarang kotse ang pumasok sa loob at pinark ang kotse nito sa bakanteng lote ng school.

Bumukas ang pintuan ng kotse at mas lalong lumakas ang tilian ng mga babae na nagtutulakan para makita lang ang....sino pa nga ba?

si Marko Ashton Blanco.

Hindi ko na hinintay na makita pa siyang lumabas ng kotse niya bagkus ay dumiretso na sa classroom namin na nasa second floor ng building ng Fuzine University.

"Iris Versales! Tignan mo ang rank mo!" tili-tiling sigaw ng kaklase kong si Erika na bestfriend ko din at the same time. Napadaing ako ng malakas niyang hilain ang braso ko papunta sa bulletin board sa labas ng classroom namin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ko sa 12th position overall sa buong Grade 12. Gusto kong magtatatalon sa tuwa.

"Totoo ba ang nakikita ko Erika?" hindi makapaniwalang tanong ko sakaniya. Dati hanggang 80th position lang ang abot ko pero ngayon 12/1000 students ako.

"tignan mo yung ex mo first." agad na dumapo ang tingin ko sa unang posisyon.

1st Marko Ashton Blanco

Napalunok ako. Totoo ba ang nakikita ko? Napaamang ang bibig ko dahil sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko aakalain na makukuha niya ang pinakaunang posisyon. He's doing well after he fooled me.

Pagkatapos magsink in sa utak ko na ganito na pala siya katalino ay niyaya ko si Erika na pumunta na ng classroom. Pagkatapos ng dalawang subject namin ay nagpaalam na ako sakaniya dahil magkaiba na kami ng susunod na klase.

Patungo na sana ako sa susunod kong klase nang biglang kumalam ang tiyan ko kaya napagdesisyunan ko munang kumain ng sopas sa canteen bago pumunta sa third subject ko.

Umupo ako sa tabi ng may bintana habang humihigop ng mainit na sabaw ng sopas nang biglang nagtititili ang mga babae dito sa loob. Napatingin ako sa labas at nakitang papasok dito si Ashton.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naisipan na magtago. Ayokong makita niya ako, baka kapag napatingin ako sa mga mata niya ay mahulog nanaman ako at masaktan lang.

Ipinagpatuloy ko ang paghigop sa sopas ko ngunt hindi ko mapigilan na mapatingin sa gawi niya. Kung kanina ay mag-isa lang siya ngayon naman ay napapalibutan na sya ng mga babaeng napapaikot niya.

Ngiti-ngiti pa siya habang yung isang babae ay nakayakap sa kaniya at ang isa naman ay nakaupo sa lap niya. Nakaakbay pa siya rito. Tila ay nakaramdam ako ng selos.

Nang ibalik ko ay ang tingin ko sakaniya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala na sa mukha niya ang ngiti niya kanina. Lumunok ako ng ilang beses.

Inubos ko lang ang pagkain ko ngunit nahuli ko nanaman siyang nakatingin sa akin ng seryoso kaya nagmadali akong lumabas ng canteen.

Kanina pa nag-aalburoto ang puso ko. Nanginginig pa ang mga kamay ko sa hindi malamang dahilan.

Tinapos ko ang third subject ko at luckily wala kaming fourth class. Lumabas ako ng eskwelahan para sa labas na kumain. Ayokong kumain sa canteen baka makita ko nanaman siya.

Playboy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon