Chapter 6
Syleena and Tears
Saan naman kaya kami pupunta?
Kinuha ko ang mga damit sa loob ng paper bag. May pantalon, tshirt at jacket na nakapaloob doon. Sinuot ko ang pantalon at tshirt, I have no use for the jacket since hindi naman masyadong malamig sa labas.
Lumabas ako ng kwarto ko at nakitang nasa labas lang siya ng pintuan ko. Lumingon siya sa akin at tinignan ang suot ko.
"Tara na." nauna siyang naglakad habang pinapaikot sakaniyang daliri ang susi niya. Lumabas kami ng mansion at sa harapan ng gate ay may nakahanda ng kotse.
Kinabahan ako, baka ituloy niya lang ang balak niya sa akin dati. Pati din kagabi, pumasok siya ng kwarto ko ng walang pahintulot. I have to be more aware.
"saan ba tayo pupunta?" I am expecting for an answer pero hindi siya sumagot. Baka gawin niya nga.
Tumigil ako sa paglalakad at siya naman ay pumasok nasa loob ng kotse niya. Ibinaba niya ang bintana at tumingin sa akin.
"you're not going in?" irita niyang tanong na halos ay pagbabanta na.
"I don't think I'll come with you, baka next time nalang." tumalikod kaagad ako at naglakad paloob ng mansion.
After awhile, I felt someone higged my waist. "You're not going anywhere, so you don't have any choice but to come with me." hinila niya ako patungo doon sa kotse. Nagpumiglas ako but he is too strong for me.
Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya sa tabi ko at pinilit na pumasok sa loob. Wala akong naging choice kundi ang sumunod sakaniya. Nang makapasok na din siya ay lumayo ako ng distansiya sakaniya. Baka kung anong gawin niya sakin.
Tinignan niya lang ako bago pinaandar ang sasakyan.
IPINARK niya ang kotse sa isang parking lot. Hindi ko alam kung saan basta parking lot.
Sabay kaming bumaba ng kotse at nanlaki ang mga ko dahil sa nabasa ko sa harapan namin.
'ANGEL'S FACE BAR'
Nilingon niya ako dahil naoansin niyang napatigil ako. Umiling-iling ako bago tinignan ulit yung pangalan nung building.
I saw him smirked.
"tingin mo may gagawin ako sayo?" pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabi niya. Binasa niya ba ang isipan ko? Bakit ba kasi kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. Pero hindi ko talaga mapigilan, iyon ang ultimate goal niya dati sa akin noong may relasyon palang kami.
He grabbes my hand and we both entered the bar. Amoy agad ng alak ang sumalubong saamin. May mga kalalakihang tumingin kay Ashton at pati narin sa akin.
He removed his jacket and put it on top of my shoulders.
"suotin mo." sinunod ko ang utos niya. Nagtungo kami sa harapan ng isang grupo ng mga kalalakihan, may mga kasama din silang babae.
"oh dude, kamusta?" tanong nung isang lalake at napatingin sa akin.
"ow, bago mo?"
Hinawakan ni Ashton ang bewang ko at hinapit papalapit sakaniya. "no." mariin niyang sagot.
"maybe just one of his flings." komento nung babaeng katabi nung lalaking nagsalita. Parang biglang tumaas ang dugo ko sa ulo. I'm not one of his flings! And will never be!
"shut up, bitch." inis na sabi ni Ashton doon sa babae. Nilukuban naman ng kahihiyan ang babae dahil doon kaya padabog itong nagmartsa paalis.
"I just want you to meet my girl, guys." mistulang naging kamatis ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
Playboy's Obsession
Ficção GeralUNEDITED Obsessive Series #2 May isang babaeng nagngangalang Irish na kontentong-kontento na sa buhay niya ngunit nung naaksidente ang kapatid niya ay wala siyang nagawa kundi ang humanap ng trabaho na may malaking sweldo upang maoperahan ang kaniya...