Chapter 7

7.3K 205 11
                                    

7

Sorry

PUMASOK agad ako ng mansion at nagdire-diretso sa kwarto ko. Hindi na ako nakapagbigay ng time na magexplain kay Ream kung bakit nandito ako nakatira ngayon.

Napahawak ako sa dibdib ko, mabilis ang tibok nito at hindi magkamayaw na tumatambol ito. Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang pakiramdam na ito, ang sakit.

Akala ko nakamove-on na ako sakaniya pero hindi pa pala. Pumikit ako at inalala ang mga panloloko niya dati sa akin.

Kung hindi ko pa nakita na may kahalikan siyang ibang babae ay siguro ay naloloko niya parin ako hanggang ngayon.

Narinig ko din mula sa nga bibig niya na may gusto lang siyang makuha sa akin, at iyon ang iniingatan ko hanggang sa makasal ako. The reason why he courted me is to get my...card.

And just by thinking of that again, mas lalo lang kumirot ang dibdib ko. I wiped all the tears that rolled down on my cheeks. I immediatley washed myself and set myself to bed.

Sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay nakarinig ako ng kalabog sa ibaba. Agad akong napatayo, at nagtungo mula sa pintuan. Binuksan ko ito at nakitang nakapatay na ang ilaw sa hallway.

Baka may magnanakaw!

Lumabas kaagad ako ng kwarto ko at bumaba sa isa pang hagdanan. I was about to step inside the kitchen when I heard a loud door bang upstairs. Mas lalo akong kinabahan doon.

I looked for a possible self defense. But I can't find one kaya kumuha nalang ako ng plato.

"meow!" napatalon ako nahulog ko ang plato causing it to shatter in pieces. Tumakbo palayo ang pusa na sanhi kung bakit ko nabasag ito.

Gosh! Nasugat ako. Tumayo ako at maghahanap sana ng walis pero nakatapak ako ng piraso nung plato kaya napadaing ako at napaupo sa sahig. Mas lalo lang akong nasugat dahil naupuan ko yung mga basag.

Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng yabag ng paa. Baka isa na sa mga katulong! Baka matulungan niya ako at masabi kong may magnanakaw.

Pero mali ako kasi sa lahat pa ng ayaw kong makita ngayon ang nakita ko.

"Iri--" tinignan niya ang paa ko. Baka napansin niyang may dugo. "sh*t" he hissed. He rushed to me and help me stand.

"wait.." umalis siya saglit at dumating na may first aid kit. De ja vu.

Pinaupo niya ako sa isa sa mga upuan dito sa kusina at tinignan ang mga piraso ng plato na na nakabaon parin sa paa ko.

I looked up to him, baka siya yung sanhi nung kalabog kanina. So ibig sabihin kadarating niya lang?

"a-aw." napadaing ako nung maayos niyang tinanggal ang lahat ng iyon isa-isa. Pagkatapos nung ay sinuri niya isa isa kung may natira pang piraso sa balat ko.

Natapos din siya sa ginagawa niya, nag-angat siya ng tingin sa akin dahilan para magkasalubong kami ng tingin.

"anong ginawa niyo ni Ream?" seryoso niyang tanong. Napaiwas ako ng tingin ng maalala ko ang nangyari kanina. Dahil doon ay hindi ako nakasagot.

"come on, answer me." hinawakan niya ako sa baba at hinarap sa kaniya. Natatakot akong tumingin nanaman sakaniyang mga mata, sa mga matang dahilan kung bakit nahulog ako sakaniya.

"w-wala. Umuwi agad ako." pagsisinungaling ko ngunit hindi naman tumbla sakaniya.

"don't lie to me, I have eyes on there, saan kayo nagpunta ni Ream? bakit umalis ka agad dun? " nakaupo parin siya sa harap ko at nakahawak sa paa ko.

Playboy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon