Chapter 11: <3

399 19 1
                                    

"K"

"Yael"

"Sige ikaw muna"

"May Gig ako sa Guam for 1 month. sa isang araw na siguro flight. "

"1 month?!  Bat parang ang tagal?"

"Sunod sunod kasi *kamot ulo* pero uuwi ako agad.  Promise. Mamimiss kita. Hindi pa sure yung 1 month ah basta susurpresahin na lang kita"

Ngumiti na lamang si Karylle at napatingin sa kisame kung anong gagawin nya kapag umalis na si Yael ng ilang buwan. Naalala nya na baka magtagal din bago magstart ang movie na gagawin nya.

"K,  ano nga pala yung sasabihin mo sakin?  *sabay nguya*"

"Medyo matatagalan ata yung movie. "

"Patience is a virtue K.  Antay ka lang *sabay hawak sa kamay*"

Sakto ay may biglang tumawag kay Karylle sa phone at dali daling sinagot ito.

"Hello? "

"K! Si Direk Wenn ito, ready ka na ba sa first shoot mo bukas?"

"BUKAS?!  *sabay ngiting malaki at tingin kay Yael* Oo direk!! Sige sige saan po Location?"

"Laguna. Ipasusundo kita sa driver ko. Okay lang ba sayo na makakasama mo mga staff sa Van?"

"Hah?  Eh Direk paano yung mga gamit ko? *malumanay*"

"Malaki ang Van K dont worry! 6:30 A. M.  andyan na ang Van"

"Okay Direk! See you TOMORROW!"

"Tomorrow tomorrow!  I lab ya tomorrow!"

"Yan ang namiss ko sayo Direk eh! Teka sinong head writ...."

*Toot toot toot*

"Ay! *sabay layo ng phone sa tenga* Yan naman ang di ko namiss sayo joke.. YAEL!!  Bukas na!"

"Ay!  Okay lang *nanghihinayang na boses* Goodluck bukas ah!  Do your best"

"Bat parang di ka masaya?"

"Di kase tayo makakapag... "

"AY NAKO MR YUZON! "

"Makakapagbonding! Hala!"

"Kumain na nga tayo *natatawang sagot ni K*"

Pagkatapos kumain...  ng breakfast ay nagpasya silang ngayon na lang magbonding. Pumunta sila sa Quezon City Circle para makapagpasyal din.

"Yael,  dito ka lang ah may pupuntahan lang ako"

"Sama na ako!"

"Ah eh...  wag na!  Mabilis lang ako!"

Sabay tumakbo si Karylle papunta sa likod ng QCC at naghanap ng Dirty Ice Cream,  ayaw kase ni Yael na pakainin si Karylle ng Ice Cream dahil sa boses nito pero kumain pa rin ito. Sarap na sarap si Karylle sa Ice Cream lalo na sa Buko Pandan flavor. Napalingon sya sa crowded area na puro bata at mga may edad na na may hawak na camera at kung ano ano pa.

"*pabulong* Anong meron?"

"Dalawa lang yan Miss,  baka andyan si Marian Rivera o si Vice Ganda. TEKA *natulala*" sabe ng Mamang Sorbetero

"Hah? Si Vice pumupunta dito?  Pati si... Teka nga manong baket...."

"KAREL!?  KAREL!!! IKAW NGA KAREL!! PAPICCHUR KAREL!!"

The Proxy | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon