Chapter 5: ViceRylle Oncam. YaRylle Offcam.

600 10 1
                                    

Vice's POV

Flashback:

"Pwede ba kita yayain for a.... date? Friendly date!"

"Kayo talagang mga lalake kayo, pa friendly friendly date pa kayo eh date rin naman yon! Okay sige, 8 pm?"

End of Flashback

Sus!! Pafriendly friendly date pa! Umurong na kasi ihi ko pagdating ko sa CR eh, naransan nyo na ba yon? Yung iihi ka pero kapag palapit ka na sa CR umuurong nang umuurong? Ako lang ata yon. Pero di ko naman ginustong makinig at makichismis sa pinaguusapan nila. Pero iba kutob ko sa lalaking yan eh. Ewan ko ba. Basta iba.

End of POV

Hanggang ngayon, hindi pa rin makaget over si Vice na nakahalik sya ulit ng babae, smack pero kahit na atleast dumikit! Di sya makatulog, dalawa lang naeecho sa utak nya, either yung FRIENDLY DATE at KISS.

Minsan naguguluhan na nga lang sya pati mga blush on nya at false eyelashes nya sa sarili nya. Minsan, di akma ang mga kinikilos nya bilang bakla, nakabukaka umupo, minsan lumalalim ang boses, maghahamon minsan ng suntukan. Di nya na maintindihan kung bakit sa katawan bakla, sa kilos nya parang... lalake?

Lunes, Showtime.

Late na naman si Vice dahil uminom sya kagabe, di sya makatulog kaya naman niyaya nya ang ilang kaibigan nya sa bahay nila para magshot.

"HELLO MADLANG PEOP*sabay pumiyok*"

"Kuys!! Ano ba yan, late ka na nga pumipiyok ka pa"

"Binata na yan si Vice!!! *sigaw ng madlang people*"

"Binata! Eh ikaw?! Nakita nga kita nung bata pa tayo ayaw mo magpatuli!"

*tawanan ang madlang people*

"Oh Vice, basahin mo na..."

"Ay, oh at syempre hindi rin magpa......"

"Teka! Brad aga mo naman magcelebrate ng Valentines! Late na late agad agad."

"Hah? *tingin sa relo na may date 'Mon-14'* AY! Hindi ko alam!!!"

"Hahaha! Baket Vice wala bang nagyayaya sayo ngayon?"

"Wala eh. Pag niyaya ako, either motor o sapatos"

"Haha! Teka kayo sino sino ang mga kadate nyo?"

Inisa isa ang Showtime hosts, habang iniisa isa nila ito ay bumulong si Vice kay Vhong.

"Valentines na pala ngayon?"

"Seryoso brad? Ngayon mo lang nalaman?"

"Oo! Napaghahalataan ba?"

Habang naabot na kay Vhong at nagshare kung anong gagawin nila ng girlfriend nya at hanggang sa umabot kay..

"Ikaw K? Sinong kadate mo mamaya?"

*meyroong sumisigaw na mga Tiling mala ViceRylle na si Vice daw ang kadate ni K*

"Wala eh. Mama at papa ko lang?! *tono na parang di sure sa sagot*"

"Talaga lang K hah?"

Habang kinikilig ang madla naalala ni K na narinig pala ni Vice ang usapan nila ni Yael, at si Vice naalala nya naman ang 'Friendly Date' nila ni K. Pero..

"De madlang people si Vice po talaga ang kadate ko! Saan ba tayo pupunta Vice? *sabay hawak sa dibdib at may pangaakit na boses*

"Ay nako K!! Sinasabe ko sayo! Ha ha, sinasabe ko sayo nako nako woohh K!"

The Proxy | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon