HALIK - KAILYAN KTS book ISBN= 978-971-011-526-6

2K 31 5
                                    

“Bakit kasi ipinanganak ka  na Mayaman at Maganda Irene Mae Florendo” asik nya sa kanyang repleksyon sa salamin ng kanyang tukador na naglalaman ng sari saring make-up kits,  lotion at mga imported na pabango na sya mismo ang endorser. Ngayon nya  lang naramdaman hindi pala sa lahat ng oras masaya ang maging mayaman at maganda.

Isa syang  dalagang ipinanganak na matatawag na may gintong kutsara sa labi subalit mas pinili nyang mamuhay ng solo at maging isang independent at huwag umasa sa yaman ng kanilang angkan lalo na at ang lahat ng pukos ng kanyang mga abuelo ay nakatoon  sa panganay nyang kapatid na lalaki na magtataguyod ng kanilang negosyo kayat isa ito sa mga  dahilan upang siya’y lumayo at magsikap na mag isa..

Hindi nya sukat akalain na magugulo ang kanyang mundo dahil sa isang nagbabagang HALIK  na noon nya lang natikman sa buong buhay nya..

********

Paano nya itatago ang lihim sa kababatang matagal ng nais ipakasal sa kanya ng kanyang angkan. Ang abogadong si Francis Escriber ang binatang ubod din ng yaman sa kanilang lugar.

Makakaya nya bang saktan ang  matalik na kaibigan si Nouer Palomar  kung sa kasintahan  di-umano nito sya nakaramdam ng kakaibang  damdamin na sa simula pa lamang ay labag na sa kasunduan nilang mag kaibigan?.

Ano ang magiging papel sa buhay nya ng lalaking kanyang ginamit sa paghabi ng isang kasinugalingan upang makuha ang yaman na nararapat sa kanya? Paano nya tutuklasin ang maitim na balak nito.

Ano ang pagkatao ng  mahiwagang lalaki na nag iwan sa kanya ng isang halik na hindi nya makalimutan?

HALIK - KAILYAN KTS  book ISBN= 978-971-011-526-6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon