Three days after..
“Hello! sistah may nahanap ka na ba?”
“wala pa eh, nakausap ko na nga pala si Mariel kaso ayaw nyang mag recommend nang malamang ikaw pala ang naghahanap baka daw mapahamak ka hindi kakayanin ng kunsensya nya hehehe.”
“Puro ka talaga kalokohan.”
“Sis may nakausap na ako dito yong security guard namin, kaya lang baka hindi maniwala mga parent mo”
“bakit?”
“Eh mukha syang kontrabida sa pelikula baka sabihin tinakot ka lang hehehe.”
“Wahaha sira! hindi naman ako namimili kahit anong hitsura ng lalaki basta yong matino at behave sya kahit kamukha pa sya ni Max Alvarado ang inaalala ko lang, dapat yong tipong lalaking intelehente sya at kapanipaniwala talaga as in magaling umarte dahil siguradong iimbistigahan sya ng pamilya ko”
“Yon nga ang problema pa eh , kung isang ordinaryong anak ka lang nang labandera maraming pwedeng I partner sayo, kaso ikaw si Irene Mae Florendo apo ng isa sa pinakamayamang Don sa Davao,
“hmm sinabi pa, wala namang nagtatanong, oh sige pag may time ka mamaya after office hour punta ka sa bahay ha, wait kita.”
“Sis sorry may lakad ako.”
“Saan na naman ba?”
“Secret! maghahanap ng pagkakaperahan. Ay teka magkano ba ang ibabayad mo kung saka sakali.”
“50 thou pwede na ba yon for 3days?.
“Wow laki naman, ako na lang kaya, mag kukunwari na lang akong lalaki. Kunwari ako ang BF mo.”
“Sira mas seksi ka pa sakin pwede ba yon? Maskulado hanap ko hindi sexy hahaha..
“hehehe joke lang naman pinatulan ba naman hahaha”
“Sige kong hindi ka makakapunta tawagan na lang tayo mamaya pag hindi ka na buzy, Bye.”
“Mam overseas call po si Sir Yani kanina pa nasa linya.“ Biglang singit ng kanyang assistant na si Cristy ng mapansing tapos na syang makipag usap.
“Hello Yani! bakit napatawag ka?”
“Irene ayos na nakuha na natin yong deal sa Prime Aparrels International. Nanalo tayo sa Bidding. Tayo ang gagawa ng advertisement ng lahat nilang products worlwide at may posibilidad pang 50 percent nang produkto nila na Lingerie ay sa garment natin tatahiin. Multi Million dollar contract ito for 5 years.”
“Ayos ang galing mo bossing.” Buong paghangang komento nito sa kasosyong nasa Dubai sa kasalukuyan.
“Wag ka munang magsaya may malaki tayong problema.”
“Ano na naman yan?”
“Humihingi sila ng Performance Bond 10 percent ng total contract”.
“Hindi ba pweding e-wave yan? May surity bond na tayo sa kanilang 10 percent ah.”
“Sinubukan ko na silang kausapin pero company policy daw nila yon.”
“Nagkausap na rin kami ni Carmel sagad na raw ang pundo natin”
“Patay! sayang naman kung hindi natin makukuha. Mag loan kaya tayo sa bangko?”
“Day, naisip ko na yan pero walang bangko na agad agad magpapautang ng ganon kalaking halaga.”
“Magkano na ba ang total asset natin?”