Kabanata 01

823 11 0
                                    

> Matapos  isa isahin ang halo halong sobre at ilang magazine, natawag ang pansin nya sa isang kulay beige na sobre ..

“Hmmp sino na naman kaya sa mga friend ko ang may birthday, ikakasal, o mag papa binyag ng anak?” binitawan nya ang sobre nawalan sya ng interes na buksan ito, nalungkot sya ng maisip ang salitang anak.

Humakbang sya papalapit sa kanyang two door No-Frost Refrigerator na barefooted dahil kakatangal lang nya ng kanyang Louis Vuitton Peeptoe highheeled sandals tinamad na rin syang hanapin kong saan nya naiwan kaninang umaga ang kanyang step-in na pambahay..

Pagbukas nya ng Refrigerator nagsalin sya ng Soya milk sa isang baso upang mapawi ang kanyang Uhaw..

Kinuha ang remote control ng kanyang 42 inch flat screen Television set,  binuhay ito bumungad sa kanya ang balitang walang pinag ka iba sa pang araw araw nyang buhay nakawan, karnapan, sunog ,tsismis na hiwalayan ng mga artista..

“Hmmp buti pa sila ilang beses nang nakipag hiwalay ako hindi pa nakahanap ng pweding hiwalayan.’ Napangiti sya sa sariling kalokohang naiisip..

“Hay, Irene Mae tatanda ka na lang bang dalaga? maganda ka naman ah, hoy salamin wag kang kokontra babasagin kita” singhal nya sa wholebody size na salamin na waring nakatanghod sa kanya malapit sa Television set na sadyang inilagay nya dito upang  tuwing umaga bago sya umalis ilang beses nya munang papasadahan ng tingin ang sarili, sisipatin nya ang hubog kung na papanatili  nya ba ang kanyang pigura..

“Hmm sexy ka naman” .hinapit nya ang kanyang mini-skirt upang lumabas ang hubog ng balakang na proportion sa malantik na  bewang  twenty six  pa rin naman nasabi nya dahil akma pa sa bewang nya ang waistline  nito at walang palatandaan na masikip na ito. Sunod nyang hinubad ang kanyang white long sleeve na nakailalim kanina sa kanyang plain black tailored blazer.

“Perfect pa rin naman ang aking boobs hehehe wala pa kasing nakakahipong sinuman” sambit nya habang hawak hawak ang dalawang bundok na natatabingan ng isang branded na satin front clousure foamless bra. Buong pagmamalaki nyang tinitigan ang katayugan ng yaman sa salamin tayong tayo pa rin ito at halos lumuwa na ang kalahati.

“Salamat at napanatili ko ang aking Vital statistic na 36 26 36.  yon nga lang ang hirap palang mag hanap ng nobyo  kapag ganitong limang talampakan at walong pulgada ang taas ko, kasi naman 5’5 lang ang average na height ng mga Pilipino” wika nya sa salaming kaharap na tila ba sinisi nya ito..

“Wahahaha  para akong sira”, napatingin sya sa bintana ng kanyang apartment, biglang nyang naisip nya na baka naka awang ang kanyang tented na bintana “whew buti na lang sarado kung hindi makakapanood sila ng libreng show hehehe.”..

“Tama na nga ang kalokohan ko at makapag GYM  na nga lang” ..bulong nito sa sarili .

Isa isang pinulot ang mga nagkalat na kasuotan sa sahig at unti unti na syang  humakbang sa hagdanang nag uugnay sa una at ikalawang palapag na kinalalalagyan ng tatlong kwarto.

Ang master bedroom ang kanyang silid at ang dalawang pang natitira na wala namang umuokopa kundi ang mga pagod na sa kakalambitin sa hanging mga  alikabok ang siyang nagpapahinga sa ibabaw ng mga tukador at kama nito, bihira naman nyang ipalinis ito dahil bihirang magamit, nag kakatao lamang ito kapag mayroon  syang kaibigan na nais mag palipas nang gabi sa kanyang bahay na nabili nya mula sa kanyang kinita sa pag mo modelo.

HALIK - KAILYAN KTS  book ISBN= 978-971-011-526-6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon